Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Training.." Ma, malapit na po ang Intramurals namin. Lalaban na naman ako. Paano yan? Pahirapan na naman Tayo sa Pag kuha ng Mag me Make up para sa akin. "
Napa buntong hininga ako At nag kamot ng ulo habang Kumakain kami. Kaming dalawa lamang ni mama ang nandidito. Nasa Plaza sina papa at 'yong Dalawang kapatid ko. Pinasyal niya para malibang. Iyakin kasi masyado si raven eh tapos ang kulit pa.
" Magagawan yan ng Paraan anak. " Sambit ni mama habang kumukuha ng kanin at Ulam. Hindi na ako sumagot at pinag patuloy ko na lamang ang pag kain ko. Sana Madali lang kami maka kuha ng mag me make up para sa akin. Mag tatanong ako kay stella mamaya kung may kakilala siyang Bakla na Nag me make up at Mura lang ang Bayad. Wala kasi kaming pera para sa Mamahaling Halaga.
" Ma, pupunta lang ako sa bahay nila stella. Mag tatanong ako kung mayroon siyang kakilala na baklang nag me make up. " tumango siya at umalis na ako para Pumunta kina Stella.
" Tao po!! " Tawag ko sa bahay nina stella habang kumakatok sa pintuan nila.
" Oh bakit? Bal? " Pinag buksan ako ng Pinto ni stella. Gulo gulo pa ang buhok niya at Naka maikling short at Red t shirt pa siya na may design na Mickey Mouse.
" May kakilala ka bang Baklang nag Me make up? " Tanong ko sa kanya, Kumamot siya ng ulo at Tumitingin tingin pa siya sa taas.
" Uhmm, "
" OO! " Aniya. Ngumiti ako ng malapad at Niyugyog ko ang mag kabilang braso niya dahil sa Sobrang tuwa.
" Ano? Sino? " Tanong ko sa kanya, Ngumisi siya at kumunot ang noo.
" Si Kenjie. 'Yong Kaibigan kong sikat na Make Up artist dito sa Barihan! 'Yong nag make up sayo noong nanalo ko sa Miss Ramp 2016. " Aniya. "bakit? Ano bang gagawin mo at mag papa make up ka? " Dagdag niya.
" Malapit na Intramurals! Ito naman makakalimutin masyado. " Nanlaki ang mga mata niya at nag tatatalon siya habang naka Hawak sa Bibig niya. Si Kenjie Valdez ! Tamang tama naalala ko na, siya 'yong nag make up sa akin noong Nanalo ako sa Mall Ramp.
" Ay oo nga pala noh? Naku! Kaya dapat ma contact ko na si Kenjie. " Nilabas niya 'yong cellphone niya at tinawagan niya si Kenjie. Ni-loud speaker niya ito para mapakinggan ko ang usapan nila.
"Hello?"
[ Bakit Baks? ] Rinig ko ang pagka Balake niya.
"Tara dito bakla! Kailangan kita. "
[ Bakit? May Mga Fafas ba Tayo diyan? ]
" Eto naman!! Puro lalaki!! Hindi iyon! "
[ May mag papa make up ba? ]
" Oo. "
[ Who is she? ]
" Si Foreina Kate Suarez "
[ Sure. Kailan ba? ]
" Basta Tara dito sa General Paralianes "
[ Okay baks, just wait me There. Bye! ]
" Sige sige. Bye! Salamat bakla! "
Binaba na ni Stella 'yong call at ngumiti siya sa akin ng malapad habang pumapalakpak. Na eexcite na kinakabahan ako para sa Intramurals namin. Nahilig akong Rumampa dahil Noon pa lang sinasali na ako sa Mga pa-contest at Modeling. Isang beses naisali ako sa Mall Ramp at nanalo ako Bilang Miss Ramp 2016. Nag kamit ako ng Korona, sash, boquet of flowers at 2 thousand pesos pero 'yong 1 thousand Ay ibinigay ko sa mga Magulang ko at 'yong natira'y Inihulog ko na lang sa alikansya ko. Sinali lamang ako doon ni Stella. Sinabi niya kay Kenjie na May Maganda akong mukha at pangangatawan. First time kong Sumali sa Ramp at sa mall pa ng Trinoma. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay stella at kenjie dahil Nag karoon ako ng oppurtunity na Makasali sa Rampa or Modeling. Mula noon, nag karoon ako ng self confidence na sumali sa mga Pag rarampa kaya alam ko sa sarili kong mas aangat pa ako.

BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Ficção AdolescenteSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...