Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 33: Naka Buntis Ako.
" Magandang umaga " Paunang bati ko para sa sarili ko. Tinignan ko 'yong buhok ko sa salamin at baka kasi nag wave na siya eh, kabado ako kapag natutulog. Only Girls Can Relate. sa Tuesday pwede ko na 'tong paliguan. 3 days lang naman pwede nang paliguan ang buhok kapag rebonded eh.
" Oh kain na. Para maaga kang maka pasok. " wika ni tita scarlet. Ang ganda talaga ng tita ko. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may mahabang buhok na straight, manipis ang mga labi, at napaka puti niyang tao na akala mong binabad sa Gluta.
Umupo na ako sa hapag kainan. Nakakaramdam na din ako ng pagka gutom eh.
" Saan ba kayo galing kahapon? " tanong ni mama sa akin habang kumakain.
" Kila Shaimer po. Sa Boyfriend ni stella, bumisita lang po kami don. "
" Mayaman din? Like Trouver? "
" Opo ma. Mag kasing yaman lang sila. " Tugon ko.
bago ako maligo, nag lagay ako ng plastic sa ulo ko. Kinulob ko ang aking mga buhok sa loob ng plastic para hindi ito mabasa. May tendency kasi na kumulot ang buhok kong bagong rebond kapag nabasa agad.
" May baon ka pa ba? " tanong sa akin ni mama bago ako umalis.
" Ahm, opo may natitira pa akong 360. "
kumunot ang noo nila tita scarlet
" Baka hindi ka kumakain don ah? " tugon ni Auntie. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang naka taas ang isa niyang kilay
" Oh, i see.. Nananaba ka na kaya alam kong kumakain ka don. " Ngumiti't tumango na lamang ako at uamlis na ako para masundo na si stella.
3 new messages
Tatlong mensahe mula kay Trouver hala? nakalimutan ko. Baka nagalit na 'to sa akin.
From: Moo-nggoloid
Good morning moo! Sobrang nalalapit na.
From: Moo-nggoloid
Are you busy? I miss you. Text back.
From: Moo-nggoloid
Aww :'< May sasabihin ako sa'yo mamaya.
Gosh! Hindi ko na siya nagawang replyan! Mamaya na lang ako hihingi ng paumanhin. Wala pa akong load! Nyeta.
At ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Kinakabahan naman ako do'n.
" Bal! " Niyakap niya ako nang makita ako kaya niyakap ko din siya pabalik. Parang hindi kami nag kikita noh? Akala mong hindi kami nag kita ng 12345678910 years. :3 Nag lakad na kami papuntang AU. Minamadali na namin dahil pati din pala si shaimer nag hihintay na kay Stella. Parehas na silang dalawa ni trouver na nasa room na.
" Trouver!? " Sigaw ko nang naabutan ko siyang natutulog sa arm chair niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Umupo na kami ni stella sa upuan namin at nilapitan na siya agad ni shaimer.
Tinabihan ko si Trouver. " A-ano nga palang s-sabihin mo sa akin? " Tanong ko sa kanya. Hinarap niya ako at sumeryoso ang mukha niya.
" Naka B-buntis ako. " Aniya. Bakit? bakit niya 'to ginawa sa akin? Handa na ako sa mga sasabihin ko sa kanya bukas tapos ngayon sasabihin niyang naka buntis siya? Hell no! Hindi ko na napigilang pahupain ang luha ko. Sobrang sikip sa dibdib ng malaman ko 'yon. Sino naman 'yon? At bakit niya 'to ginawa sa akin? Ang laki ng tiwala ko sa kanya tapos sinira niya ng ganun ganun na lang?
" Why are you crying? Moo, naka buntis ako ng, aso. :'< "
Sinapak ko siya sa braso niya at humagalpak siya habang naka hawak sa tiyan niya. What the? Hindi masayang biro 'yon! Sinaktan niya ang damdamin na akala ko'y totoo. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi pala talaga siya naka buntis. Nag emote pa ako waepek din pala..
" Ang cute mo talagang asarin! " sambit ni Trouver habang tumatawa. Samantalang ako, Naka tingin sa kanya ng masama.
Makuha ka sa tingin, Bitch!
" Wag ka nang umiyak diyan, Moo. Alam mo namang hindi ko kayang gawin sa'yo na lokohin ka eh, Hindi ba? " Hinaplos niya ang buhok ko at ang likod ko. Nakaramdam na naman ako ng bilis ng pag tibok ng puso ko.
" Ikaw kasi! Walang hiya ka talaga! " Tugon ko sabay hampas sa dibdib niya. Ang tigas ng chst niya, gosh!
" Sorry na. Eto na, ito na talaga ang sasabihin ko. " Ngumisi siya. " Bukas, " Tumaas ang kilay ko at hinihintay ko ang sasabihin niya.
" Bukas.. " Aniya. Tinaasan ko siya ng isang kilay at ngumiwi siya.
" ano ? " tanong ko
" Bukas, Susunduin kita by 4pm at ihahatid na lang kita sa inyo pauwi ng 8pm. " Aniya. Pumalakpak ang tainga ko. Mag kukunwari na lamang ako na walang alam. Birthday niya na bukas.
" Ah, ge " Tipid kong sagot. Gusto kong siya naman ang i-prank ko na kunwari hindi ko alam na birthday niya na bukas.
Sumimangot siya " Uh, hindi mo manlang ba itatanong? "
Kumunot ang noo ko " NA? "
" Na, bir- " Dumating bigla si ma'am buckol kaya natigilan kami at bumalik na ako sa pwesto ko. Nilingon ko si trouver na naka pout. Nakakaawa ang pag mumukha niya kaso nararapat lamang sa kanya yan. Ginantihan ko lang siya sa pag prank sa akin at alam kong nasasaktan din yan dahil ang akala niya'y hindi ko naaalala ang birthday niya.
Hindi din nag tagal ang pag didiscuss ni Ma'am buckol.
" Tara na, Mag break na tayo. " Aya ko kay trouver.
Kumunot ang kilay niya " Wala pa ngang tayo, break na agad? " Mahina akong natawa sa sinabi niya.
" i wish my birthday will be great. " Naka simangot si Trouver nang marinig kong bumulong siya. Narinig ko 'yon pero hindi ko nalang pinansin.
" Bal, Tara na tayong apat. Mag break na tayo. " Aya naman ni stella.
" Break na agad? Nakaka 3 days pa ngalang tayo! " Sermon ni Shaimer kay stella habang naka kunot ang kilay. Natatawa ako dahil parehas sila ni trouver. Kaloka. Tumayo na sina shaimer at trouver at Nag lakad na kami papunta sa canteen
" Ang ganda ni Suarez, Pre! "
" Shit, Liligawan ko yan, next time. May girl friend kasi ako eh. "
" Transfer ba yan? "
'Yan ang mga salitang naririnig ko sa mga kalalakihan habang nag lalakad kami papuntang canteen. Kumuyom naman ang Kamao ni Trouver at nang ngingitngit ang ngipin niya. Tinakpan niya ang dalawa kong tainga.
" Don't Listen and Look at them. They're a fucking bitch! "
" Seloso. "
nang maka rating na kami sa canteen at tsaka palang tinaggal ni trouver ang dalawang kamay niya sa mag kabilang tainga ko. Hay wala pang kami nyan ah! Paano na lang kung kami na? Baka pumatay na siya. Wala eh, Maganda ako.
Nilibre ako ni Trouver ng Fries and Sundae.
Oh ang sarap. Ugh!
" Wag kang nakikinig sa mga 'yon. Panget ka, Tandaan mo yan. Nag parebond ka pa kasi eh! " Seryosong wika ni Trouver sa akin. Nag seselos siya dahil sa mga lalaki kanina.
" why not? eh ilalaban ako sa intramurals! " Depensa ko. Sinamaan niya ako ng tingin habang kumakain siya ng french fries. Ang Hot niyang tignan god!
" It's up to you. Just always remember that i already have you! You're mine even we're not yet official. " Sambit niya ng may diin. Kinilig naman ako sa sinabi niya. Ang possessive niya masyado. Alam kong hindi niya talaga ako kayang iwan at lokohin dahil sa mga ipinapakita niya palang ngayon, seryoso na talaga siya sa akin. Ready na ako sa mga sasabihin ko sa kanya bukas. Alam kong magugustuhan niya 'to at alam kong magiging masaya ang birthday niya.
***
CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING! ⭐️

BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...