Kabanata 14.

81 17 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Bipolar..

Nandito na kami ni stella sa Angeles University. Wala pa din trouver, siguro ay late lang siya. Mabilis na nawala ang Sakit ni stella kaya Naka pasok na siya Ngayon.

" Bakit wala pa si trouver? " tanong sa akin ni stella habang naka pout. Bakit sa akin niya tinatanong ? Aba'y malay ko sa lalaki na iyon. Nag kibit na lang ako ng balikat ko at Kinalkal niya ang cellphone niya. Katext niya na naman si Alex. Tumabi na naman si shaimer sa kanya at napansin kong Naiinis na naman siya.

" Hi stella! Bakit ka absent kahapon? " Tanong ni shaimer habang naka pout " Namiss kaya Kita. " Dagdag niya.

Ang cute ni shaimer Hahaha! Natatawa ako sa Mukha niya. Si stella naman naka simalmal at hindi pinapansin si Shaimer. Naka tutok lamang siya sa cellphone niya habang ka text si Alex.

" Uy pansinin mo naman ako. Hindi mo ba ako namiss? " Tanong niya kay stella. Hinarap siya ni stella at sinamaan niya ito ng tingin.

" Hindi. At ano bang pakialam mo kung umabsent ako kahapon? " umirap siya at Ngumiti si Shaimer.

" Ang Cute mo talaga, Stella. " lumapot ang tingin niya kay stella. Tumayo si stella sa upuan niya para Lumipat sa Kabilang side ko. Agad naman siyang sinundan ni Shaimer.

" Uy kayong dalawa, ang gulo niyo. " Saway ko. Tumingin naman si shaimer sa akin at ngumisi. Dumating na si Trouver at Seryoso ang mukha Niya.

" Oh bakit ngayon ka lang? " tanong ko. Nag pout siya at inilapag ang bag niya sa Upuan niya.

" Ah, napuyat kasi ako kagabi eh. Nag punta kasi kami sa Bar ng mga Barkada ko. " Sambit niya sa akin habang naka nguso. Bar? Sigurado uminom 'tong si Trouver. Hindi Malabo.

Tumabi ako sa kanya at hinayaan ko na sina Stella na mag bangayan doon sa pwesto ko.

Itinapat ko ang bibig ko sa Tainga niya.
" Uminom ka ba? " Bulong ko. Napatigil siya sa Pag Aayos ng Sarili niya at Humarap siya sa akin. Mag kalapit ang mukha namin at Napag masdan ko ng maigi ang kanyang mga mata. Brown, Mahahaba ang pilik mata, at Tamang tama ang pagka bilog ng mata. Ang gwapo niya kaya Isa siya sa mga Heart Throb sa Angeles University na ito.

Iniwas niya ang mga tingin niya " A-Ah oo. Pero kaunti lang n-naman. " depensa niya ng hindi naka tingin sa akin. Bakit bigla siyang nahiya? Bumulong lang naman ako dahil baka marinig ng iba naming kaklase sabihin lasinggero itong si trouver. Konyatan ko sila.

" Good Kung ganon. " Kinurot ko ang ilong niya at Namula ito. Binaling ko naman ang tingin ko kina Stella at Shaimer, Nag babanayan pa din sila. Naka talikod si stella kay shaimer sa Upuan. Nakita niya ako at tinignan ako. Sinesenyasan niya akong paalisin na si shaimer sa Tabi niya. Mag ka salubong ang dalawang kilay ni stella habang naka tingin sa akin. Pinaalis ko na si shaimer sa Upuan ko At Bumalik na siya sa pwesto niya. Napa buntong hininga naman itong si Stella.

" Oh, Salamat! letseng shaimer yan! Huuu!! Talagang Nilalandi ako kahit alam niyang may boy friend na ako. Loyal kaya ako doon kay Babe. " Aniya sabay Irap.

" Osige. Edi ikaw na ang loyal. " Dumating na si Ms. Chue puth. Siya ang mapeh teacher namin. Tumahimik kami at Binati namin siya.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon