Kabanata 10.

78 19 0
                                        

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Moving On..

" Good Morning! " bati ko kina Mama habang nag aayos ng Hapag kainan. Gising na din sina Liza at Raven. Ngumiti lamang sila sa akin at nag kamot lang ako ng ulo ko.

" Anak, Kain na Kayo, heto Hotdog. "

Woah! Hotdog? Really? Saan 'to galing at Nagka grasya na kami ng Hotdog? Pero Maraming salamat panginoon sa Panibagong biyaya Na Ipinagkaloob niyo sa amin. Umupo na ako sa hapag habang Sobrang lapad ng pag ngiti ko.

" Saan galing ang Hotdog niyo, ma? "

Masayang tanong ko sa Kanya. Ngumiti siya sa akin at Binuhat niya sa raven.

" Sa Auntie Scarlet mo. Nag padala siya ng pera galing Texas. "

sambit niya nang umupo na din siya sa Hapag. Ang bait talaga ni auntie letlet. Siya 'yong nag Alaga sa akin Noong bata pa ako. Taga dito lang talaga siya sa Pinas at Nag texas lang siya dahil Naka hanap siya ng asawang foreigner. Sobrang close ko siya noong panahon na 'yon At Sinasama niya ako sa Bawat alis niya. 'Noong nag asawa siya, Sinasama niya ako sa Texas para doon na Makapag aral pero hindi ako sumama dahil ayaw kong Mawalay sa Mga magulang ko. Ilang taon na kaming hindi nag kikita ni Auntie letlet. 9 years Old kasi ako noong Umalis na siya dito sa Pilipinas. Minsanan lang siya kung mag padala ng pera dito sa Pinas. Minsan nga Bukod 'yong Pera para sa pangangailangan ko at Sa mga Gastusin dito sa Bahay eh. Pero binibigay ko na lamang 'yon kina mama.

" Ang tagal ng hindi natin nakikita si Auntie letlet. " Sambit ko Sabay subo ko sa Hotdog na Ulam namin.

" Oo nak, Mabuti na lang talaga at nag papadala siya ng pera sa atin Kapag talagang walang-wala na Tayo. " Aniya habang Kumukuha ng kanin at sinusubuan si Raven ng hotdog.

" mama sharap po hotdog. " sambit ni raven habang naka ngiti. Ang cute talaga ni raven. Pati pisngi kumakain eh may mumo pa.

Natapos na akong kumain at maliligo na ako. Alam kong maaga pa naman At hindi kami male late ni Stella.

" Nak! Si stella nandito. Bilisan mo. " Sigaw sa akin ni papa habang naliligo ako.

" Opo! " binilisan ko na ang pag ligo at sinabay ko na din ang pag totooth brush ko.

" Oh, ang aga mo naman? " Tanong ko kay stella habang kinukuskos ko ng tuwalya ang aking buhok. Naka uniporme na din ako

" Wala, ginaganahan na akong Pumasok eh. " Ngumisi si stella at tinaas niya 'yong isang kilay niya. Siguro dahil na naman kay trouver kaya Siya may ganang pumasok. Nag hanap na ako ng medyas at nag sapatos na ako. Inabutan ako ni mama ng baon. 50 ang baon ko kapag may Padala si Auntie letlet.

" Alis na po kami, ma pa " Sambit ko sa kanila.

" Alis na po kami Tito Jhun at Tita Beth " paalam naman ni stella kina Papa at nag bless siya bago kami umalis.

" Ate! Babay! Uwian mo ako ha? " Pahabol sa akin ni Raven. Kahit kailan talaga ito eh. Umalis na kami at hindi ko na pinansin si Raven.

" Ang cute ng kapatid mo! Sarap gawing keychain. "

Natatawang sambit sa akin ni Stella. Mahilig talaga itong si stella sa Bata pero hindi naman sila gumagawa ng bata ni Alex. Wahahha! Cheret lang.

" Ikaw sarap mong itapon sa Dagat. Hipon ka kasi. "

Sinimangutan niya na lamang ako dahil sanay na siya sa mga pang aasar ko sa kanya. Hindi na kami nag asaran pang dalawa hanggang maka rating na kami sa tapat ng Angeles university.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon