Kabanata 17.

80 17 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==

Truth Or Dare?

" Ma, Nasaan 'yong suklay? " tanong ko kay mama habang kinukuskos ko ng tuwalya ang aking basang buhok.

" Tignan mo sa taas ng orocan. " Aniya habang pinapatulog si Raven. Pumunta ako sa kwarto at hinanap ko ang suklay pero wala doon ang suklay.

" Wala naman eh! " Sigaw ko sa kwarto. 

" Ang burara kasi! Kababaeng tao! " Sermon sa akin ni mama. Nag martsa ako ng padabog at pinuntahan ko si Liza sa labas kasama mga kaibigan niya.

" Nasaan 'yong suklay, iza? " 

" Ewan ko po. " Aniya. Umirap ako at tinamad na akong hanapin 'yong suklay.

" Ma, Susunduin ako ni trouver at tsaka si stella. " Humarap siya sa akin at ngumiti. Kanina halos umusok ang ilong niya sa galit, ngayon nama'y Parang maamong tupa eh.

Ngumiti siya " Talaga nak? Sige. "

" Ate! May nag hahanap sayo! " Sigaw ni Liza sa labas. Lumabas ako kaagad at nakita kong si Trouver ang nasa labas.. Naka polo shirt na gray, naka boy's short na kulay black at naka Lace up flat shoes na itim.  Napalunok ako dahil ang gwapo niya.. bumilis ang tibok ng puso ko at naiilang akong tumingin sa kanya, Pinapasok ko siya at nag bless siya kay mama.

" Tita, Sasamahan po namin ni stella si Foreina for her Practice at Valdez Gym. " paalam niya. 

Ngumiti si mama ng malapad at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa " Oo sigesige. Nabanggit niya na sa akin yan. Ingat kayo ha? " 

Ngumisi si Trouver at tinignan ako " Opo, Tita. " 

Nag paalam na kaming umalis para sunduin naman namin si stella.

" Saan naka parke ang sasakyan mo? " tanong ko habang nag lalakad papunta kina stella.

" Nandoon sa tapat ng Botika. " Aniya. Tumango na lamang ako at nakita na namin si stella na naka t-shirt na puti at leggins. Ngumiti siya at bumeso sa akin. Pumunta na kami sa tapat ng botika at nakita ko na ang Mercedes-Benz ni Trouver at sumakay na kami.

" Anong sabi ng nanay mo sa'yo stella? " Tanong ni Trouver habang naka tingin sa Rear mirror. 

Ngumisi si Stella " Wala. Pinag sabihan lang ako na mag titimpi daw ako kahit minsan, kesho marami na akong record sa Guidance. "

" Hays, Totoo naman e " Sarkastikong tugon ko..

Narito na kami sa Tapat ng V.G , Pumasok na kami sa loob.. maraming boylalet dito at Napa tingin silang lahat sa direksyon namin nina stella. 'Yong isa'y kumindat pa. Kinilig naman ang tumbong ni stella.. Umakyat kami sa 2nd floor doon sa Dance Studio at kumatok kami. Pinag buksan kami ni Kenjie at napa tingin siya kay Trouver. Lumaki ang pag ngiti niya na halos Makita na ang buong buong mga Ngipin niya. Pinapasok niya kami sa loob habang naka kapit siya sa braso ko. 

" Siya ba ang Boyfriend mo, Foreina? " Tanong sa akin ni Kenjie habang naka hawak ang dalawang kamay niya sa bibig niya. Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Trouver. This feeling again! Sigurado akong namumula na naman ako dahil nag iinit na ang mga pisngi ko.

" H-hindi ah! " sambit ko. Tinignan ko si Trouver na naka ngiti.

" Soon. " Ani Trouver. 

Soon? What? Masyado namang grabe kung mag biro itong si Trouver. Mayaman siya at hindi siya mag kakagusto sa kagaya kong mahirap, Hindi 'ba?

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon