Kabanata 25.

59 9 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Kabanata 25: Reveal..

Foreina's Point of View

" Gumising ka na Ena! 6:53 AM na! " Minulat ko na ang mga mata ko at Tinignan ko ang binta namin na Sobrang tirik na pala ng araw. Shit.

Baka ma-late ako nito. Ngayon lang ako nagising ng Ganitong oras kapag may pasok. Bakit kaya? Dahil ba sa sinabi sa akin ni Trouver Kahapon?

Bumangon na ako at nakita ko na si Auntie letlet na tinitimpla ako ng Kape. Iginala ko ang mga mata ko, wala na dito sina Mama.

" Good Morning Auntie. " Bati ko sa kanya at sinuklian niya ako ng ngiti.

" Kumain ka na. Bilisan mo. Bakit late ka na yata ngayon gumising? "

" Hmm, Ewan ko lang. " Sagot ko. " Ah, Tita Ano ulam? " dagdag ko.

" Heto oh, Pork chop. " aniya. Shit Ang saya ko talaga. Gumiginhawa naman ang buhay namin kahit papaano. Kaso after 2 years balik na naman siguro kami sa dati. Aalis na kasi si Tita dito after 2 years at babalik na siya sa Texas eh.

" Tita, malapit na Matapos 'tong bahay ah? " Sambit ko habang Kumakain.

" Oo, malapit nang masimentuhan. Pipinturahan pa yan. "

Nasamid ako sa sinabi niya " G-grabe naman yata? S-salamat Tita. Sobra Sobra na ang mga Ibinibigay ninyo sa amin. "

Ngumiti siya " Basta para sa Inyo. "

Ang dami na talagang Nagagawa ni Tita Letlet dito sa bahay. Hindi na ako nag tataka dahil mayaman talaga siya. Mayaman ang pamilya niya.

" Tita, aalis na ako. " Paalam ko kay Tita Scarlet.

" Sige ingat ka! " Aniya. Umalis na ako at Pinuntahan ko si Stella sa Bahay nila. Kumatok ako sa pinto nila At sinalubong naman ako ng tatay niya.

" Wala na dito si Stella, Hija. Pumasok na siya. "

Nag paalam na lang din akong umalis para Pumasok na. Hindi na pala ako nahintay ni Stella, Eh wala kasalanan ko din. Alam ko kasing Ayaw na ayaw ni stella na nale-late sa school eh. At 'tsaka excited 'yon pumasok para makita si shaimer.

" Aish! Foreina umayos ka. Wag sanang kiligin ang tumbong mo sa oras na Kaharap mo na si Trouver. "

UGH! Bakit ba ang pabebe ko? Hindi ko ba pwedeng ipaalam na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ko ba pwedeng ibulgar? Baka kung kailan ko sasabihin sa kanya ang totoo, tsaka niya lang ako Layuan? Or Saka Niya lang ako Sukuan? Kaya mas mabuting Sabihin ko na 'to sa Kanya. Aish! Ewan naguguluhan pa ako.

Pag karating ko sa room, nakita ko na si stella na Nakikipag usap na kay Shaimer. Si trouver naman Naka Dukdok sa Arm chair niya.

Linapitan ko si Trouver at sinenyasan ko si Stella na H'wag maingay na nandidito na ako sa room. Mukhang natutulog yata si Trouver.

Tinapik ko 'yong balikat niya at Bigla niya naman akong hinarap habang naka kunot ang noo niya.

" Oy Moo AY! -- Moorning.. Hehe! G-good M-moorning! " Bati ko sa Kanya na Ikinalawak ng ngiti niya. Gosh! Hindi ko pa talaga Kaya. Nahihiya ako.

" Good Morning din. Moo! " Aniya sabay Kindat.

" Oh ano? tapos ka na bang matulog diyan? " tanong ko habang tumatawa.

Ngumuso siya " Hinihintay kasi kita eh! Ang tagal tagal mo. "

" Sorry na. Late akong nagising eh! mabuti nga wala pang teacher dito. "

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon