Kabanata 43.

44 3 0
                                        

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Kabanata 43: Nalalapit

Nalalapit na ang aming Moving up para tumapak sa Kolehiyo.. Ang saya ko dahil, makakasama ko si Trouver, Stella at Shaimer na gumraduate. Friendship and relationship goal namin na makapag tapos sa pag aaral. Walang dapat na maging Distraksyon sa pag aaral naming apat, kailangan kahit may relasyon kayo, hindi pa din dapat mawala ang pag aaral dahil ito ang pinaka mahalagang maibibigay mo sa Mga magulang mo.

" Foreina, birthday ni daddy ngayon. Iniimbita kayo nina stella. " ani trouver. Hala birthday pala ngayon ng daddy niya ! Ni hindi manlang agad sinabi sa akin ni trouver para naibili ko siya ng kahit na anong mai reregalo para sa daddy niya!

" Bakit ngayon mo lang sinabi! Tch! " irita kong sambit.

Napakamot siya sa Ulo niya " Sorry na, Moo. Nakalimutan ko kasing sabihin sa'yo eh! "

" Dapat sinabi mo na, para manlang naka bili ako ng pang regalo sa daddy mo! Nakaka hiya tuloy, kapag wala akong dala. "

" Edi mamayang uwian, dumiretso tayo sa Mall. Bumili ka ng pang regalo. " aniya

Sabagay, tama naman siya. Ang tanga ko talaga >_<

Umirap ako " Sige, ikaw na matalino. "

Humagalpak siya " Tayong apat nga ang mag kalaban dito sa room eh. Pero madalas talaga ikaw ang mas maraming naisasagot sa recitation! tapos ikaw pa ang highest sa mga tests or quizzes! "

Mahilig kasi talaga ako sa pag aaral, hindi lang ako puro love life ang inaatupag. Mas priority ko pa rin talaga ang pag aaral ko kaysa sa iba. At tama si trouver, kaming apat nina stella ang mag kakalaban dito sa room pero mas madalas lang talaga akong mag recitation at maging highest sa mga tests or quizzes dito sa room namin. Ganyan kaming apat dito sa room, wala nang jowa jowa. Kapag laban, laban.

" Oo nga eh! " Singit ni Stella habang naka ngiwi.

" Oh, tama na .. At least guys, ginagawa niyo ang best niyo. " Wika ko sa kanila. Nag tinginan silang tatlo at nag ngitian.

" Oh, mamaya pupunta tayo sa birthday ng daddy ni Trouver! " Pag iiba ko ng usapan.

" Oo. Excited na ako! >o< " Ani stella.

" Oo sige, anong oras ba ang party bro? " Ani shaimer.

" By 6pm ang simula. " Tugon ni trouver

" NANDIYAN NA SI MA'AM BUCKOL!! " Sigaw ng kaklase naming si samantha. Kahit kailan talaga ang bunganga nito, hindi mapirme. Palaging pa sigaw. =_=

" Okay class, your moving up is very soon. Congratulations, dahil walang bumagsak sa inyo. You did it very well. Galingan niyo pa sa susunod!  " Wika ni ma'am buckol sa aming lahat. Mabuti at ganun ang naging resulta ng mga grado naming mag kakaklase kahit na maraming mga pasaway kagaya ni michael. Siya ang pinaka maingay dito sa klase at madalas siyang absent pero bumabawi naman siya sa mga recitations , tests or quizzes.

Nag simula nang mag discuss si ma'am at hindi din siya nag tagal na mag turo.

" Malapit na tayong mag moving up! Tapos madugo na ang labanan sa kolehiyo! " Sambit ni stella habang naka face palm.

" Mas gagalingan ko pa, ayaw kong nag papatalo eh, i'm flee dahil talagang magaling itong si foreina. " Singit naman ni shaimer habang umiiling iling.

" Kaya proud na proud ako sa girlfriend ko na 'to eh. Napaka galing sa pag aaral! =_= " Ani trouver na malamig ang pag kakasabi. Wow ah? Proud na proud pero ganun ang awra niya?

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon