Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 29: First DateForeina's Point Of View
First time kong maligawan ng ganito sa loob ng bahay namin. First time kong maranasan na suyuin ako ng isang lalaki at hindi sanay matakot humarap sa mga magulang ko. Ang tapang niya para harapin sina mama, Lalo na si papa. At hindi ko inakalang papayag si papa na ligawan ako ni Trouver. Alam kong dito na mag sisimula ang Kwento ng Pag ibig namin ni Trouver. Dito, Mararanasan namin ang mga pag subok.
Thank you Lord dahil, pinag bigyan niyo akong maranasan ang pagiging legal sa lahat. Hindi niyo po hinayaang pag salitaan ni papa ng masama si trouver. Sobrang saya ng araw ko dahil wala na kaming problema ni trouver. Hindi na kami mababahala dahil legal na siyang manligaw sa bahay namin. So, anytime pwede na siyang pumunta sa bahay namin kung kailan niya gusto. Sobra din ang pasasalamat ko dahil, Tinanggap ako ng buong buo ni Trouver. Hindi niya ako binigo.
Sobrang nagustuhan ko ang mga ibinigay sa akin ni Trouver. 'Yong Malaking Toblerone at 'yong Bouquet of Roses. Ang bango! Kaso, malalanta lang din 'to. :'( Pero ang laki ng pasasalamat ko kay Trouver dahil nag effort pa siyang bilhan ako ng mga mamahaling halaga. Kaya minahal ko na 'yong gagong 'yon eh.
Nandito kami ngayon ni Trouver sa Kwarto ko.
" Ah! Aray ko Trouver! " Ang sakit ng nararamdaman ko. Masakit sa feelings.
" Sige hindi ko bibiglain. Wag ka nang mag inarte diyan. " Aniya habang naka kagat labi.
" Masakit pa rin! Bakit kasi hindi mo lagyan ng pampadulas?? "
" Kapag ba nilagyan ko ng pam padulas, Giginhawa ka? "
" Ewan, Try lang naman eh! " Nilagyan niya ito ng pampadulas, ngunit sa kasamaang palad, Masakit pa rin. Ugh! nakakainis kasi! Damn!
Nakakainis kasi si Raven eh! Pinag tripan ako, nilagyan niya ng bubble gum 'yong Buhok ko. Ayan! Dumikit tuloy sa buhok ko! At masakit kapag binibiglang hatakin ni trouver 'yong Bubble gum na naka dikit sa buhok ko dahil nasasabunutan ako.Kaya naisipan kong palagyan ng pampadulas na kahit ano pang pampa dulas yan! basta guminhawa lang sa feelings. Pero hindi eh! masakit pa din sa anit. Ayaw matanggal. Ayaw ko namang gupitin ito dahil masasayang ang buhok ko. D U H !
" Gupitin na lang kaya natin? mahaba naman ang buhok mo eh. " Suggest ni Trouver. Ayaw ko nga kasi. Sayang ang buhok ko! kahit nasa dulo ng buhok ko ang bubble gum. Maliit lang naman ang bubble gum eh. Pero ayaw ko talaga.
" Ena, gupitin na natin yan. " Singit ni tita letlet nang dumating siya. Napa irap na lamang ako.
" Oo. Sabi ko sayo eh! gupitin na lang kasi natin yan! " sabi ni Trouver. Taragya mukhang no choice ako dito ah! pinag tutulungan ako ng dalawang ito.
" ok! fine! " Iniabot ko sa kanila ang buhok ko habang naka tingin ako sa malayo. Basta ayaw kong tignan sila. Naramdaman ko na lamang ang gunting na malapit nang gupitin ang buhok ko. Aaaahhhh! >_<
" Okay na. Edi tapos ang Problema mo! " sambit nilang dalawa sa akin. Edi sila na, sila na magaling. Ibinigay ni Trouver ang gupit na buhok na may kasamang bubble gum sa akin. Huhu kawawa naman ang buhok ko.. De bale, ipapaayos ko naman ang buhok ko bukas kay Kenjie eh. Malapit na ang Intrams namin. Goshh!
" Auntie. Malapit na ang intrams namin. " Sambit ko habang kumakain ng ice cream na ibinili ni mama pang meryenda sa amin ni Trouver.
" Kailan? galingan mo ah! manonood ako! " aniya.
" Next week. Edi manood ka. " Sambit ko.
" Ako Escort niyang si Foreina, Auntie Scarlet. " Singit naman ni Trouver. Pinag malaki niya pa ah! HAHA.
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...