Kabanata 16.

70 21 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Woah!

" Nak, heto na 'yong baon mo! Nasa lamesa lang! " sigaw ni mama habang naliligo ako para pumasok sa AU.

" Sige ma! "

" Mag titinda na ako. Dalian mo diyan at baka ma-late ka. " Aniya. Hindi na ako sumagot dahil alam kong umalis na siya para mag tinda.

Kinuskos ko na ang buhok ko gamit ang aking twalya. Nagmadali na din akong mag sapatos.

" Bal! " Sigaw ni stella sa akin nang maka pasok siya dito sa Loob ng Bahay namin. Wala manlang katok katok? Trespassing?  Lukaret talaga ito.

" Oh teka lang. Mag pupulbos lang ako. " dali dali kong kinuha 'yong pulbos na nasa salaminan namin at Nag pulbos ako.

" Tara na. " sambit ko habang Binibitbit ko na ang bag ko. Umalis na kami at nag lakad na kami papunta sa Angeles University.

" Oh, Foreina! There you are! " Salubong ni Trouer sa akin. Binigyan niya ako ng sobrang lapad na Ngiti kaya Kinurot ko ang pisngi niya. Tumabi naman si shaimer kay stella.

" Hi, Stella. Good Morning. " aniya at nay ibinigay siyang one rose para kay stella. Ang sweet naman ni shaimer kahit alam niyang may boy friend na si Stella, go pa din siya.. Chasing stella lang ang peg haha!

" Oh ano na naman etong pakulo mo? At kunukulo na ang Dugo ko sayo! " Medyo pasigaw na sambit ni stella. Naka kunot noo na naman siya at naka pamewang. Naka lagay lang ang one rose sa may Desk niya. Hindi niya pa ito hinahawakan.

" Wala.. Namiss kita agad, hindi kasi tayo nag kita ng isang araw eh. Kahapon ako ba hindi mo namiss? Mahal na Prinsesa? "

" Ano? Prinsesa? Wag mo nga akong Matawag tawag na ' mahal na prinsesa ' !! Nauumay ako! "

Walang araw na hindi nag babangayan ang dalawang ito. Tinabihan ko na lang si trouver para hayaan ang dalawang mag bangayan. Wahaha!

" Oy! " Sambit ko sabay kurot sa Ilong ni Trouver, busy siya sa Panonood sa Iphone niya , Napa tingin naman siya sa akin at ngumiti.

" Oh bakit, Orie? " tanong niya habang naka ngiti. Ang cute niya talaga kapag naka ngiti.

" A-ala lang.. "

" NANDIYAN NA SI MA'AM BUCKOL! " Ani Michael 'yong Bakla naming Kaklase.

Nandito na si ma'am at naka kunot ang noo. Tumingin siya isa isa sa amin ng tahimik at huminto ang tingin niya kay Stella. Hala lagot! 'Yong parents niya hindi pa niya naipapapunta! Tinignan ko si stella at Halatang kinakabahan siya, naka yuko siya habang pinag lalaruan ang kanyang daliri.

" You! Ms. Herrera! I told you to bring your parents here, right? " Mataray na tanong ni Ma'am. Lahat ng atensyon ng kaklase namin ay nakay stella lamang na naka yuko. Hindi pa siya sumasagot.

" I'm talking to you. Ms. Herrera! " Nakakatakot ang boses ni ma'am buckol. Parang Mangangain na ang tingin niya.

" The Guidance Counselor is searching for your parents! So please bring your mother or father here! but better if both your Mom and Dad will be here. Or Any guardian that is related to you! " Ani Ma'am na nagagalit na. Humarap na si stella kay ma'am.

" Okay ma'am . I will bring my parents here, so don't worry anyway. Before this day end, I assure you that my Parents will be here. "

Napa woah ang iba dahil naririnig ko sila. Ang galing din palang nag english nitong si Stella. Hindi palpak ang pag eenglish niya. Tuwid na Tuwid ang pag sasalita niya. Kaya hindi na Umimik si Ma'am Buckol at nag simula na siyang mag discuss.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon