Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 31: I promise you.Trouver's Point of View
Nandito pa rin kami sa Salon ni Kenjie. Nandito pa din sina Shaimer at Stella na naka tulog na. Ayaw namang umuwi ni stella dahil gusto niya pa daw makita si foreina na rebonded.
Mas excited pa siya kaysa kay foreina eh. Kaya hindi pa din umuuwi si shaimer dahil ihahatid niya si Stella sa kanila.
Pina-plantsa na ni kenjie ang buhok ni foreina. Pag katapos nun, pwede nang umuwi. 12:30 AM na. Naka indlip na kanina si Foreina kaya gising siya ngayon. Katabi ko na siya dahil wala na 'yong dalawang Customer ni kenjie kanina.
Kinikilig talaga 'yong babae sa akin kanina, hindi sa pag mamayabang, ah? Pero parang ganun na nga. Gwapo kasi ako eh, lahat ng mga gwapo, tinitingala yan.
" Okay na Girl! Ang ganda mo! " Wika ni Kenjie. Bilib ako sa bakla na 'to. Walang tulugan ha? Kayang kaya niyang mag puyat. Siguro'y kaya sanay 'to kasi nag papa service siya tuwing gabi. Smirk.
Ang ganda ni foreina, Talagang diretso na ang mga buhok niya. Hindi na siya mukhang alambre sa kapal. Bumagay sa kanya ang pag paparebond. Lalo tuloy akong nainlove sa kanya. Haaays. Napa buntong hininga na lamang ako.
Ginising na namin sina Stella at nagulat siya sa Pag mumukha ni Foreina.
" Ang ganda mo! Waaaa- "
" Oh, wag mag sasalita. Mag mumog ka muna manlang. Ang baho kaya. " Sambit ni Foreina kay stella.
Humagalpak kami sa kanya. Sira ulo 'tong babae na 'to HAHAHAHA! Sinamaan siya ng tingin ni stella at nag punta nga siya sa cr para makapag mumog.
" Baby, Si foreina oh. Ni-aaway ako. " sambit ni stella kay shaimer habang naka pout nang maka balik siya dito sa amin.
" Foreina, wag mong uulitin 'yon. Kapag inulit mo yon sa- "
" Ano? Ano gagawin mo? Don't you dare to hurt my Babe, Papatayin kita. " Singit ko. Nanlaki ang mga mata nila.
Binatukan ako ni foreina " Tumigil ka nga. Tara na umuwi na tayo. "
Sumunod na lamang kami sa kanya. Nag bibiro lang naman ako eh. Masyado silang seryoso. Nag ka titigan kami ni shaimer at ngumisi ako sa kanya.
" Kenjie, salamat ha? " Wika ni Foreina kay Kenjie na nag aayos ng gamit.
" No Problem girl! Basta ikaw. See you on intramurals! Kailan 'yon? "
" Wednesday ang laban namin. Thursday and friday naman, ang mga booth. "
" Sige girl. See you on Wednesday! Galingan mo! "
Ngumiti na lamang si foreina at Tumango.
" Isasabay ko na si Stella. " sambit ni shaimer.
" Okay bro. " tugon ko. Pakealam ko sa kanila, hindi ko naman tinatanong eh. Sinakay ko na si Foreina sa sasakyan ko.
" You're so Beautiful, my soon to be girlfriend. " Panimula ko nang mag drive na ako pauwi kina foreina.
" Alam ko. Pero salamat! " Naka ngiting tugon niya sa akin. Ang ganda niya talaga lalo siyang gumanda dahil sa ayos ng buhok niya. Hindi na mukhang walis tambo.
" Uy baka pagalitan ka na ng Mommy mo. Inabot ka ng madaling araw. Sabi ko kasi sayo mauna ka nang umuwi eh. " Sambit niya sa akin.
Ngumiwi ako " Wala sakin 'yon. Kagustuhan ko 'to. Okay? "
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Novela JuvenilSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...