Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Grasya..
Sabado ngayon at mamaya ay aalis na si stella kasama ang kanyang boy friend. Nakaka tamad dito sa Bahay. Walang Cellphone, walang libangan, walang pagkain, at wala pang Pera! Paano ako mabubuhay Nito? Sana naman ay may mag abot ng pera sa akin. Aish!
" Nak, heto Bente Bumili ka ng pang meryenda Mo ha? "
Inabutan ako ni papa ng Pera Pambili ng Meryenda. Ayaw kong tanggapin ang pera dahil naaawa ako sa kanila ni mama. Gusto kong makapag trabaho ako at mabigyan ko ng pera mula sa akin ang mga Magulang ko.
" Pa, wag na po. Sa inyo na lang po iyan. Salamat po. "
" Hindi anak, alam kong nagugutom ka. Dibale nang kami ng mama mo ang magutom, wag lang kayong mga anak namin. "
Naiiyak ako dahil sa mga sinabi ni Papa. Ramdam ko ang pag kalungkot sa mga Mata niya. Pangako pa, mag tatapos ako. At kapag naka pag Tapos Ako, Gagawin ko ang Lahat para matulungan kayo. Gusto kong maranasan niyong guminhawa ang buhay natin manlang bago kayo mawala ni Mama.
Niyakap ko si papa at naramdaman ko na lang din na dumadaloy na ang mga Luha niya sa aking balikat.
" Pa, Maraming salamat sa Mga sakripisyo niyo ni mama para sa Pamilya natin ha? Nangangako ako na, ako at ang mga kapatid ko naman ang mag aalaga sa inyo kapag tumanda na kayo at Ibibigay ko ang lahat ng mga Pangagailangan niyo. Pangako yan pa. "
Hinigpitan ko pa ang pag yakap kay papa at Humagulgol na ako ng Iyak. Maski si papa ay Dumadami na ang mga luha niyang umaagos sa Balikat ko.
Hindi ko kayang makita na umiiyak sila ni mama. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang umiiyak." Maraming salamat anak. Mahal na mahal ka namin ng mama mo kayo ng mga kapatid mo. "
Ngumiti ako at Niyakap ko pa ng sobrang higpit si papa. Gusto ko na munang Mapag isa Para humupa manlang lahat ng lungkot ko.
" Pa, lalabas na po muna ako ha? "
Tumango siya at Lumabas na ako para pumunta sa Bukid namin. Gusto ko lang makapag pahangin. Bata pa lang ako Gustong gusto ko na talagang nandidito ako sa Bukiran namin dahil sa sariwang Hangin. Pamana ito ng Lolo ko pinama itong bukid na ito kay mama kaya Napunta sa amin.
" Pst! " may bumabaswit. Ang istorbo naman. =_= lumingon ako kung saan nanggaling ang Bumaswit. Nakita ko si stella na naka bihis na ng Puting blouse, pantalon at Naka Tsinelas lang siya. Sobrang lapad ng pag ngiti niya sa akin. Pero iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin ako sa Malayo. Lumapit siya at tinabihan ako sa pag upo.
" Anong problema mo? " Tanong niya sa akin. Nag pout ako at hindi ko na lang siya Pinansin.
" Oy. Ano bang nangyayari sayo? "
Hindi ko na matiis na hindi siya kausapin.
" W-wala. Gusto ko lang mapag isa dito. "
Tinitigan niya akong Mabuti at tinaas niya ang isa niyang kilay.
" Wag mo akong lokohin. Kilalang kilala na Kita. Bata pa lang tayo alam ko na kung May kulangot na naka singit sa kuko mo o wala eh! "
Natawa ako sa sinabi niya at medyo humupa na ang lungkot ko.
" Ayan, hindi kasi ako sanay ng malungkot ka eh. Kaya ano? Ano na 'yong problema mo? " niyakap niya ako at hinihintay niya ang pag sagot ko sa Tanong niya.
" Naaawa lang ako sa Mga Magulang ko, Stella. Kaya Gusto ko Kapag nakapag tapos na Ako, mag hahanap na agad ako ng trabaho para kahit manlang kaunti mabigyan ko sila ng pera mula sa akin. "
Niyakap niya ako ng Mahigpit at hinalikan ako sa pisngi para kahit papaano kay Gumaan gaan ang loob ko.
" Bal, Basta ang Tatandaan mo lang palagi, Kung Pag hihirapan natin ang lahat ng Mga pangarap natin, tiyak doon, makakatapak na din Tayo sa Tunay na Ginhawa. "
Niyakap ko din siya ng sobrang higpit.
" Anong oras Ang alis niyo ni alex? " Pag iiba ko ng usapan.
" Ah.. Papunta na daw siya eh. Malapit na siya dito. "
" sige, ingat kayo ah! " Ngumiti ako at inakbayan ko si Stella.
" Oo naman. Gusto mo Ipag uwi pa kita ng Pag kain eh. Libre lang naman ako ni Alex kaya Susulitin ko na. Grasya 'yon! "
Nag tawanan kami at Napa iling ako sa sinabi niya. Ang kapal talaga peslak nitong Kambal kuno ko na re. Wahaha!" Ayan na pala si Alex. Teka lang. "
Lumingon ako nakita ko ang Montero ni Alex. Bumaba na siya sa Kotse niya, gwapo si alex, matangos ang ilong, makakapal ang kilay, moreno, matangkad, at Maganda ang Hubog ng Katawan. Ang swerte nga nitong si Stella kay Alex eh. Mayaman na, gwapo pa. Niyakap agad ni stella si alex at hinalikan siya ni alex sa Noo. Lumapit sila sa akin.
" Bal, aalis na Kami ha? Bye! " Masayang Paalam sa akin ni Stella. Tumango naman ako at ngimiti.
" Bye, Foreina. "
Kinindatan ako ni Alex at napa kunot ang noo ko. Feeling ko playboy itong si Alex. Pero ayaw ko namang sabihin 'yon kay Stella dahil baka sumama ang loob niya sa akin. Mahal na Mahal niya kasi si Alex eh.
Ngumiti na lang ako sa kanila at Tumango.
" Ingat kayong dalawa. Umuwi ka ng maaga. Wag kang mag papagabi. " sambit ko kay Stella. Tumango siya at sumakay na sila sa sasakyan ni Alex.
Sana Ako din magkaroon ng magandang Lovelife. Huhuhu
More Grasya Please.CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING!
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...