Kabanata 13.

83 18 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Sakit..

Gumising na din ako ng maaga. Medyo excited na din akong pumasok dahil nakaka close na namin si trouver. Sayang lang ang pinag samahan nila ni jansei dahil Lang long distance relationship sila. Dapat kung mahal mo talaga ang isang tao, gaano man kayo kalayo sa isa't isa, mananatili pa din ang pag mamahalan niyo at dapat maging tapat lamang kayo sa isa't isa. Pero wala na akong magagawa doon dahil nangyari na at hindi ko na kailangan pang payuhan si Trouver.

Humarap ako sa Salamin namin at tinignan ko ang aking sarili. Gulo-gulo ang buhok ko, noon kasi rebonded ako dahil may sariling salon si kenjie. Trineat niya ako sa rebond kaya lang, tinagal lang ng gamot sa buhok ay 1 and a Half year. Hindi siya tumagal ng bonggang bongga kaya Palagi nang dry at Magaspang ang buhok ko. Kailangan kasi sa Rampa ang Pagiging Maganda ng buhok, Pag kakaroon ng makinis na Balat , ang makisig na Pangangatawan and last but not the least, ang pag kakaroon ng Maiging Pag lalakad sa Rampahan. Kailangan doon pak na pak Ang lahat ng sa iyo. Kaya Pinursigi ako ni Kenjie na Mapaganda ang lahat ng sa akin ng libre. Pero isang beses lang talaga ako nakapag modeling sa Isang Mall sa Trinoma. Nahinto lamang ang Pag pupurisigi niyang maitulak ako sa pag momodelo noong Medyo napabayaan ko ang pag aaral ko dahil Madalas na akong Umaabsent sa klase Pinag paliban ko muna ang Pag momodeling para Bumawi ako sa studies ko.

Pumunta na ako ng Kusina namin para kumain. Pag katapos ay Mag totooth brush na at maliligo.

Aalis na Ako para pumasok sa Angeles University. Pero syempre as usual, dadaanan ko muna si Stella bago pumasok. Nandito na ako sa Tapat ng pinto ng bahay nila.

" Tao po! " Tawag ko habang kumakatok. May narinig akong yapak na papunta dito sa  Pinto. Nakita ko ang Tatay niya na Naka awang ang bibig.

" Si, Stella po? " Tanong ko habang Lumilingap lingap at nag bless ako. Tumikhim naman si Tatay Merding.

" Ah, Hija, may Sakit si stella eh. Hindi siya Makakapasok. Pasensya ka na. "

Pag kabanggit ni Tatay merding na may sakit si stella, Pumasok na agad ako sa loob ng bahay nila na walang halong patumpik tumpik pa. Dumiretso ako sa Kwarto ni stella at nakita ko siyang natutulog kasama ang mama niya na Pumipiga ng Basang-basang bimpo. Pinapasok niya ako sa Loob Iniabot ko ang kanyang kamay at nag bless ako. Umupo ako sa Papag at Hinawi ko ang mga buhok niya sa Mukha.

" Pagaling ka bal, i love you! " Sambit ko habang tulog siya. Tumayo na ako at nag paalam na ako kay Tita Carol para pumasok na sa A.U.

" Oh Medyo na Late ka yata? " salubong sa Akin ni trouver pag karating ko sa room. Napa awang ang bibig ko at tinaasan niya ako ng kilay. Hinihintay niya ang sagot ko.

Tumikhim ako " May sakit si Stella, Trouver eh. "

Tumabi siya sa akin, at hinawakan ang braso ko.

" Ganun ba? Edi dalawin natin siya mamayang uwian? "

Tumango ako at ngumiti. Sana hindi niya malaman kung saan ang bahay namin. Natatakot akong iwasan niya ako. Dumating na ang Teacher namin, binati namin siya at Nag turo na.

" Class before I go out, We will be having our groupings for tomorrow.  Understand? Is there any question? "

Umiling kaming lahat. Nag tatanong pa ang isang guro kung may tanong, eh alam naman niya ang magiging sagot. ' Wala po. '

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon