Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Walang Imik..Umuwi ako ng Tahimik at walang imik dahil iniisip ko 'yong pag yakap at Pag beso ni Trouver. Pero Talagang alam ko na sa sarili kong Gusto ko na si Trouver dahil ilang beses na akong nakaramdam ng Pag bilis ng tibok ng puso sa tuwing nakikita ko siyang Ngumingiti.
" Nak! Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa walang imik diyan! " Sigaw ni mama na nasa kusina habang ako'y nandito sa kwarto ko at Naka dungaw sa Bintana na pinag mamasdan ang Bukid habang iniisip ang kanina.
" Wala ma, Wala lang ako sa Mood. " Sagot ko. Hindi na din siya nag salita. Ang bango ni Trouver, Ang kinis ng Balat niyang Dumikit sa aking leeg, at Ang init ng Kanyang Katawa'y Naramdaman ko. Pero posible kayang mag kagusto si trouver sa isang kagaya kong Mahirap?
=Flashback=
Kumalas na si Trouver sa Pag kakayakap sa akin. Hindi ako makagalaw, maski Kumurap ng tatlong beses hindi ko magawa dahil tumatak sa isipan ko ang pag yakap ni trouver sa akin.
" Girl! Bagay talaga Kayo ni Trouver! Kayo na lang kasi! " Sambit ni Kenjie habang Tumatalon talon sa Kilig.
" Bal! Ohmy! " Tili ni stella. Tahimik naman kaming dalawa ni trouver dahil sa nangyari.
" Anong nangyayari sa inyong dalawa? Hindi siguro kayo maka get over noh? " Ani stella habang naka ngisi. Hindi na lamang namin sila Pinansin at Pinaikot naman ni trouver ang Bote. At Tumapat na naman ito sa Kanya. Napa iling si Trouver at Hindi pa din ako maka Imik.
" Oh paano ba yan, Trouver and Foreina mukhang gusto talaga sa inyo ng boteng ito. " sabay taas ang isang kilay ni Kenjie.
" Truth, Or Dare? " Aniya. Hinarap siya ni trouver at kumuyom ang panga.
" Last na ito. Dare. " aniya sabay kumunot ang kanyang noo. Nag crossed arms naman si Kenjie at Tumaas ang kanyang kilay.
" Mag beso kayong dalawa ni Foreina. " Nanlaki ang mga mata Ko at tumingin ako kay trouver na Ngumiti ng tipid. Katabi ko lamang si trouver at hinarap niya ako. Tinitigan niya ako ng mabuti at bumilis na naman ang pag tibok ng puso ko.
" Go! " Ani Kenjie.
Dinikit na ni Trouver ang pisngi niya sa Pisngi ko at Nakaramdam na naman ako ng pag init sa aking mga Pisngi. Ang lakas ng tili nila Stella ang sakit sa tainga. Samantalang ako, kinikilig 'yong puso ko.
" Okay! Pwede na kayong Umuwi! Gosh! Ang saya ngayong Araw! " Sambit ni Kenjie habang Inaayos ang Sarili. Tumayo na kami at Nag paalam na kaming Umuwi kay Kenjie. Hinatid naman kami ni trouver sa General Paralianes.
=End Of Flashback=
Si trouver kaya? Ano kayang pakiramdam niya kanina nang ginawa niya ang dalawang dare na 'yon? Siguro'y nandidiri na siya sa akin ngayon. Pero wag naman sana. Feel na feel ko ang pag yakap ni Trouver sa akin kanina, Niyakap niya ako ng Medyo maluwag pero nang Ikakalas niya na ang Pag yakap sa akin, Hinigpitan niya ito at ngumiti siya sa akin. Ayaw ko namang bigyan ng malisya iyon dahil alam kong kaibigan lamang ang turing sa akin ni trouver. Pero after niyang gawin 'yon halos matahimik na siya. Kaso lang nang inikot niyang muli ang bote, Tumapat na naman ito sa kanya kaya nautusan siyang Mag beso kaming dalawa. Plinano ba nila Kenjie at Stella 'yon?
Humanda sila sa akin Kapag plinano nga talaga nila iyon. Pero Worth it ang Truth or Dare dahil Sumaya naman ako kahit papaano. Kaso unfair lang dahil hindi manlang tumama ang bote kina Kenjie at Stella. Itinigil lang ni kenjie ang Truth or Dare n'ong Pinag beso niya kami. So sinulit niya lang ang pag kakataon na iyon?
Pinag lalaruan ba kami ng Tadhana? Heto na naman ako, Mag kakagusto, sunod mag mamahal O tapos ano? Masasaktan na naman? Kami nga Ni warren ipinagtagpo pero hindi Kami itinadhana sa isa't isa. Tinanggap ko na 'yon. Actually, Move on na ako dahil hindi ko na siya masyadong naiisip at hindi na ako nagiging bitter. Tinanggap ko na silang dalawa ni Jazzy at Huling iyak ko na 'yong last month. Alam ko Noong iniyakan ko siya, May nararamdaman pa talaga ako para sa kanya dahil hindi naman madaling humilom ang sugat sa Puso ko dahil sa Ginawa niya sa akin. Pero ngayon, sigurado na talaga akong nag hilom na ang sugat sa puso ko.
Kaya natatakot ako ngayon na kapag Nalaman ni Trouver na Minamahal ko siya, iwasan niya ako. Baka Mandiri siya sa akin, baka Laitin niya lang ako kesho mahirap lamang kami at hindi kami nababagay sa Kagaya niyang Mayaman, Dahil Hindi ko kayang ibigay ang lahat ng gusto niya. Baka Maliitin niya lamang ako. Natatakot ulit akong dumating ang panahon na mangyari 'yon sa akin. Pero sana Tanggapin niya kung ano lamang ang mayroon ako.
CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING!

BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Fiksi RemajaSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...