Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 41: AGAIN.Trouver Ace's POV.
Alam kong maraming tanong mamaya si Foreina sa akin, kung bakit hindi siya tinatanong nila mommy kung ano ang trabaho ng mama't papa niya.. Kung ilan silang mag kakapatid, at kung ano ang mga pangarap niya sa buhay.. Alam kong marami na siyang tanong sa kanyang sarili. Napapansin ko kasi na habang kumakain siya, Tahimik siya, tulala at mabagal ngumuya.
- Flashback -
No'ng unang punta dito ni Foreina sa mansion namin, alam ko na ang ipinipinta ng mukha ni mommy, Alam kong ayaw niya sa kanya. At alam kong hindi siya sang ayon. Ang gusto kasi talaga ni mommy, mayaman, at kayang ibigay ang lahat ng gusto ko. Naging Legal kami ni jansei no'n dito sa amin at madali niya lang nakuha ang loob ni Mommy.
About daddy, kabisado ko na siya. Alam kong okay lang sa kanya na maging girl friend ko si foreina dahil hindi siya pihikang tao. Tatanggapin niya kung sino ang babaeng mamahalin ko.
Pag uwi ko pagka hatid kay foreina, sinalubong agad ako ni mommy ng sama ng tingin.
" why mom? " panimula ko.
Ngumisi siya " Are you serious? Do you want that girl to be your girl friend? " aniya habang naka halukipkip. Is there any problem? Tch!
" Why mom? Do you have any problem wit- "
" Yes! I don't like her to be your girlfriend! Please come back to jansei! " sigaw niya sa akin. She doesn't effin' care for what i want. This is my mind and my heart! Nobody can control what my heart says! I do really love Foreina and i won't leave her! Ayaw ko na kay Jansei! Naka moved on na ako d'on at kailanman, hindi na dapat binabalikan ang PAST.
" No way mom! I really love foreina. "
" Shut up! Hindi tayo magkaka intindihan kung pasigaw kayo kung mag usap! " sambit ni daddy at pumagitna sa aming dalawa.
" Keep calm! Okay? " dagdag niya. Pinaupo niya kami ni mommy sa sofa para makapag usap ng maayos.
" Sherina, let trouver decide what he wants. Hindi siya magiging masaya kung hahadlangan mo siya sa gusto niya. " sambit ni daddy habang pabaling baling ang tingin sa amin ni mommy. Tinignan ko si mommy na naka yuko habang naka halukipkip.
" Fine! Gusto kong makarinig ng magandang dahilan kung bakit gusto mo siya trouver! " ani mommy na ikinangisi ko
Tumikhim ako " I like her because she is a simple girl. Unlike other girls na kailangan pang mag lagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha para lang gumanda. Hindi siya mayamang tao mom, pero tanggap ko siya dahil mahal ko siya. She deserves to be loved, at kailan man, hindi ko tinignan 'yong panlabas na anyo niya. Wala akong pakealam kung hindi siya mayamang tao na kagaya natin, Basta't kung mahal mo ang isang tao, Mamahalin mo siya ng buong buo na walang halong kasinungalingan sa puso mo. " wika ko na ikinatahimik ni mommy.
Tinitigan ako ng diretso ni mommy na walang kahalo halong ekspresyon sa mukha niya.
" Are you sure about it? Okay, I have some questions. " Sambit ni mommy habang naka palumbaba. I am ready to answer all of her questions. Marami akong naitanong kanina kay Foreina tungkol sa buhay niya, kaya lang nahihiya lang talaga siya.

BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...