Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
25/25May pasok na naman kami at monday ngayon. May flag ceremony pa kami kaya Inagahan ko ang pag gising.
" Good Morning, mama at papa. " bati ko sa kanila habang nag susuklay ako ng buhok.
" Good Morning anak. " bati nila sa akin. Umupo ako sa Hapag kainan ar Sinuklay ko pa din ang buhok ko. Gulo gulo kasi ang buhok ko eh. Makapal ang buhok ko at mahirap suklayin. Parang alambre sa sobrang tigas.
" Heto kape nak. " Inilapag ni papa ang kape sa Lamesa at ngumiti siya. Tinigil ko na ang pag susuklay ko dahil feeling ko mapuputol ko na ang suklay. Inilagay ko ang suklay sa kwarto ko at umupo ulit ako sa hapag kainan.
" salamat pa. " Naka handa na ang ulam namin. Itlog ang ulam namin at Sinangag na Kanin. Favorite ko talaga itong sinangag na Kanin. Tulog pa si Liza dahil mamaya pa ang pasok niya 8:30 pa ang pasok niya.
Kumain na ako ka agad. At nag tooth brush na ako. Nag mamadali ako dahil 7:15 ang start ng flag ceremony. Kumuha na ako ng mga susuotin at naligo na ako." Ma, 'yong Baon ko po. " Iniabot ni mama ang baon kong trenta pesos habang Inaayos ko ang mga Gamit ko.
" Salamat po. " Inayos ko na ang bag ko at nag paalam na ako sa Kanila. Lumabas na ako at nakita ko si stella na Nag cecellphone papunta dito sa amin.
" Hoy! " nagulat siya sa pag bati ko sa kanya kaya napa hawak siya sa pangalawang likod niya.
" Jusku day! Muntik naman akong atakihin sayo! " ngumisi ako at tinignan ko ang cellphone niya.
" Panay kasi ang text mo diyan eh. " Tumawa siya at inaya na akong mag lakad papuntang school.
" Uy si Trouver makikita mo na ulit. Siguro naman wala nang awkardness sa inyong dalawa no? " tanong niya sa akin habang nag lalakad kami papuntang school.
" Hmm, hindi ko lang alam. At ano naman ngayon? " tinaasan ko siya ng kilay At Ngumisi ako.
" Uh, wala. "
Nag lakad na kami ng tahimik. Walang imik ang isa sa aming dalawa.
Nandito na kami sa Angeles University. Pag kapasok namin sa room inlipag na namin ni stella ang bag naming dalawa sa upuan namin. Nandito na din si Trouver hindi pa siya lumilingon.
" Guys! Pila na daw! " sigaw sa amin ni Roi. 'Yong Vice president namin. Matalino siya at Panay ang pag sagot sa Recitation.
Pumili na kami at nag punta na kami sa covered court. Flag ceremony ngayon Kaya hindi dapat maingay Ang mga estudyante. Naka bantay sa amin si Ma'am Malacky Buckol. Nag start na ang Flag ceremony at tumahimik na ang Lahat. First class namin ang MATH aisshh!!" Okay class, Here's the results of your Quizzes. " Sambit sa amin ni Ma'am Natyphus . Dinistribute niya Isa isa ang mga Papel. Kinakabahan ako sa Score ko dahil hindi ako nakapag review ng maayos pero alam kong nadalian lang ako sa mga problems.
" Jaycee Buenaventura "
" Jaime Madrigal "
Habang pinamimigay ni ma'am ang mga papel, may mga kaklase kaming natuwa dahil naka kuha sila ng mataas na Marka.
" Ano kaya score ko? Ghaad! Kinakabahan ako! " sambit ni Stella sa Akin. Ngumisi ako at Kinurot ko 'yong pisngi niya.
" Stella Jaine Hererra. " Sambit ni ma'am. Tumayo ng upuan si Stella at Iniabot niya ang Quiz paper niya. Pag kaupo niya sa tabi ko, Nag tititili siya.
" O M G ! wala pang review review ito ha!! " sigaw niya habang nag wawala.
" Uhm, Ms. Herrera? Any problem with your Score? Do you want me to Mark your paper a -10? " Naka taas ang kilay ni ma'am natyphus at natahimik naman si Stella. Hindi niya na lang pinansin si ma'am at yumuko na lamang siya.
" Foreina Kate Suarez " sambit ni ma'am. Tumayo ako at iniabot ko na ang aking Quiz Paper. Tinignan ko ang score ko. 25/25! Waaah! Thank you Lord! Niyakap ko ang papel ko at umupo na ako sa Upuan ko.
" Bal? Patingin? " Kinuha ni Stella ang Papel ko at Ngumiti siya ng malapad. Tinignan ko naman si Trouver, tumingin din siya sa akin at Ngumiti siya.
" Can i see your Paper? " Tanong niya sa akin. Ibinigay ko naman ito sa Kanya at Ngumiti siya. Isinauli niya ang papel sa akin at Kinurot niya ang pisngi ko.
" Great Job. " Naka ngiting Bati niya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya at Binaling ko na lamang ang tingin ko sa Quiz paper ko.
" Trouver Ace Lim. " Tumayo na Si Trouver. Ang tangkad niya Aish! Maganda ang Hubog ng katawan, maputi, at Gwapo talaga siya . Kalmado siyang Umupo sa Upuan Niya Habang naka tingin sa Quiz Paper niya.
" So, ako naman, Patingin ng score mo. " Sambit ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang Quiz result at naka 25/25 din siya.
" Naks! Galing ah! " Naka ngiting sambit ko sa kanya. Ngumiti din siya sa akin at Ibinigay ko na ang Quiz paper niya sa kanya.
" Uy , nakita ko 'yong kanina ah? May pakurot Kurot pa. " Ani Stella.
" Oh ano naman ngayon? Eh wala namang may ibig sabihin non. " Depensa ko. Kahit kailan nga naman ang utak ng mga Kaibigan. >,< hindi niya na lamang ako pinansin At Nag discuss na si ma'am after niyang ipamigay ang mga papel.
Break time na namin at Nag stay na lamang kaming Dalawa ni Stella dito. Lumapit sa amin Si Trouver.
" Uh, foreina? Stella? Hindi ba Kayo lalabas? " Tanong ni Trouver sa amin. Nag tinginan kaming dalawa ni Stella at umiling kami kay Trouver.
" Ah, sige. Dito na lang din ako. "
Nakakahiya kay trouver dahil nag abala pa siyang Samahan kami dito. Nandito din sa room si Zambie kasama ang mga Alipores niya na naka tingin sa akin. Inirapan ako ni Zambie kaya Inirapan ko din siya.
" Trouver, Kamusta Kayo ng Girlfriend mo? " tanong ni stella. Tinignan ko si stella at pinag salubong ko ang dalawang kilay ko.
" Okay naman kami. Actually mamayang Uwian, Pupunta Ulit siya dito sa School. Madalas niya akong Pinupuntahan dito. "
Sambit ni trouver sa Amin. Ang swerte naman ng girl friend niya kay Trouver. Mabait si trouver at alam kong Hindi nila kayang mag loko sa Relasyon nila.
" Ah, " Tipid na sagot ni Stella.
" Uhmm Foreina, Kailan ang Birthday mo? " Bigla akong tinanong ni trouver kung kailan ang birthday ko, nakaka panibago lang dahil hindi namin inaasahan ni stella na Magiging kaibigan talaga namin itong mokong na ito.
" Uhm, basta. " Sagot ko sa kanya. Nag pout siya at Nilabas niya ang Iphone niya.
" Oh sige. " Nag karoon kami ng Katahimikan. Bigla namang umubo si Zambie at para bang nag papapansin kaya Tinignan ko siya ng masama. Binaling ko ulit ang tingin ko kina Trouver. Panay lang ang pag scroll at pag text niya sa Iphone niya.
==
" Uwian na, Tara na. " aya ko kay Stella. Inayos niya na ang sarili at ang mga gamit niya." sabay sabay na Tayong lumabas. " sambit ni Trouver sa amin habang Nag aayos na siya.
" Sige. Baka makita tayo ng girl friend mo? " tanong Ko sa kanya. Naka ready na si stella at Nag lakad na kaming tatlo palabas ng room.
" Okay lang 'yon. Alam niya namang Siya lang 'yong Mahal ko eh. " Aniya.
Tumango na lamang kami at Lumabas na kami.
" Ayan na Pala siya eh. Sige bye ingat kayo ah! " Paalam sa amin ni trouver. Tumango kami at ngumiti. Nilingon ko si Trouver at nakita kong nag uusap sila ng girl friend niya.
" Okay ka diyan? " tanong kay stella habang naka taas ang isa kong kilay.
" Oo naman. Wahaha! Ang saya ko kaya. " Abnormal talaga itong babaita na ito. Pinisil kong muli ang pisngi niya at sinamaan niya ako ng tingin. Siguro naiirita na siya kakapisil ko sa Pisngi niya. Wahaha! Kay Cute kasi eh!
CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. PLEASE KEEP VOTING!
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Novela JuvenilSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...