Kabanata 3.

141 25 30
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
CRUSH ?

Maaga na naman akong gumising para pumasok sa University. Mag lalakad na naman kami papasok.

" Anak, kumain ka na heto Tuyo at Itlog na Maalat. "

Sambit sa akin ni mama habang  buhat buhat niya 'yong bunso naming kapatid na 3 yrs. old.
Nakalagay na sa hapag kainan ang Itlog na Pula at 'yong tuyo. Madalas ito ang ulam namin dahil Wala kaming pera pambili ng Hotdog manlang. Umupo na ako sa hapag kainan at nag kamay na ako sa pag kain. Hindi pa naman ako naliligo eh kaya nag kamay na lang ako.

Nag tooth brush na ako at nag simula na akong maligo. 6:02 AM pa lang at 7:30 AM pa ang Pasok namin.

" Ma, alis na ako. " Malamyang sambit ko kay mama. Pumunta na ako kila Stella at nadatnan kong nag totooth brush pa lang siya at naka pang bahay pa lang. Hindi pa siya naliligo. May butas kasi ang dingding nila kaya Nasilip ko siya. Nandun din ang tatay niya kumakain. Kumatok ako sa Pintuan at pinag Buksan ako ng Tatay niya.

" Kain Hija. " alok sa akin ng tatay ni stella. Tumango at ngumiti na lang ako dahil naka kain naman na ako.

" wait lang bal ah! " Sambit sa akin ni Stella. Minsan tinatawag niya akong bal kasi daw kamBAL daw kami. Tumango ako sa kanya. Naligo na siya at hinintay ko siyang matapos.

" Nay! Aalis na kami! " sigaw niya sa Mama niyang Nag papadede pa ng Sanggol sa kwarto.

" sige nak. 'Yong Baon mo! Sa tatay mo ikaw Humingi! " sigaw din ng nanay niya sa kanya. Manong pumunta si stella sa Nanay niya sa kwarto at don niya kausapin. Baliw talaga eh.

" Tay, baon ko po. " Inabutan ng bente pesos si Stella ng tatay niya at Nag pasalamat siya.

" aalis na po kami tay merding. " paalam ko sa tatay ni stella. Umalis na kami at nag tungo na kami sa may Angeles University.

" Aray! " napatid ako sa malaking Bato. Tinignan ako ni Stella at ngumisi.

" Ang tanga mo talaga. Wahahaha! "

Imbis na Tulungan niya ako, pinag tawanan niya pa ako. Kaibigan talaga Oh. Mga abnormal.

Nag punta na kami sa room namin at Wala pang teacher. Maaga pa kasi eh. Nandito na din sina Trouver, cheska, Zambie, At iba pang Classmate namin bali Sampo pa lang kaming Nandidito. 6:32 AM pa lang pag katingin ko sa wall clock namin. Napapansin ko, si Trouver ang seryoso ng  ekspresyon na pinapakita niya dito sa school. Marami ngang Dumidikit sa kanya pero hindi niya lang ito pinapansin. Gusto ko siyang subukan na kausapin..

" H-hello, Trouver . " Bati ko sa kanya habang naka ngiti. Nagka tinginan naman kaming dalawa ni Stella at ngumisi siya. Nilingon ako ni Trouver at kumunot ang noo niya. Napaka Misteryoso naman nitong lalaki na ito. Hindi niya manlang ako pinansin at tumingin na naman siya sa cellphone niya. Halatang mayaman itong si Trouver dahil naka Iphone siya. Teka, ganon na lang ba ang basehan sa pagiging Mayaman? binabase na lang sa kung anong meron ang isang tao?

" Hay. pa-mysterious type. " Bulong ko kay stella. Bigla namang may kumalabit sa likod ko at nakita naming naka tingin si trouver habang naka ngisi. Nag tinginan kami ni stella at nag sikuhan pa kami.

" I-ikaw ba 'yong k-kumalabit? " kinakabahang tanong ko kay trouver. Para kasi siyang mangangain ng buhay dahil sa mga tingin niya eh.  Nag salubong ang dalawang kilay niya at nag half open ang bibig niya.

" May binubulong ka ba diyan? Miss Foreina? " seryoso niyang tanong. Nag init ang mga pisngi ko sa tanong niya. For the first time kinausap niya na ako. Tinignan ko naman sina Zambie, Ang sama ng tingin sa akin. Bakit ba siya naiinis sa akin mula First day of school? gano'on na ba ako kaganda para kainggitan niya? binalik ko ang tingin ko kay Trouver.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon