Kabanata 26.

55 10 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Kabanata 26: Swerte

Stella's Point Of View

Masaya akong nag kamabutihan kaming dalawa ni Shaimer.

Napaka buti niya sa akin, kahit Ilang beses ko siyang tinakwil noong Kami pa ni Alex, Hindi niya ako sinukuan. Pinasasaya niya ang araw ko. Oo tinatakwil ko siya noon kasi nga ayaw ko, at ayaw kong Magalit si Warren kahit na mag kalayo kami, Pero Binabagabag Parin ako ng Konsensya ko sa pag tatakwil na ginawa ko kay Shaimer.

'Nong tinigilan nga ako ni Shaimer noon, Namiss ko siya. Namiss ko 'yong pangungulit niya, namiss ko 'yong Boses niya, at namiss ko 'yong Kagwapuhan niya. Actually, sa totoo lang mas gwapo pa din talaga si shaimer kaysa kay alex para sa akin, Maamo kasi ang mukha ni shaimer, Matangkad, Moreno, Brown ang mga mata, mapula ang mga labi at tsaka medyo matangos ang ilong. Basta Gwapo na siya para sa akin.

Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba. Ilang buwan na ang nakakalipas nang mag break kami ni Alex. Sobrang sakit at hirap ng pinag daanan ko sa kanya. Nawala ang lakas ko at nawala ang pag asa ko. Pinag katiwalaan ko siya, Minahal ko naman siya, pero bakit niya nagawa sa akin 'yon?

Sobrang sakit malaman na 'yong taong mahal mo nakita mong may ibang Kalampungan. Tinext kasi ako ni Kester, 'yong katrabaho niya sa Zeeline kaya Naisip ko din na pumayag sa Gusto ni Foreina. Gusto kong masigurado ang lahat bago ako mag tanim ng galit t sama ng loob kay alex. Ngunit sa kasamaang palad, totoo nga.

Sobrang nanikip ang dibdib ko noon. Nag init ang buong katawan ko sa sobrang galit kaya hindi na din ako naka pag timpi. Ayaw ko namang umalis sa Zeeline na walang ganti kina Alex at sa Babae niya. Ang bababoy nila.

Mabuti na lamang at hindi ko ibinigay kay alex ang pinaka iingatan ko. Ibibigay ko lamang 'to sa taong Mamahalin ako hanggang sa Pag tanda naming dalawa. Hindi ko ito ibibigay sa taong temporary lang pala, panandalian lamang.

Napaka bait na tao ni Shaimer. Sinusuyo niya ako sa Tuwing Kailangan ko ng masasandalan, Inaalala niya ako, at Talagang Over Protective siya.

Niligawan niya ako 'nung nakaraang Linggo lang. Tapos umamin ako sa Kanya kahapon. Inamin ko na sa kanya kung ano ang Nararamdaman ko para sa Kanya.

Pahirapan ako sa Pag amin, kahit naman ganito ako, may hiya pa din ako. Nahihiya akong aminin sa kanya ang totoo, then finally, Nagawa ko nang aminin 'to sa Kanya. Siya 'yong bumubuhay ng pag asa at lakas ng loob ko and of course si Foreina ang pinaka matalik kong kaibigan. Sobrang napa mahal na sa akin si Foreina. Pinag laanan niya ako ng oras noong mga panahon na Kinailangan ko ng mag cocomfort sa akin dahil Sawi ako.

Unang Yakap sa akin ni Shaimer noon, Medyo mas Gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko sobrang rami pang nag mamahal sa akin. Oo madrama talaga ako kaya wag na kayong mag reklamo diyan.

" Uy bakit tulala ka diyan? " Tanong ni Shaimer sa akin.

Ngumiti ako " Wala. Haha! Wag mo na lang intindihin. "

" Okay. So, How's your day? "

" Okay lang. Ikaw ba? "

" Okay na okay. Kasama kita eh. "

Lumingon ako sa Kabilang Side ko at Nag simula na akong kiligin. Nahihiya kasi akong ipakita kay Shaimer na kinikilig ako eh.

" Pst? Anong nangyari sayo? Bakit Para kang nangingisay diyan at may padila dila ka pa? At teka, bakit tumitirik tirik pa ang mga mata mo? " Singit ni foreina habang lukot ang mukha niya. What the? Nakaka hiyaaaaa!

" H-ha? A-ano kasi, nag sasanay akong umarte ng epilepsy. " sambit ko habang kinakamot ko ang aking batok. Humagalpak naman silang dalawa ni Trouver habang naka hawak sa kanilang Tiyan. Mga gagu.

Hinarap ako ni Shaimer " Para saan ang pag eensayo mo ng Epilepsy? "

Gosh! Nag init ang buong katawan ko sa tanong niya. At pakiramdam kong namumula na naman ang aking mga pisngi.

" H-ha? Wala .. Haha! A-ano lang, ewan! " Shit hindi ko alam ang ipapalusot ko. Nakaka hiya. Epilepsy pa talaga kasi eh!

Tumawa si Shaimer " Ang Cute mo talaga. " Sabay Pinisil niya ang mga pisngi ko. Ayan na, nag simula nang Mag init ang mga pisngi ko. Hala baka sumabog!

" A-alam ko na 'yon! hahahaha! "

" Uy ang sweet niyo naman diyan! " Ani Trouver. Nilingon ko siya at ngumisi ako.

" Hindi kasi Kayo sweet. " Sambit ko. Tinitigan naman ako ng masama ni foreina habang si Trouver ay naka Pout.

" see? " dagdag ko. Tinignan naman ni foreina Si trouver at nag titigan silang dalawa. Ang cute nila, ang sabi sa akin ni foreina noon, hindi niya daw magugustuhan itong si trouver, pero ano siya ngayon? HAHAHA!

" Sweet kaya Kami, Honey? I love you. " Ani Foreina habang naka dukdok ang ulo sa Balikat ni trouver. Nakita kong sobrang lawak ng ngiti ni trouver at halata ko ang sobrang pamumula ng kanyang mukha. Kinilig 'to kay foreina.

Hinarap niya si foreina habang seryoso ang mukha nila.

" I love you too, Honey. "

Grabr ah? Hindi talaga nag papatalo itong si Foreina sa akin. Gusto niya talagang parehas kami, na kapag kaya ko, kaya niya din. Alam kong nahihiya yan sa ginagawa niya. HAHAHA! wala eh! Ginusto niyang Gayahin ako.

" Ayun eh! Ang Sweet niyo nga anuh? " sambit ko sa kanila habang tumatawa. Ang cute cute talaga nila. Sana sila na lang.

" Kapag may umaalis, may dumarating " Biglang sambit sa akin ni Shaimer napatingin naman ako sa kanya at seryoso ang kanyang mukha.

" Sa akin ka lang, Stella. I really love you. I can do whatever you want. " Ani Shaimer na Ikinamula ng mukha ko. Napaka bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko anytime sasabog ako.

" O-oo, sayo lang. " Sambit ko.

Ngumiti siya ng malawak " That's my Girl.. Kahit hindi pa tayo, araw araw kong ipararamdam sayo sa Mahalaga ka sa akin. At kahit tayo na, Araw araw pa din kitang liligawan. "

Napaka swerte ko dito Sa lalaki na ito. Mabait na, gwapo pa. At isa pa! Matalino pa! Hindi 'ba? Napa ka swerte ko. Naniniwala naman ako na Mamahalin ako ni shaimer sa Abot ng makakaya niya. Alam kong Kakayanin namin bawat pag subok na mangyayari.

Hindi pa kami pero malapit na. Alam kong Darating din 'yong panahon na makakapag desisyon na ako.

Malapit na, malapit na malapit na.

CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING! ⭐️

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon