Kabanata 30.

53 12 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Kabanata 30: Babe

Excited na ako para sa pagpapa rebond mamaya. Magiging diretso na naman ang buhok ko. Hindi na mag aala walis tambo ang buhok ko. Nako alam ko namang ma iinlove si Trouver sa akin lalo.

" Mag papa rebond ako later " Sambit ko kina mama.

Lumawak ang ngiti ni mama " kailan ka pa natutong mag english? "

Umirap ako " ma? Isang word lang 'yon ng english, pinapansin niyo pa. At 'tska sanay talaga akong mag english noh! "

" sige nga? English-an tayo dito. " singit naman ni papa.

" Okay, so, what is our topic? " tanong ko sa kanila. Tignan natin kung sino ang tatagal

" I don't know, my .. Ahh.. Dotah. " Luh si mama! Bumi british accent pa.

" This day is too much fire! " sambit ni papa. Ano? Too much fire? Hindi ko na gets 'yon.

Ngumisi ako " what do you mean pa? "

" Too much fire. Mainit. Akala ko ba magaling kang mag english? " humalakhak si papa. Dahil sa kanya nahinto ang pag eenglish namin. Mahina akong natawa kay papa.

" Tangeks! Too much hot lang 'yon! " singit ni mama habang naka ngisi.

" sa madaling salita, mainit ngayong araw? " Wika ko.

" Oo!! You right! That's my girl you know? " Sambit ni papa. Watda. Mas mabuti nang itigil namin ang pag eenglish dahil baka masira ang ulo ko.

" Kumain na kayo, luto na ang kanin at ulam " Aya sa amin ni Tita Letlet. Sa wakas, natuon na sa iba ang atensyon namin.

Pumwesto na kami sa hapag kainan at Nag lagay na ako isa isa ng pinggan, kutsara't tinidor.

" Kailan nga ulit ang pag paparebond mo? " tanong ni auntie habang sumasandok ng kanin.

" Mamaya. Sasamahan ako ni Stella. " sagot ko. Hindi na sumagot si tita at tahimik na kami ngayong kumakain.

Maliligo na ako. 2nd Time na akong mai rerebond, at wag ka! Libre lang 'to. Dahil alam ni kenjie ang sitwayon ko. Hindi ako mayamang tao noh! Si tita let let na nga lang ang nag papalaki't nag papalago ng Bahay namin eh! Halos naiba na ang awra ng bahay namin. Hindi na kawayan ang dingding nito at Pininturahan na ng kulay Dark Green at sa labas ay Dark Gray. Ewan ko ba, si Mama namili ng kulay eh.

Gusto din kasi ni auntie na mala modern na ang diesnyo ng bahay namin kaya niya naisipang baguhin ito. Siguro'y napangitan siya HAHA! Pero salamat talaga na gumamda na ang bahay namin.

" May pera ka ba pampa rebond? " tanong ni Auntie.

" Wala. "

" Eh wala ka palang pera, bakit? Ililibre ka ba ni Trobs? "

" Ako? Duh! Nakakahiya naman kung mag papalibre pa ako. Libre lang 'to ni Kenjie sa akin noh! "

Nanlaki ang mga mata niya at tumaas ang isa niyang kilay " May Trouver na, may Kenjie pa? Sino ba talaga? "

Ang OA lang, Huh? Basta talaga may kaibigan kang lalaki o maka rinig lang ng pangalan ng lalaki mula sa isang babae, pag hihinalaan na agad. Iisipin nilang may namamagitan sa inyo kahit ang totoo nama'y wala. Kaya minsan nakaka tamad mag paliwanag sa taong ayaw naman intindihin ang isang paliwanag.

" Tita naman, Sige na aalis na ako. Bye! " paalam ko sa kanya. Iniwan ko na si auntie na nag tataka na napapakamot pa sa ulo niya. Bahala siya.

" Bal! Arat! " Salubong sa akin ni stella nang makita niya ako. Naka upo lamang siya sa tabing bukid. Bago kami maka lakad paalis, may nakita akong lalaking Naka tingin sa direksyon namin. Naka Black t shirt , Gray Short at naka cap na may nakalagay na R Breezy.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon