Kabanata 4.

102 26 20
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Assumera..

Napa iling ako sa nabasa ko sa sulat na iyon. Crush niya pala ako? Kailan pa?

" Bal, Totoo kaya 'yong Nakalagay sa sulat na 'yon? " Umiling ako at Ang laki naman ng pag ngiti ni Stella sa akin.

" Oo naman. May gusto pala sayo si Trouver eh! Akalain mo 'yon? Isa din siya sa mga Heart Throb  dito sa Angeles University! " masayang sambit niya sa akin at niyakap niya pa ako. Mas kinikilig pa talaga siya kaysa sa akin eh. Sabagay. Bakit naman ako kikiligin kung hindi ko naman talaga gusto 'yong tao. Hay nako.

" Okay sige, Sabihin na nating may gusto pala talaga sa akin yang si trouver, Pero waepek din dahil hindi ko naman siya gusto. " Kumindat ako sa kanya at ngumisi. Sumimangot naman siya sa akin.

" Oh bakit ka sumimangot diyan? " Tinaasan ko siya ng Kilay at Ngumiti ako.

" Bagay kasi Kayo ni Trouver bal eh! AYIEE! Kayo na lang kase! " Pang aasar niya sa Akin. Hay nako. Bahala nga siya. Mang-asar siya kahit kailan niya Gusto. Basta ako Hindi ko gusto si TROUVER ACE LIM kahit sabihin nating Gwapo siya, at Uhh.. Matangkad. Type ko kasi talaga ang matatatangkad.

" Uwian na. Tara Uwi na Tayo. Mag lalakad na naman Tayo eh. " aya sa akin ni Stella. Lumabas na kami sa School at nakita namin si Trouver na may hinihintay sa Gate. Sino naman kaya 'yon? Curious ako ah. May mga Mag papa picture pa sa kanya doon habang nag hihintay siya.

" Abangan natin kung sino 'yong hinihintay ni Trouver!? " Aya sa akin ni Stella. Umirap ako at nag crossed arms. Siya yata ang may gusto kay Trouver eh! Nanlaki ang mga mata namin sa nakita namin. Kaya pala Nag hihintay sa gate si Trouver kasi darating ang girlfriend niya. Hinalikan ni Trouver 'yong babae sa Labi at medyo tumagal ito. Nag closed fist ang Kamay ni Stella sa Nakita niya.

" Teka lang ah! " nanggigigil na sambit ni Stella. Hinila Ko ang Kamay niya.

" bakit ba Nagagalit ka sa kanila? " tanong ko sa kanya habang mag ka salubong ang dalawa akong kilay. Hinarap niya ako at inirapan.

" Ano ba? Nag iisip ka ba? Hindi ba inabutan ka niya ng sulat kanina? Nakalagay, CRUSH KITA ? EH may girl friend pala siya tapos mag papadala siya ng ganung Sulat! Hindi ba? "

May point naman si Stella sa sinabi niya pero hindi niya na dapat sugurin pa ang dalawa. Hindi ko na napigilan si Stella, sinundan ko siya, Nag punta siya sa mag syota at Hinarap niya si Trouver. Tinignan ko 'yong babae. Maganda, sexy, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mga Mata at mukhang Mabait siya dahil maamo ang mukha niya.

" Hoy Trouver! " Nagulat naman si Trouver kay Stella at sinamaan niya ng ito tingin.

" Bakit? " Malamyang tanong ni Trouver.

" Akala ko ba Crush mo si Foreina? Eh bakit may kahalikan ka pa diyan? At Girl friend mo ba siya? "

Tumaas ang kilay ni trouver at tumingin siya sa Girl friend niya. Ngumisi siya sa amin. Parang timang naman itong si Stella, malinaw na ngang may girl friend 'yong tao, tinanong niya pa.

" Oo girlfriend ko siya At Ano? Hindi ako 'yong nag bigay ng letter na 'yon. Pinabibigay lang din 'yon ng kaklase natin. Sorry kung ayun 'yong inisip niyo. Sorry hindi ko nasabi sa inyo. "

Depensa niya sa amin. Nalaglag naman ang panga namin ni Stella dahil sa Narinig namin mula kay Trouver. So Assumera lang Talaga kami?

" A-ah. S-sige sorry. Akala ko eh. S-Sorry din Girl. Naistorbo ko kayo. "

Ngumiti lang sa amin 'yong babae at Umalis na kami. What the. Nakaka hiya 'yong eskandalo ni Stella.

" Nakakahiya ka loko ka! " Sambit ko kay Stella at binatukan ko siya.

" A-aray! Sorry na Oh! " Nag pout siya at nag crossed arms.

" Eh akala ko kasi crush ka niya talaga eh. " sambit niya habang naka pout at crossed arms.

" Pasalamat ka at mabait ang Girl friend niya! Kung hindi mapapa away pa tayo doon. " Sambit Ko sa kaniya. Tumango siya sa akin at ngumisi.

" Botong boto kasi talaga ako para sa Inyong dalawa eh! " pag mamaktol niya. Hindi ko akalain na marunong palang humalik si Trouver. Siguro kaya hindi siya masyadong madikit sa mga babae dahil May girlfriend na siya? Siguro ayun nga 'yong dahil kaya Ganun siya sa school. At hindi siya Pa Mysterious Type. Talagang Ganon na siya sa school. Hindi ko na Pinansin si Stella hanggang sa Makarating na kami sa Bahay. Nag pahinga na agad ako sa Kwarto ko. Napagod ang mga paa ko kakalakad.

" Ate! Penge ako dos. " Lumapit sa akin ang bunso kong kapatid at nag lahad ng kamay.

" Wala akong pera! Lumayas ka dyan! " sigaw ko sa kanya.

Umiyak 'yong bunsong kapatid ko. Naalala ko, 3 years old nga lang pala siya. Hala lagot ako nito kapag nalaman ni mama na Umiyak si Raven ng dahil sa akin. Eh wala naman talaga akong pera na maibibigay sa kanya dahil hinulog ko na sa alikansya 'yong limang piso ko. Pinatahan ko na 'yong kapatid ko at Binuhat ko siya. Naka hubo pa siya at may uhog pa.

" Ang baho mo. Maligo ka na ha? "

Hindi ako nang aasar, ganito lang talaga ako sa kapatid kong uhugin.

" Su..sumbong k-kita kay Mama! "

Sinigawan ako hala siya. Mapapagalitan pa ako nito ni mama eh. Alam ko na, Mag hahanap ako ng pera sa Drawer baka may Naligaw na Pera don kahit Piso at ibibigay ko sa kanya para manahimik. Nag hanap agad ako ng barya at yes! May barya sa drawer nila mama.

" oh eto dos. Wag ka nang umiyak. Love ka ni Ate. "

Niyakap ko siya at Hinampas ko ang puwet niya. Ngumiti siya at umalis na.

" Shalamat Ate! " sigaw niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nahiga na lang ako sa kama ko para makapag pahinga na ako ng maayos at Tahimik.

Naalala ko 'yong kaninang nangyari, so Assumera lang pala kami. Lalong lalo na si Stella. Sinugod pa sila Trouver eh. Lukaret talaga haist.

CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING!

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon