Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Gamut-gamutan.." Ano?! Waaah! >o< Sobrang saya ko para sa inyo Bal! " Tuwang Tuwa si stella sa Nalaman niya tungkol sa aming dalawa ni Trouver. Sa totoo lang, kahit kaibigan ko na si Trouver, hindi ko parin maiiwasang Mag taray sa Kanya eh.
" Shh! Ang ingay mo! manahimik ka pa diyan! " Pag saway ko sa Kanya. Tumatalon-talon pa kasi siya tapos pumapalakpak pa. Parang sira ulo lang. Ganon.. Wahaha! Alam ko namang na iimagine niyo na kaya Alam kong naiintindihan niyo 'yong Sinasabi ko. Nanahimik na siya pero sobrang lapad pa din ng pag ngiti niya habang naka tulala. Nag karoon kami ng katahimikan.
" Waaahh!! >O< " Lumakas pa lalo 'yong pag tili niya. Jusko hindi siya maka recover sa kinuwento ko sa kanya. -.- Tinakpan ko na 'yong bibig niya at patuloy lang siya sa pag sasalita.
" Asdfghjkl#!%tvfghfhjtryrb "
Inalis ko na ang aking kamay sa bibig niya dahil may nararamdaman akong basa mula sa aking kamay. Tinignan ko ang aking kamay at nakita ko ang mga laway niya na nag aagusan.
" 'Yong laway mo naman! Kay baboy! " Natahimik siya at tinitigan niya ako habang pinupunasan niya ang mga laway sa gilid ng kanyang labi.
" S-sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Ang cute niyo kasi eh. " Ngumiti siya at nag kibit na lang ako ng balikat ko. Pinunas ko sa damit niyang puti ang Mga laway niya sa kamay ko.
" So, Kamusta naman ang naging date niyo ni alex? "
tanong ko sa kanya habang Naka taas ang isa kong kilay. Nag pout siya at ngumiti.
" heto, Masaya naman. nabusog nga kami kakakain eh! Sinunod ko naman 'yong sinabi mong mag behave lang ako at umuwi ako ng maaga. "
Kinurot ko 'yong pisngi niya dahil nagagalak akong makasama ulit siya.
" Bakit wala kang pasalubong? Hinihintay ko nga 'yong pasalubong mo eh. "
"AY! "
Tumayo siya bigla sa kinauupuan namin at pumasok siya sa loob ng bahay nila. Maya maya pa ay lumabas siyang ngiting ngiti habang naka tago ang mga kamay sa likod niya. Ano naman kayang pakulo nitong babaeng ito? Tinaasan ko siya ng kilay at tumabi ulit siya sa akin. Iniabot niya sa akin ang Itim na damit na may naka lagay na, Suarez sa upper right side. V-neck ito at talagang nagustuhan ko. Nag patatak pa talaga siya ng Damit na may apelyido ko. Sobrang na appreciate ko ang kanyang Regalo para sa akin kahit hindi ko pa birthday. Niyakap ko siya ng napaka higpit.
" A-ah, Hindi ako M-maka hinga b-bal. "
Kinalas ko ang pag kakayakap ko sa kanya at nakita ko ang pamumutla ng kanyang mukha. Jusko muntik pa akong makapatay ng hindi oras. Wahaha!
" Sorry Bal, Sobrang maraming salamat. " Ngumiti ako sa kanya ng pag kalaki-laki.
" sabi ko naman sayo diba? uuwian kita maski hindi pag kain. Alam mo namang love kita bal eh. " Malambing na tono ng boses niya.
" Thank you talaga. " Pumasok muna ako sa loob ng bahay namin para itabi ang ibinigay niyang damit para sa akin.
" Bal, Kapag naka pagtapos na tayo ng pag-aaral, mag hanap na ka agad tayo ng trabaho. 4 years pa bago mangyari 'yon pero pinag hahanadaan ko na din. " hinawakan niya ang kamay ko at umulo siya sa balikat ko.
" Oo naman Bal. " sambit ko sa kanya at ngumiti ako. Pangarap kong maging isang modelo o maging isang Chef. Alam kong mahirap pero kakayanin. Nag karoon na kami ng katahimikan ni Stella. Iniisip ko si Trouver, Bukas Mag kikita na kami at I'm sure na Babatiin niya ako. Sabi ko naman sa sarili ko na wala na akong pakealam sa sasabihin ng iba eh. Kung iisipin nilang malandi ako, okay. Isipin nila kung ano lang 'yong iniisip nila. Malinis ang hangarin ko at hindi ako maruming babae.
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Подростковая литератураSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...