Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Singit..Mamaya ay Mag kikita kita na kami sa Baranggay dito sa General Paralianes. Free time kami ngayon dahil May event ang mga Teachers. Bumangon na ako sa Higaan ko para Kumain.
" Ma, Mamaya May Project kaming gagawin. " Sambit ko habang Kumukuha ng plato, kutsara't tinidor.
" Saan Punta? Sino mga kasama mo? " tanong niya habang niluluto ang Adobong sitaw.
" Sina Alvin, Stella at Trouver. " Umupo na ako sa Hapag at Nag sandok na ako ng kanin. Sinandok ko na din silang apat ng kanin.
" Sige. Pakilala mo sa amin sila mamaya ng papa mo. Wala akong tinda ngayon, mahina ang kita sa Labas. At wala pang ani ang papa mo ng mga sibuyas at iilang gulay na maititinda ko. " Aniya. Ipapakilala ko sila? Ano? Hindi naman na kailangan 'yon eh! Tsaka wala akong boyfried ni isa sa dalawang 'yon! Ayoko hindi ako papayag.
" Ayoko ma. "
" Bakit? Siguro'y may Boyfriend ka na? Sino sa kanila? " Aniya habang inilalapagag ang Adobong sitaw sa Lamesa.
" Wala ma! "
" Kung gano'n ipakilala mo sila sa amin. Dibale'y wag mo nang ipakilala si stella dahil kilala na namin siya. 'Yong dalawang lalaki na lamang. Malinaw ba? Foreina? " Mukhang wala na akong magagawa dahil mapilit talaga itong si Mama. No Choice Goodluck to me na lang. Sana'y hindi nila ako Iwasan. Nadala na kasi ako kay Warren na 'yon. Bwisit naalala ko na naman 'yong Ginawa niya sa akin. Iniwan niya ako dahil lang sa mahirap kami.
Kumain na lamang ako ng kumain. Ayaw ko nang Intindihin 'yon dahil past ko na siya. Maliligo na ako para mamaya e, aalis na lang ako. Suot ko 'yong V-neck na Itim na may apelyido ko sa upper right side na ibinigay sa akin ni Stella, naka short ako ng maong at naka tsinelas.
" Ma, Punta na ako sa Baranggay Paralianes. " Sambit ko sa kanya habang nag susuklay ako ng buhok. Tumango siya sa akin at umalis na ako. Malapit lang kami dito sa Baranggay. Pinuntahan ko muna si Stella At sakto Kakalabas niya lang. Naka leggins, White round neck shirt, At naka Sandals. Jusko pumorma pa ang luka.
" Tara, Baka naman nandon na sila. " Aniya habang nag susuklay. Nag lakad na kami pag punta sa Baranggay. Nag lilip tint si stella habang nag lalakad. Aba, naka bili pa siya ng liptint. Saan naman galing ang pera niya pambili nun? eh kay mahal mahal n'on.
" Saan mo binili yan ? " Tanong ko sa kanya nang matapos na siyang mag lagay ng lip tint.
" Hindi ko binili ito, Bigay sa akin ito ni Alex kahapon. " sambit niya habang inilalagay ang liptint sa bag niya. Mukhang liptint at bimpo lang naman ang dala dala niya eh, Tumango na lamang ako at nakita na namin si Alvin sa baranggay. Pinasadahan ko tingin ang paligid pero wala pa si trouver. Ngumiti sa amin si Alvin at kumaway. Naka Blue siya na Damit at naka Tokong.
" Oh hi foreina. " Ngumiti na lamang ako ng pilit at tinaas ko ang kilay ko. Umupo muna kami sa may Upuan habang hinihintay si Trouver.
" Uhm, Alvin? May gusto ka ba kay Foreina? " Tanong ni stella at tumikhim ako. Napatingin sa akin si stella at kumindat. Nilingon ko naman si alvin na naka titig lamang sa akin. Actually, Pogi siya pero hindi siya gwapo kagaya ni Trouver.
" O-oo. " yumuko siya at napansin kong namumula siya. Nag katinginan kami ni Stella at Ngumisi siya. Napa iling na lamang ako.
" What's Happening here? " Tanong ni Trouver nang dumating na siya. Naka Maroon V Neck Shirt siya at naka Black men's short. Humarap si Alvin at ngumiti kay Trouver pero seryoso lang ang mukha ni Trouver. Tumayo na kami sa pag kaka upo namin.
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...