'South Fire'
XIN
"Wake up, Xinny." Gumulong lang ako sa kama at mahinang inilayo ang mukha ni Jun sa mukha ko. He was whispering to my ear, but I still want to sleep. I heard him giggle and flicked his tongue. I just snuggled into his sheets. Why does he have the world's most comfortable bed anyway?
"Five more minutes." Mahina kong sambit habang nakapikit pa. I heard him chuckle and placed a kiss on my cheeks instead.
"Alright. I'll be downstairs, baby." Rinig kong sabi niya bago ako kinumutan. Tumango lang ako at huminga ng malalim. I slept again, I reckon it was more than five minutes hanggang sa dahan-dahan na akong nagmulat ng mga mata. 'Yung picture frame kaagad ang sumalubong sa akin. The photo of me and him. A smile escaped my lips as I made my morning stretch.Dahan-dahan na akong bumangon sa kama at tumingin sa paligid. I was greeted by the mirror by his wall. He has a mirror on his wall when he can't even see himself? Or.. nah. That can't be it. Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa naisip ko. I'm going nuts thinking that he purposely put a mirror there just for me.
"Not everything is about you, Xin." Parang tangang sabi ko sa sarili at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I'm a mess. My hair is a mess. Napakagat nalang ako sa labi. I'm still wondering how Jun still sees me when I'm in this state. "Yeah, but when it comes to Jun, everything is about you." Napapitlag kaagad ako nung marinig ko ang boses ni Jane sa bintana ng kwarto ni Jun. Tiningnan ko lang siya na nakangiti sa akin at tsaka kumunot ang noo ko nung makita kong madilim na sa labas.Tumingin kaagad ako sa relo ko at dun ko nalamang alas syete na pala ng gabi. Wait..
"Was I sleeping for almost 24 hours?" Tanong ko kay Jane kaya natawa siya bago tumango. Napahawak nalang ako sa ulo ko. And I still had the guts to ask for five more minutes when I've been sleeping for the whole night and the whole damn day. Can't blame myself though. Jun's bed is so comfortable.
Naglakad si Jane palapit sa akin at kumuha siya sa hair brush dun sa mesa ni Jun. Kumunot kaagad ang noo ko nung makita kong tinatanggal pa ni Jane ang cover ng brush. It was new. Jun bought new stuffs for me while I was asleep? Wala pa kasi 'yun nung pumasok ako dito kahapon.
"Come on. Let's brush your hair." Nakangiting sabi niya sa akin at nilapitan na ako. Tumingin lang ako sa salamin at dun ko nakitang lumulutang ang hair brush. Oh, right. Mirrors and vampires. Jane started brushing my hair kaya gumawa ako ng maliit ng spell at tinapon ito sa kanya. "Uhh.. what was that?" Tanong ni Jane at pinagpag pa ang damit niya. Ngumiti lang ako at tinuro ang salamin. A few seconds later and she started appearing in the mirror as well.Napatakip siya kaagad sa bibig niya at tsaka ako tiningnan. Naglakad siya palapit sa salamin at tiningnan ang sarili niya.
"It's been a long time." Sabi niya habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko nalang ang hair brush at sinuklay na ang buhok ko habang tinitingnan pa ni Jane ang sarili niya sa salamin. It was just a quick spell that only lasts for ten minutes. She admired herself in front of the mirror for the whole ten minutes at naayos ko na ang sarili ko.
When the spell ran out, tumingin kaagad siya sa akin at ngumiti tsaka ako niyakap. Tinapik ko nalang ang balikat niya at tsaka na kami lumabas ng kwarto ni Jun. Dala-dala ko ang cellphone ko habang pababa kami at tiningnan ko kaagad ang text na galing kay Seth. He's asking when we'll be home. Right, isang araw lang pala ang pinaalam ni Jun sa kanya at sa isang araw na 'yun, natulog lang ako.
BINABASA MO ANG
Team Alpha
Fantasy[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alpha.