Chapter 16

6.6K 210 147
                                    

'Creatures of the Night'


XIN

"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Wolfie na nasa tabi ko lang at tinitingnan rin ang tinitingnan ko. Agad na kumunot ang noo ko nung mawala sa paningin ko sina Nicolas at Ceanna. I'm pretty sure that I saw them sitting right there.

"Nakita ko sina Nicolas at Ceanna." Mahina kong sambit habang pilit ko pa silang hinahanap sa canteen. Kumunot lang ang noo nila at tumingin-tingin rin sa paligid. "You sure? UHT can be pretty tricky, sis." Paalala ni Joshua dahilan para mapapikit nalang ako at hinawakan ang batok ko. Maybe I am hallucinating. And maybe, I just need to eat.

And why would Nicolas and Ceanna be here?


"Kumain ka nalang."
Sabi ni Baxter at inilapit pa sa akin ang salad na nasa harap ko pero bigla nalang lumingo-lingo si Hoshi at inagaw ang salad na nasa harap ko.


"Busog na 'yan."
Sabi niya at tiningnan pa si Jun na kakaupo lang sa harap ko. Napaubo agad ako at uminom nalang ng soda tsaka ko nakitang binatukan ni Walter si Hoshi. Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin-tingin nalang sa paligid. UHT's canteen gives out the elegant vibes. I don't even know if this is a canteen, or a restaurant.

Tumingin ako sa mga wine bottle na nandun sa isang shelf at tsaka sa mga lumulutang na ilaw sa kesame. Some creatures were free to use their powers in the school as long as it's for personal use and not for harming other creatures.


I've never been surrounded by so many creatures that uses their abilities like this. This is all so new to me. Sa tuwing may dadaan sa table namin ay hihinto sila at yumuyuko. I don't know who they're bowing to. It could be Jun as a King, Duke and Hoshi as a Prince, Seth as Zeus' son, Dino as an heir or it could be Team Alpha in total.

Binaba ko nalang ang soda na hawak ko pero bigla nalang itong inagaw ni Xy at tsaka ininom. Kunot-noo ko siyang tiningnan na pinapaypayan ang dila niya at tsaka ko nakita si Walter na humahagalpak ng tawa habang may hawak ng tinidor na may icing pa ng red cake.


"You tricked him again, didn't you?"
Tanong ni Vernon sa kanya. Walter always buys this weird spicy cake called 'red cake' and he always tricks Xy into thinking that it's strawberry cake. Hinampas agad ni Xy si Walter pero tinawanan lang siya nito.

Napailing nalang ako at mahinang natawa. Walter's trying to kill the kid.

"Oh? It's the runaway kid." Agad na tumingin si Walter dun sa mga batang dumaan sa gilid namin na may dala-dala pang tray at nalaman naming nakatingin pala sila kay Xy na pinapaypayan pa ang bibig niya. "Really? The weak one?" Tanong nung isa sa kanila habang naglalakad sila palayo.


"Yeah. He was so weak, he sacrificed his demon powers just to save the hybrid lady. He ended up dying anyway. Dunno why he's back. Is he a ghost now?"
Usap-usapan nila habang naglalakad pa sila palayo. Tiningnan ko lang si Xy na umiinom lang ng soda at parang walang pakialam sa mga narinig niya. Lumingon ako sa gilid ko at agad na kumunot ang noo ko nung malaman kong wala na pala si Hoshi sa tabi ko.

Napasapo agad ako sa noo ko nung naiisip ko palang ang nangyayari.


"Kids, sacrificing something for someone isn't weak. Talking to someone behind his back is weak. Go, apologize to him."
Tumingin agad kami kay Hoshi na nakatingin dun sa mga batang nakatingala lang sa kanya at parang walang ideya kung sino siya. Tinawanan lang siya ng mga 'to pero nakita kong bigla nalang nagliwanag ang mga mata ni Hoshi. It glowed a bright yellow, like a star's glow.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon