Chapter 1

33.3K 445 279
                                    

'Duty Calls'


"May pizza pa ba?" tanong ni Hoshi noong nakababa siya at may tuwalya pa sa balikat. Tinuro ko ang mesa habang nakaupo kami rito sa sofa at nakatingin sa TV. Seth insisted that we should watch the news as 'adults' in the house. Wala namang umangal sa kanya lalo na ngayon na pinangalanan na siyang commander ng mga demigods.

The name is silly, but no one made fun of it since Seth likes it too much.

"Dad, I need you to sign something. School stuff."

Tiningnan ko si Xy noong lumapit siya kay Jun at may binigay na envelope. Kumunot ang noo ko noong nag-iwas ng tingin si Xy sa akin. Jun looked up at me with a smirk on his lips. "School stuff, huh?" tanong ko kay Xy tsaka ko tinanggap ang papel na pinalipad ni Jun papunta sa likuran ng sofa.

Nakita ko ang permission slip na gusto ni Xy na umabsent ng tatlong araw. Kumunot ang noo ko at tiningnan si Xy.

"Why? Are you bored with school?" tanong ko. Yumuko siya at umiling. Tiningnan ko si Walter na umangat ang gilid ng labi habang nakatingin kay Xy.

"Dolly is at the hospital. He wants to visit," natatawang sabi ni Walter.

Tiningnan siya ng masama ni Xy. Everyone in the team 'ohh-ed' at Xy kaya nakita ko ang pamumula ng tenga at pisngi niya. It's still new to me on how Xy blushes just like how Jun does. "Tatlong araw na visit? Visit pa ba tawag doon?" tanong ni Hoshi habang kumakain ng pizza sa mesa. Hindi na lang kami sumagot dahil parang sasabog na si Xy.

Itinaas ko ang kamay ko at naglanding sa palad ko ang ballpen mula doon sa mesa. Pinirmahan ko ang slip at pinapirma na rin si Jun. Lastly, Seth signed the last slot. Kailangan kasi ng tatlong pirma 'yong slip.

"You need a guardian, right?" tanong ni Seth at hinawakan muna ang papel habang nakalahad ang kamay ni Xy at naghihintay na ibigay ni Seth ang papel sa kanya. Umiling si Xy dahilan para kumunot ang noo ni Seth.

"No, you probably need a guardian. I'll put down my name."

Umangal si Xy bago pa man makasulat si Seth sa permission slip at kinuha ang papel. Tiningnan siya ni Seth at nagkatitigan 'yong dalawa.

"You just want to see Tita Addie. Don't use me as an excuse, Tito Seth."

Nagtawanan ang iba dahil sa sinabi ni Xy. Natawa na rin ako habang nakaawang ang bibig ni Seth. "Hey! You're also making us as an excuse to see Dolly!" sumbat rin ni Seth sa kanya. Look at him. The eldest and the leader of Team Alpha is quarrelling with a demon kid.

"Oo na! Put down your name... po!" inis na sabi ni Xy at ibinalik 'yong slip kay Seth.

Seth wiggled his eyebrows and put down his name. Ngumiti siya kay Xy at binalik na 'yong slip sa kanya. Tiningnan namin si Xy na tumatakbo papunta sa kwarto niya habang nakangiti. Tumingin na lang ako sa team na nakatingin na mula sa TV.

I like it like this. We're complete. We're at peace and we've got nothing to worry about.


✥✥

"The middle realm is managing their barriers well. Nakagawa na rin ng panibagong barrier si Xin para sa kabilang realm. She even managed to close the gates of the dark realm, which was the center of our discussion earlier. And lastly, she already blocked the trolls from coming to the Pixie realm."

Tiningnan ko si Miu na parang nagrereport doon sa harapan sa sinasabi niya. Ever since she was moved to the operating team of the Blue Scouts, she became Head of Realm Controls which means, that everything I and the Team Alpha do, she knows.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon