'The Encounter'
"Seth, sunduin mo na si Xy sa school. Mas aalas-sais na oh." Utos ni Jayden na nakaupo lang sa sofa at nakatingin sa tv. Seth just rolled his eyes and looked at him.
"Sa dinami-dami natin dito, ba't ako? Nagluluto ako. Ikaw nalang kaya 'yung sumundo sa bata." Reklamo ni Seth pero pasimple lang binaling ni Jayden ang tingin niya kay Seth. "Wala si Milo. Nasa Archia si Jun. Lumalandi si Walter. Ewan ko kung nasan si Matt at 'yung iba. Ikaw lang 'yung walang ginagawa." Sabi ni Jayden kaya kinamot nalang ni Seth ang ulo niya dahil sa inis at tsaka pinatay na ang stove. He wished he could just kill Jayden instead of the stove."Oo na. Daming satsat." Pagmamaktol ni Seth habang hinahanap ang susi ng motor niya sa key bowl.
"Ba't ba kasi ako pa 'yung susundo?" Reklamo niya ulit habang hinahanap parin ang susi. It was an ocean of keys in the bowl. Without Xin, nothing was organized in this house except the kitchen. Habang naghahanap si Seth sa susi ay bigla nalang bumukas ang front door dahilan para sabay silang tumingin ni Jayden dito.
"Hindi na po kailangan. Kaya ko na po ang sarili ko." Walang ganang sabi ni Xy at tinanggal na ang sapatos niya tsaka maayos itong nilagay sa shoe rack. Nagkatinginan nalang sina Seth at Jayden dahil sa sinabi ni Xy at muli na namang bumukas ang pinto at pumasok si Matthew at Joshua na may dalang grocery bags.Xy just walked past them at umakyat na sa kwarto niya. Matthew just looked at the two and sighed.
"He heard your complains. Kanina pa siya nandun sa labas." Sabi ni Matthew dahilan para mapasapo nalang 'yung dalawa sa mga mukha niya.
"Alam niyo namang malungkot 'yung bata. Hindi na nga 'yun madalas ngumiti. At least take care of him like how Xin would." Joshua said while he was putting the groceries in the fridge. Nagtiim-bagang nalang si Seth at tumingin sa taas. Lumapit nalang siya sa stove at tiningnan ang niluluto niya kanina. Pinatay narin ni Jayden 'yung tv at tsaka umakyat papunta sa kwarto ni Xy.Jayden knocked on Xy's door at bumukas naman ito pero lumabas lang si Xy habang nagsusuot ng jacket niya.
"'San ka pupunta?" Tanong ni Jayden sa kanya. "Maglalakwatsa. Magrerebelde. Iinom po ako at tatambay sa kanto." Diretsong sagot ni Xy sa kanya kaya napabuga nalang ng hangin si Jayden at tiningnan si Xy na pasimpleng pumasok sa kwarto ni Milo at kinuha ang isang laptop sa mesa nito. Xy just left a note that he borrowed it even though Milo wouldn't mind if he's missing a laptop or something.
Nilagay lang ni Xy ang laptop ni Milo sa backpack niya at lumabas na ng kwarto ni Milo.
"Xy, look. We're sorry that we're not good with kids. We're trying our best, okay?" Mahinahong sabi ni Jayden sa kanya habang sinusundan niya si Xy na pasimpleng pumapasok sa kwarto ng mga tito at kuya niya. Xy went into Walter's room to spray himself with perfume and looked at himself in the mirror. "It's okay, Kuya Jayden. Hindi na ako bata." Sabi ni Xy dahilan para kumunot agad ang noo ni Jayden lalo na nung nakita niyang kumindat pa si Xy sa salamin.
Agad niyang tiningnan ang suot ni Xy at lalo na ang porma nito.
"Teka, aalis ka ba?" Tanong ni Jayden at bigla nalang sumulpot si Hoshi na kararating lang galing sa arcade at may kagat-kagat na burrito.
"'San lakad mo, par?" Pa-cool na tanong ni Hoshi habang kumakain ng burrito dahilan para mapahinto si Wolfie nung marinig niya ito. The team just got back one by one and this is what greets them.
BINABASA MO ANG
Team Alpha
Fantasy[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alpha.