Chapter 63

6.1K 225 97
                                    

'Fresh and Fragile'


XIN

I was about to fall asleep when I heard a knock on the door. Agad akong nagmulat ng mga mata at tiningnan si Xy na tulog mantika pa sa kama ko. Tumayo nalang ako at tsaka binuksan ang pinto kung saan sumalubong sa akin si Jun na nakangiti. Agad akong napaatras nung makita ko siya pero umangat lang ang gilid ng labi niya at may pinakita siya sa akin notebook.

"This was yours." Aniya sabay bigay sa akin ng notebook. Tinanggap ko naman ito at tsaka tiningnan kung anong meron sa loob. It was like a guide for Team Alpha. "That was your journal when you first came to us. I thought that might help you familiarise our names. I also attached photos of us for reference." Nakangiti niyang sabi kaya hindi ko nalang muna tiningnan ang mga nakasulat sa journal at tumingin sa kanya.


"Uhh.. thanks."
Sambit ko at tumingin nalang sa paanan ko pero nabigla nalang ako nung maramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. He tapped my head as if I was a kitten at nung tumingin ako sa kanya ay nakatingin parin siya sa akin.


"Don't ever leave my side again, Xinny. I don't know what I'm going to do without you."
Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya ngumiti lang ako at tsaka na sinara ang pinto. The moment that I closed the door, tinakip ko agad sa mukha ko 'yung journal at nagtatalon sa carpet pero huminto rin naman ako dahil baka magising si Xy.

Mahina ko nalang sinampal ang sarili ko at tumingin sa salamin. Xinny Muirgen Allison, hindi ka pinalaki ng Dad mo na maharot. Okay?


Tumingin nalang ako sa salamin at inayos ang sarili ko pero kumunot ang noo ko nung makita kong kumintab ang salamin. Do their mirrors shine in this house? Binalewala ko nalang 'yun at tsaka na inilagay sa mesa ang journal at binasa ito. I familiarized their names and what they are.

Pero hindi ko mabasa 'yung linya kung ano si Jun. His identity was blurred out dahil mukhang luma na 'tong journal na 'to. Anyway, I'll just ask them what he is. Inayos ko nalang ang kumot ni Xy at lumabas na ng kwarto.


I took a little self-tour around the house dahil basta-basta nalang kasi akong hinihila ni Hoshi kanina. I took a look at the photos on the wall. It's just amazing how I have a photo with them. I really am part of this team. Now I badly want to get those memories back.


"Oh? Xinny?"
Tumingin kaagad ako sa tumawag sa akin. Human with no soul. Milo. "Oh, hey Milo." Bati ko sa kanya pero natigilan siya at tsaka tumingin sa akin.


"Isang beses lang naman akong nagpakilala sa 'yo ah."
Namamangha niyang sabi. Hindi ko nalang sinabi na nabasa ko ito mula sa journal na binigay ni Jun. Ngumiti lang ako sa sinabi niya at sabay na kaming bumaba. Nakita ko agad silang lahat dun sa sala na nanunuod ng TV. I just looked at them until they noticed that I was here.


"Hey, come here."
Malambing na tugon nung isa sa kanila. Brother. Son of Zeus. Ahh, si Seth. Ngumiti lang ako at tsaka umupo sa tabi niya pero tumingin muna ako sa kusina kung saan nagluluto sina Duke at Matthew. Smells good. "Did you see anything familiar in here, baby sis?" Tumingin kaagad ako sa white angel dahil sa sinabi niya. White angel, Joshua.

Lumingo-lingo lang ako bilang sagot sa tanong niya dahil wala talaga akong nakita na nagpapaalala sa akin. Maybe things are just going too fast. Maybe soon, I'll remember.


"It's fine. Hindi naman tayo nagmamadali."
Dark angel, Jayden. Tumango lang 'yung iba sa sinabi niya at tumingin nalang ako sa pinapanuod nila. They're watching a sci-fi movie. "Seth, I told Keya about Xin." Sabi nung demon guy at tumingin sa akin. Right, he's Walter.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon