Chapter 30

6.4K 202 42
                                    

'Concealead Truth'


XIN


"Milo was right with his conspiracy theories all along. May nagpaplano nga ng lahat ng 'to." Seryosong sabi ni Baxter habang lumalamon naman ng popcorn si Hoshi sa tabi niya. I just told them what I saw in Baley's memories. I told them every single detail, except the golden ring. Hindi naman ako sigurado kung may connection ba 'yung singsing.

Luce's golden ring could just be another golden ring and I'm just being paranoid.


Napatingin agad kaming lahat kay Wolfie nung bigla nalang siyang tumayo habang nakakuyom ang kamao. Hinawakan agad ni Jun ang braso ni Wolfie nung tumayo ito at umuusok ang ilong sa galit. Tiningnan lang namin sila at marahas na tinanggal ni Wolfie ang kamay ni Jun pero hinawakan siya ulit nito at pinasok na siya ni Matthew sa isang shield.

Of course, he'd be mad. He just knew who plotted to kill his Father.


"Calm down, Wo."
Pagpapakalma ni Seth sa kanya pero sinuntok lang ni Wolfie ang shield at sumigaw na palabasin siya ni Matthew sa shield. Nakita kong dumugo agad ang kamay ni Wolfie dahil sa pagsuntok niya sa shield kaya napakagat nalang ako ng ibabang labi ko.

Hoshi immediately dropped his popcorn at walked towards the shield. Pumantay siya kay Wolfie at tiningnan ito.


"As much as we wanted to kill him, we need him."
Mariing sabi ni Duke sa kanya kaya napasabunot nalang si Wolfie sa buhok niya at napaupo nalang. Tiningnan ko lang si Jun na nakatayo lang sa harap ng shield at tiningnan si Wolfie na nanginginig parin sa galit.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya at ang pagtiim ng bagang niya.


"Don't worry. Once we're done with him, you can tear his head off after I break every bones in his body."
Walang emosyong sabi ni Jun at naglakad na pabalik sa kwarto nila. Napabuntong-hininga nalang ako at inalis na ang shield na pumapalibot kay Wolfie. Lumapit agad si Hoshi sa kanya at tinapik-tapik niya ang balikat nito at tsaka dinala ni Wolfie sa kusina para lagyan ng bandage ang sugat nito.

Napasapo nalang si Seth sa noo niya kaya tiningnan ko si Duke na parang malalim ang iniisip.


"Duke?"
Tawag ko sa kanya kaya agad naman siyang tumingin sa akin. Duke's deer-like eyes beamed on me kaya ngumiti ako sa kanya bago ako tumayo at sumunod naman siya sa akin. Sabay kaming naglakad sa pathway papunta sa Elf-café rito sa UHT.

Pagdating namin sa café ay bumati kaagad sa kanya 'yung mga tauhan niya at 'yung ibang elves na galing sa Elenor. Binati rin nila ako at binigay sa amin ang VIP lounge dito sa café. Pinauna ko na si Duke at bumili ng latte para sa amin. Pagbalik ko sa lounge ay nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa labas ng bintana.


Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at umupo sa harap niya. Duke was still in a daze kaya umayos ako ng upo at humarap sa kanya.


"I'm sorry."
Bumalik agad siya sa katinuan nung nagsalita ako at tumingin kaagad siya sa akin. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. "Para saan?" Tanong niya.


"I'm sorry that it took a while before we found out who tried to kill your Mom. Ni hindi ko nga masasabing hinanap ko talaga ang gumawa nun. We found him by coincidence. I just realized that I was neglecting my duties. Kaya pasensiya na."
Natawa agad siya sa sinabi niya at tsaka hinawakan ang kamay ko at pinaangat niya ang tingin ko sa kanya.


"You're being silly again. Wala kang kasalanan. It was the team's duty, not yours alone. And besides, nalaman naman natin kung sino."
Aniya at pinindot ang ilong ko. I just scrunched my nose and moved away from him. Napanguso nalang ako at saktong dumating na ang order namin kaya inalis na ni Duke ang pagkakahawak sa kamay ko at tinanggap na ang order namin.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon