Chapter 56

5.9K 233 75
                                    

'The Broken King'


"For pete's sake! Let Matthew cook! Susunugin mo lang naman ang bahay." Napasapo nalang si Seth dahil sa gulo na ginagawa nina Duke at Vernon dun sa kitchen. Tumingin naman si Seth sa iba na nandun lang sa couch at parang walang balak na tulungan 'yung dalawa.


"Dude, I just want boiled eggs."
Mahinahong sabi ni Vernon kaya napasapo nalang si Duke sa mukha niya. Matthew just got out of bed at kinamot niya nalang ang ulo niya dahil sa ingay na nanggagaling dun sa baba. Bumaba nalang siya habang humihikab pa at tsaka tumingin dun sa kusina kung saan nagkakagulo 'yung dalawa.

He just frowned and looked at Seth.


"Ikaw nang bahala diyan. Aalis muna ako."
Pasimpleng paalam ni Seth at naligo na sa perfume. Tinakpan lang nina Jayden at Joshua ang mga ilong nila at tsaka tinapunan ng unan si Seth na parang walang balak tumigil. "'San ka na naman pupunta?" Tanong ni Joshua habang pinapaypayan ang mukha niya. Seth just looked at them and grinned.


"Lalandi, malamang."
Sumbat ni Baxter nung dumaan siya sa gilid nila para tulungan si Vernon dun sa kusina na naguguluhan sa mga ginagawa niya. Napairap nalang sina Jayden at tiningnan si Seth na nagsusuot na ng jacket niya.


"Be home by seven, kundi sa labas ka matutulog."
Pagbabanta ni Jayden dito kaya tumango lang si Seth at tsaka umalis na. Nasalubong pa ni Seth si Milo na kakabalik lang galing sa game launching niya kasama sina Dino at Hoshi. Naguguluhan pang nakatingin si Milo kay Seth nung pasimple lang na kinuha ni Seth ang susi ng kotse ni Milo at walang pasabing umalis. "How's the launch?" Tanong ni Joshua sa kanila.


"Masarap naman. We had it at the restaurant."
Nakangiting sagot ni Hoshi sa kanila pero hinampas lang ni Dino ang balikat niya.


"Launch, hindi lunch."
Aniya pero ngumiti lang si Hoshi at tumabi kay Wolfie na nagpapahinga dun sa sofa at tsaka nanood narin ng sports documentary kasama 'yung iba. Baxter and Vernon were already burning the kitchen as they watched the documentary kaya napairap nalang si Matthew at napilitang tumayo.


"Parang itlog lang, hindi niyo kaya?"
Tanong ni Matthew sa dalawa.


"Sungit mo. Mabuti pa si Xin, hindi nagrereklamo."
Nakangusong sabi ni Baxter pero natigilan lang siya dahil sa sinabi niya at nung nalaman niyang tumingin na pala ang iba sa kanya. Ngumiti nalang si Baxter at tsaka umiwas ng tingin sa iba. Bumalik naman sila sa mga ginagawa nila at napabuntong-hininga nalang si Matthew habang nagluluto ng itlog.

Milo then looked around the team to check for someone.


"Si Jun? Bumaba na ba?"
Tanong niya sa team na nasa sala. All of them looked at him and then looked at the stairs as if someone would be there.


"He's still locked up in his room."
Sagot ni Walter na kakababa lang at nagbibihis pa ng t-shirt. Tumango-tango nalang 'yung iba habang napanguso lang si Hoshi at sumandal sa balikat ni Wolfie pero tinabig lang siya nito pero bumalik rin naman si Hoshi sa tabi niya.


"He's been locking himself up ever since that night."
Parang wala sa sariling sabi ni Duke habang nakasandal sa sofa. Pinahinaan nalang ni Jayden 'yung tv at tumingin sa kanila. That night. That certain night when they thought she'd come back to them and live the life they wanted her to live. That certain night that the whole team was deceived. That certain night that the gods went silent.

That certain night when hell roared, the skies rumbled, and the realm shook. That certain night when she went missing. When Xinny Muirgen Allison went missing.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon