Chapter 26

6.9K 252 183
                                    

'The Dedication'


XIN


"It's been so lonely here, Xin." Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa narinig ko. It's her. That lady inside the black mirror. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksiyon ng boses na 'yun.


"How are you?"
Tanong niya sa akin.


"Alive."
Tipid kong sagot habang pinapasadahan ng kamay ang mga abo sa mga artifacts na nandito. I felt a strange closure from the voice inside the mirror, which was weird to say the least. "You, how are you?" Tanong ko dahilan para lumingon sa akin 'yung ibang myembro ng team. They already knew from this point that someone's speaking at the back of my head again. Tiningnan lang nila ako habang naglalakad ako papunta sa direksiyon na hindi ko naman alam.


"It's lonely in here."
Her voice sounded weak. Too pitiful.


"I know. You don't belong here."
Mahinahon kong sambit at nalaman ko nalang na nasa harap na pala ako ng isang puting tela at nakatingala lang ako dito. I was in front of it. The black mirror. Hinawakan ko ang tela na nakatakip dito at bahagyang pumikit.

Agad kong hinila paalis sa kanya ang tela at sumalubong sa akin ang mukha niya. I was face to face with the black lady inside the mirror. She was crying dark blood, eyes all black and skin so pale. Everything was enchanting. I heard a voice singing at the back of my head. Warm feeling touching my soul.


"You know that you can no longer control me, right?"
Nakita ko ang pagkabigla ng mukha niya dahil sa tanong ko. Later, she smiled and laughed. Hinawakan ko lang ang salamin at tiningnan ito. I could hear her weeping, feel her sadness and.. anger.

Tumingin agad ako sa kanya na siyang nakatingin lang sa akin. I've been meaning to ask a question to her after the day I first heard her voice.


"Can you tell me your name?"
Tanong ko sa kanya pero bigla nalang siyang nawala sa salamin. Agad akong tumingin sa team na naglalakad palapit sa akin at tinanong nila kung anong nangyayari pero wala akong naisagot. Tumingin ulit ako sa salamin na repleksiyon ko nalang ang nakikita at nawala na 'yung babae. Was it a mistake to ask her name?

Tumingin muli ako sa salamin at hinawakan ito.


"Who put you in here?"
Tanong ko ulit pero hindi na niya ako sinagot. Napapikit nalang ako at napabuga ng hangin. I guess she doesn't want to answer my questions. Nakita kong kumuha na ng puting tela si Baxter kaya umatras na ako at tumingin sa salamin at umaasa pang magpakita sa akin 'yung babae o kausapin man lang ako pero wala na akong nakita at narinig.


Hindi nalang ako umimik nung tinakpan na nila 'yung salamin at tsaka na gumawa ng portal si Dino. The team entered the portal at tiningnan ko lang kung paano nila ito sinabit dun sa pinagkunan namin nito noon. And it hit me, how much the team has improved.

Back then, we had to fight our way in. But now, we can just go in and out like the wind. The team had developed to this level. Yes, they have developed. I'm proud of them. So much.


"I see that fond smile in your lips, and I already know that you're thinking about the team."
Sabi ni Seth at tiningnan narin ang team na nag-aayos ng pagkakalagay ng salamin. Tumango lang ako at ngumiti. Seth recognized this smile because he himself has this. Tiningnan ko lang 'yung iba na tapos na sa ginagawa nila kaya pumasok na sila sa portal.


Hinila na ako ni Walter papasok sa portal at nalaman kong nasa dorm na pala kami. Tumingin nalang ako sa wall clock at tsaka sa team na naghahanda na para matulog. Umakyat ako sa kwarto namin ni Xy at nakita ko siyang natutulog parin. Hindi ko hinubad ang jacket ko at napalingon ako kay Jun na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto nila.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon