Chapter 57

5.3K 206 112
                                    

'After Death'


"Good morning, lovely, adorable, magnificent creatures!" Tinakpan kaagad ng team ang mga tenga nila dahil sa sigaw ni Sir Jez nung pumasok ito sa headquarters nila. They're back at the university after a year. Tumingin lang sila kay Sir Jez at walang sinabi maliban kay Milo na nakangiti at bumati pabalik. Umirap lang si Baxter dahil dito.


"Palibhasa nagpapalakas dahil crush 'yung anak niya."
Bulong ni Baxter pero sinipa lang ni Milo ang likod ng upuan niya at ngumiti muli kay Sir Jez. Sir Jez was probably clueless at ngumiti nalang pabalik kay Milo at tsaka na umupo dun sa harap.


"It's good to be back, right?"
Masiglang sabi ni Sir Jez at nilapag na ang suitcase sa mesa. 


"Though you're missing the most important member of the team."
Dagdag niya at tsaka tumingin sa bakanteng upuan sa tabi ni Jun. Tumingin lang si Sir Jez kay Jun na nakaupo lang at nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga nalang siya at tsaka tumingin sa mga reports na nasa suitcase niya.

Tumingin siya sa team na may sari-sariling ginagawa at parang walang gana. Napapikit nalang siya at huminga ng malalim.


"Alright, let's drop the bull."
Aniya dahilan para tumingin na ang team sa kanya.


"You're not ready to be out in the field again."
Dagdag ni Sir Jez at tumingin sa team na parang walang buhay at tahimik lang.


"Come on, guys. You're barely functioning."
Sabi ni Sir Jez at nag-iwas lang ng tingin sina Seth sa kanya. Naglakad nalang si Sir Jez papunta sa harap at umupo sa mesa niya at tsaka tumingin sa team. "Look, I know the damage that she caused you that even time can't heal." Sir Jez was being a father to them at this moment because no one talked the reality out of them ever since that night.


"Now, before we start this whole thing up again. I'm gonna ask you a question. Are you okay?"
Tanong ni Sir Jez sa team.


"No."
Sabay-sabay nilang sagot maliban kay Jun na tahimik lang at nakatingin sa alpha ring niya. Tumango-tango nalang si Sir Jez at tsaka bumalik sa upuan niya. "Just as I thought." Mahinang sabi ni Sir Jez at sinapo nalang ang mukha niya. He cared for Xin too and he knows exactly how they feel right now.


"Alright, you guys can go. Come back when you're ready to go on a mission again."
Pagpapahintulot ni Sir Jez sa kanila. Isa-isa silang nagsitayuan habang sinalpak lang ni Jun ang earphones na hiniram niya kay Milo at natulog lang sa upuan niya. Napabuga nalang hangin si Sir Jez habang nakatingin siya kay Jun. Wala naman siyang nagawa kundi ang umalis nalang at umuwi.


Meanwhile, in Xy's classroom, tumayo na muna siya para pumunta sa likod ng classroom. He just wanted to sharpen his pencil at habang ginagawa niya 'yun ay nakatingin siya kay Dolly na nagcocolor sa drawing book niya. Ngumiti lang siya at binalik ang tingin sa lapis niya.


"Maliban kay Dolly, human kids are boring. Ako pa ba 'yung mag-aadjust sa drawing class namin? Kailangan ko pang magbobobohan sa drawing? Kakapagod magdrawing ng stickman ah."
Reklamo niya at hinipan na ang lapis niya. Nakangiti pa siya nung humarap siya sa upuan niya pero nawala agad ang ngiti niya nung makita niyang may iba nang nakaupo doon at kinakausap si Dolly.

Agad siyang lumapit dito sabay tapik ng balikat nito.


"Alis."
Ma-awtoridad niyang sabi kahit ang cute niyang tingnan. Tumingin lang si Dolly sa kanya at kumunot ang noo. "Xy, ask him nicely." Sambit ni Dolly kaya napapikit nalang si Xy at huminga ng malalim. Napilitan siyang ngumiti habang kaharap 'yung batang nakaupo sa upuan niya.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon