'Creatures of Deception'
XIN
"Oh, your sister.." Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko sana dahil tumingin lang ako sa babaeng nasa harap ko. Napapikit nalang ako nung kumirot ang sugat ko at agad na lumapit sina Milo at Wolfie sa akin.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Wolfie at bahagyang inalis ang pagkakatakip ng jacket ni Jun sa katawan ko. Nanlaki agad ang mga mata nila nung makita nila ang sugat sa braso ko. "What the?! Who did this to you?!" Galit na sigaw ni Walter at tiningnan ang sugat ko. Nakita kong napakuyom ang kamao niya kaya tinapik ko na ang balikat ni Jun para ibaba na niya ako.Nung nakababa na ako ay tiningnan ko lang si Seth na parang napako sa kinatatayuan niya. Hawak-hawak niya parin ang balikat nung babaeng nagngangalang Stephanie habang nakatingin siya sa sugat ko.
Jayden just scoffed and shoved both of them aside then came closer to me."Xin is bleeding to death, and he stood there like a rock. Asshole." Bulong niya habang hinihila ako papunta sa kusina. Sumunod agad si Matthew sa amin at nakita kong nanginginig ang kamay niya habang kumukuha siya sa medicine kit. Dahil sa panginginig nito ay nabitawan na niya ang kit at nalaglag ito dahilan para magkalat ang mga gamot sa sahig.
Napasapo agad siya sa noo niya at nakita kong lumapit si Joshua sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
"Matt, ako na." Mahinahon nitong sabi at nakita kong sumulyap si Matthew sa akin at tsaka lumingo-lingo. Kinagat niya pa ang ibabang labi niya at tsaka bigla nalang napasuntok sa mesa.
"S-Sana hindi ko siya iniwang mag-isa dun." Bulong niya sa sarili na may halong inis at tsaka ginulo ang buhok niya. Lumapit naman si Walter sa kanya sabay tapik ng balikat nito.
"I wanted to say that it's not your fault, but it kindda is. Ba't mo kasi siya iniwang mag-isa dun?" Tanong ni Walter sa kanya. Nabigla naman kami nung biglang may humampas kay Walter at dun ko na nakita na nakarating na pala si Keya kasama si Lorisse. Tumingin agad sila sa sugat ko at nakita kong naaawa na naman sila.Ahh, the look of pity.
"I'm fine." Tipid kong sabi at kumuha ng gauze pad. Walang imik akong naglakad papunta sa hagdanan ng dorm at dun ko nakitang nasa sofa parin si Seth kasama 'yung kapatid niya at nag-uusap sila.Tumalikod nalang ako at dumiretso sa kwarto ko pero kumunot ang noo ko nung madaanan ko si Xy na may dala-dalang baseball bat at parang nag-uusok ang ilong niya dahil sa galit.
"Hey hey hey, 'san ka pupunta?" Tanong ko sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin.
"Pupukpukin ko lang ang ulo ni Tito Seth. Let go of me, Mom." Sabi niya habang nagpupumilit pa at kahit na masakit ang sugat ko ay nagawa ko pang tumawa dahil sa kacutan niya. Kinuha ko nalang 'yung baseball bat at tsaka ginulo ang buhok niya. "Why don't you help me clean my wound instead? That good, baby?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumingin sa akin tsaka walang pag-aalangang tumango.Look at him. Just a second ago, he wanted to break Seth's skull. He changes his mind in two seconds, huh?
Pumasok nalang kami ni Xy sa kwarto namin at tsaka na namin nilinis ang sugat ko. Duke came in to help me at pumasok narin 'yung iba para tanungin ako nung anong nangyari habang nasa likuran ko si Hoshi at niyayakap ako tsaka dinidikit ang pisngi niya sa pisngi ko.
"You okay, Hammie?" Tanong niya na hindi ko na sinagot at tsaka na siya hinila ni Wolfie paalis sa likuran ko.
"What are you? A koala?" Inis na tanong ni Wolfie sa kanya at napanguso lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/171653762-288-k214535.jpg)
BINABASA MO ANG
Team Alpha
Fantasy[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alpha.