'Xinny the Wise'
XIN
"Ahh, about that. I was just confused." Dad said and smiled at me. Tumango-tango lang ako sa kanya at tumingin-tingin sa pader. Those pictures. Tiningnan ko lang si Dad nung tumayo siya at sinabing sundan ko siya. Tahimik akong sumunod sa kanya at dun ko nalang nalaman na pumasok kami sa study room niya.
Tumingin-tingin ako sa paligid at napahinto ako nung may makita akong malaking larawan sa pader ng study room niya. It was a huge portrait of me. And next to it, was a portrait of me and him when I was young. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi.
"I don't want to display them in the halls. It's more special when it's here." Sabi niya kaya tiningnan ko lang ang larawan ko sa study room. Nilapitan ko ito at hinawakan ang gilid. It's dusty, which means matagal na 'tong nandito.Dad just sat on his swivel chair and looked at me. He had this face on him again. A face that tells me that it's better if I don't know everything. There's something that he wants to tell me but prefer not to.
"I don't hate you." I said, voice low and uncertain.
Nakita kong napayuko si Dad at nagtiim-bagang tsaka napapikit. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya tsaka niyakap siya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Right, why would I hug him after what he said? Ngumiti lang ako nung naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko.
"Take care of him, please." I said, my voice ruffled.
"You're going to live. Team Alpha is with you. I know that they'll protect you." Ngumiti lang ako sa sinabi niya at kumalas na sa pagkakayakap.
"Hindi ko hawak ang buhay ko." I was the one who said those words, but I only ended up hurting myself because of those words. Ngumiti nalang ako ulit sa kanya at lumabas na ng study room niya at dumiretso na ako sa kwarto ni Hoshi. Pagdating ko dun, nakita ko siyang nakasakay sa malaking pony stuff toy sa kwarto niya at nakanguso pa siya.Tumingin siya sa akin kaya naglakad ako palapit sa kanya at inihilig ang ulo ko sa ulo ng pony at tiningnan siya na nakayuko sa akin kasi may kataasan 'yung pony stuff toy niya.
"Let's just stay here. Lots of stars. Lots of life." Sabi niya at inayos ang pagkakahawi ng buhok ko. I just smiled when his fingers contacted my skin. Lumingo-lingo lang ako sa sinabi niya. "I have to go back. Ilang oras lang akong nandito, isang linggo na akong nawala dun. Xy needs me too, you know." Nakangiti kong sabi sa kanya pero napanguso lang siya at tumalon na sa stuff toy niya tsaka umupo sa gilid ng kama. Sumandal lang ako sa stuff toy at tumingin sa kanya.
"We'll visit you some time." Mahinahong sabi ko sa kanya. Hoshi was so upset that he got his earphones out and listened to music, which he rarely does nowadays. Napangiti nalang ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at pumikit.I know that he can't disobey Dad's orders. Because when he says that he'll stay here, he will stay here. It's for his best. His, only. But it's okay.
"Don't die." Natawa lang ako sa sinabi niya at tinakip na ang balikat niya. Hoshi held my hand to prevent me from leaving pero inalis ko na ang pagkakahawak ko sa kanya at tumalikod na. Narinig ko pang tinawag niya ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay napapikit nalang ako at inalis sa utak ko ang boses ni Hoshi.He'll be fine here.
✥✥After I came back from the Star Kingdom ay dumiretso na ako sa dorm. It was night time when I came back pero gising parin ang team. Sumalubong sa akin si Wolfie na may dalang isang tasa ng kape. "Where's the idiot?" Tanong niya at tumingin-tingin sa labas, hinahanap si Hoshi. Napakagat nalang ako sa labi ko at naikuyom ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Team Alpha
Fantasy[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alpha.