Chapter 68

6.2K 227 73
                                    

'The King's Flower'


"Where is she?!" 'Yun kaagad ang bulalas ni Jun nung makapasok siya sa Elenor at dali-daling naglakad papunta sa lab. Agad na nagbigay daan ang mga tauhan ng Elenor para sa kanya. Jun walked too fast that Seth and the others had to run just to catch up. Hindi nila mabasa kung ano man ang nararamdaman ni Jun dahil maraming emosyon ang nakabakas sa mukha nito.

Agad na binuksan ni Jun ang pinto ng lab at sumalubong sa kanya ang si Xin na nakatingin lang sa kamay nito.


Agad siyang nilapitan ni Jun dahilan para tumingin narin si Xin sa kanya.


"M-My body.. my hand.. i-it just—"
Pinatahan na ni Jun si Xin at hinaplos ang buhok nito. Jun was still shaking out of fear simula nung tinawagan sila ni Duke sa nangyari kay Xin. After they closed the deal, they came back to Elenor right away.

Lumapit narin sina Seth kay Xin at tiningnan ito. Matthew checked on the cracks on Xin's body habang hindi parin binibitawan ni Jun ang kamay ni Xin.


"Does it hurt? Are you uncomfortable?"
Sunod-sunod na tanong ni Wolfie kay Xin at tiningnan ito. Lumingo-lingo lang si Xin at sinabing wala namang masakit sa katawan niya maliban sa nahihirapan siyang huminga. Matthew just soothed her breathing at pinahiga na nila si Xin sa kama.


"Magpahinga ka muna. Mag-uusap lang kami."
Nakangiting sabi ni Jayden sa kanya at aalis na sana pero hinawakan lang ni Xin ang laylayan ng jacket nito kaya napalingon ulit si Jayden sa kanya. "You need something, baby sis?" Malambing niyang tanong at yumuko para marinig ng maayos si Xin. Jun was also soothing Xin's hand and fingers habang nakatingin lang siya kay Jayden.


"How was your journey? May nasaktan ba sa inyo?"
Tanong ni Xin sa kanya kaya mahina lang natawa si Jayden at kukurutin sana ang pisngi ni Xin pero hinaplos niya nalang ito habang nakangiti.


"Wala namang nasaktan sa amin. Maliban sa pride ni Wolfie."
Kumunot kaagad ang noo nung iba dahil sa sinabi ni Jayden lalo na nung biglang humagalpak ng tawa si Dino at sinabayan pa ni Seth tsaka tinuro-turo pa si Wolfie. "Bakit? Anyare?" Tanong ni Hoshi habang kumakain ng sandwhich. Inis lang ng tumingin si Wolfie kina Seth at iniwasan nalang sunggaban ang mga 'to.


"A griffin fell in love with him."
Natatawang sabi ni Matthew at pinakita pa sa pamamagitan ng isang ilusyon ang nangyari dun sa gubat dahilan para nagsitawanan na 'yung iba. Mahina naring natawa si Xin habang nakatingin siya sa ilusyon na ginawa ni Matthew. "And her name is Fiona." Dagdag ni Matthew habang nakatingin lang kay Wolfie na parang ilang segundo nalang ay susugod na ito sa kanya.


"Ehe~ Shrek na ba ang itatawag namin sa 'yo?"
Panunukso ni Hoshi sa kanya kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Wolfie at hinarap ito.


"You wanna die?"
Inis na tanong ni Wolfie sa kanya pero ngumiti lang si Hoshi at nagcling pa sa braso niya habang nakangiti. "Of course! It would be an honour to be killed by Shrek. Ayiee~" Tinulak nalang ni Wolfie palayo si Hoshi at lumayo na dito. Natawa lang si Xin habang nakatingin sa kanila pero lumapit lang si Seth sa kanila at mahinang pinalo ang kamay ni Jun.

Jun just raised an eyebrow at him pero nakatingin lang si Seth kay Xin.


"You should rest, baby sis. Okay?"
Tumango nalang si Xin sa sinabi ni Seth at tiningnan lang si Seth na hinihila si Jun palayo. Lumapit nalang si Matthew kay Xin at ginulo ang buhok nito at tsaka sumunod sa iba. Pag-alis ng team ay lumapit na si Xy kay Xin at dun na nagpatuloy sa pas-sketch sa tabi ni Xin.

Xin just closed her eyes as the dizziness drove her to sleep.



✥✥

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon