Chapter 33

6.1K 235 115
                                    

'Dead Flower'


XIN


"What the fuck?!" Those were the first words that Hoshi asked after hearing Milo's words. Nabigla pa si Milo dahil dito. Agad na hinila ni Hoshi si Dino at kinuwelyuhan ito.


"Make a portal. Now!"
Utos niya at agad namang gumawa ng portal si Dino papunta sa headquarters ng Blue Scouts. Matapos niyang gawin 'yun ay binitawan na siya ni Hoshi tsaka ito pumasok sa portal. Nagkatinginan lang kaming lahat bago sumunod sa kanya.

Hoshi was walking like lightning on the hallway na kapag may blue scout siyang nadadaanan ay dumudikit sila sa pader para bigyan ng daan si Hoshi. Napakagat nalang ako sa labi ko at sinara na ni Dino ang portal.


"Is he really like this?"
Tanong ni Xy kay Walter. Umiling lang si Walter at pinaningkitan si Hoshi na agad na nalaman kung nasang kwarto si Miu kahit wala pa siyang tinatanong. Pumasok agad kami at tsaka kami tiningnan ng mga doctor na nakapalibot sa katawan ni Miu.


"Out. Now."
Utos ko sa kanila at tiningnana ng katawan ni Miu. Nagkatingin pa 'yung mga doctor at tumango silang lahat sa sinabi ko at tuluyan nang umalis. Yumuko pa sila sa amin bago lumabas ng kwartong 'to. Tiningnan lang namin si Hoshi na nakatingin kay Miu.


"Hosh, relax. She's not dying. It was a misinformation."
Pagpapaliwanag ni Duke sa kanya. Tumango lang si Hoshi at tiningnan si Miu tsaka nagkahalukipkip. The Blue Scout misinformed us. She was sick, not dying. But looking at her right now, she does looks like she's dying. She was pale. Thin and pale. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Hinaplos ko ang buhok ni Miu at tiningnan siya ng maigi.


"What have they done to you?"
Tanong ko at humigpit ang hawak ko sa kamay niyang malamig. You're still alive, but your hands are so cold. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nagtagal kami ng ilang minuto sa loob ng kwartong 'to habang nakatingin lang kami kay Miu hanggang sa tinawag kami ng isang senior blue scout.

Sumunod kami sa kanya at iniwan na si Miu dun sa kwartong 'yun. We followed the senior blue scout until we reached the meeting room. Umupo agad kaming lahat at tiningnan ang projector sa harap. Dun lang din namin nalaman na parang kanina pa nandito si Milo dahil nakatingin na siya sa mga papeles at may kinakalibot dun sa laptop.


"I already gave defences to the kingdoms, except the White Witch's na kakatanggal ko lang. And now you're telling me that she got sick from protecting the kingdoms? What the hell was the defence system for? Display?"
Inis na tanong ni Milo at nakita kong napayuko nalang ang mga blue scouts. Hoshi was agitated just hearing that Miu was dying. Milo's now pissed off knowing the truth behind this mess. Umangat nalang ang gilid ng labi ko.

They really are great friends.


"She's a hybrid. Shouldn't she be healing herself? Ba't siya nagkasakit?"
Tanong ni Baxter at tiningnan ako. I had no answer to his question. One, because I wasn't here, I never got to observe Miu. And two, I don't really know why she got sick.


"What's her stats?"
Tanong ni Jayden at agad na naglabas ng record ni Miu 'yung doctor at pinakita ito sa projector. Tiningnan namin itong lahat. "Everything seems to be fine." Kunot-noong sabi ni Joshua at may ginawa dun sa tab na nasa tabi niya at nag-swipe na 'yung stats na nasa projector at pumunta ito sa x-ray ng katawan ni Miu.

It's fine too.


"Hindi siya nakatulog ng mahigit dalawang linggo. She'll be home to do the paper works at night, then leave early by the morning to go back to her post. She's not even eating well."
Napalingon kaagad kami kay Tita Chrissy na kakapasok lang at binigyan kami ng pagkain. Lumapit agad si Shinshi kay Wolfie at nagpakarga dito habang tinutulungan naman ni Isha si Tita Chrissy sa pagbibigay ng pagkain sa amin.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon