Si Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya.
nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi.
walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya.
walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...
nagising siya sa isang malakas na tunog na parang may kung anong nag salpukan.
"Nandito na ba tayo mahal?" Tanong niya.
"Wala pa mahal, medyo malayo pa" Sagot sa kanya.
"Bakit huminto yung bus?"
"May bangga-an ata mahal eh"
"Tulog ka na ulit sa balikat ko"
bumalik na lamang siya sa pagkakatulog.
ilang oras pa ang nagdaan at narating na nila ang probinsya ng kanyang mapapangasawang si Santi.
"Mahal, sasakay pa pala tayo ng tricycle ha"
mahigit 20 kilometro pa ang binaybay ng tricycle bago makarating sa isang maliit na waiting shed na gawa sa kawayan at yero.
bumaba na silang dalawa ng biglang nag ring ang telepono ni Santi at sinagot niya eto.
"Misis, ilang buwan na ba yung tyan ninyo?" tanong ng tricycle driver
"Paano niyo nalamang?" pagtatakang tanong ni
"Misis, Iwanan niyo na yung mister ninyo. hindi sila ordinaryong tao"
"Ho?" pagtatakang tanong niya.
"kulang pa ba binayad namin?" tanong ni santi.
dali dali namang pinaandar nung lalaki ang kanyang tricycle at kinabig ang tricycle pabalik.
nagsinungaling si Santi at sinabing doon sila baba sa pinaka bayan ng kanilang probinsya.
hindi alam ng tricycle driver na doon pala sila bababa,
"tara na mahal"
blanko ang kanyang isipan at naiwan ang kanyang mga mata sa tricycle na para bang nagtataka.
"Tara na at maglalakad pa tayo" sabay akbay sa kanya ni Santi at naglakad
"Mahal teka! ano yung....."
"Huwag mo na siyang intindihin kung ano man ang sinasabi niya"
"maglalakad pa tayo ng limang kilometro para makarating tayo sa namin"
"mabuti na nga lang nasanay ako sa paglalakad mahal, hindi ako mahihirapan masyado"
"Sabihin mo lang kung pagod ka na at magpapahinga naman tayo"
"Sige"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit Mahal?" tanong ni Santi
"Para kasing may mga matang Naka masid sa atin eh"
"Ano ka ba, als tres palang nang hapon, nag ho-horror ka na dyan"
pagpapatayang sinabi ni Santi.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Danger?" pagtatakang tanong ni Maireeh.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.