Palayasin ang Anak

2.1K 34 0
                                    

Maagang nagising si Santi at agad siyang nilapitan ng kanyang inang na  naka  upo  sa  bakonahe.

"Paalisin mo na siya santi"

"Ina! "

"Habang may oras pa kayo"

"Buo na ang aking loob inang, Kakausapin ko ang ating ka baryo"

"alam mong maraming kauri na natin ang sumubok na makapag asawa ng normal na tao na dinala nila dito sa Sitio Diego,  naikwento ko na sa iyo lahat"

"at Lahat sila nabigo!"

"Lahat ng kanilang minamahal na pinatira dito,  lahat nawala"

"Hindi  ako  naniniwala  ina"

tanging  Sagot  niya  sa  kanyang  inang.

"Mababait  ang  ating  mga  ka  baryo  inang. hindi  ba  at  ilang  araw  na  kami  dito?"

"at  dahil  iyon  sa  pakiusap  ko!" alsa  boses  ng  kanyang  inang.

"paulit  ulit  kong  sinasabi  sa  iyo, tayo! nakakapagtiis  tayo , Sila  HINDI  santi"

"Inang,  hindi ba't matagal na panahon na iyon?  iba na ngayon"

"Huwag nang matigas ang ulo Santi"

"Paalisin mo na siya at magsimula ka ulit"

"Hindi pwede ina"

"Magsimula ka ulit,  Hindi ba at nandyan naman si Bella?  bakit hindi siya nalang ang pakasalan mo? "

"Hindi ko siya mahal Inang" Alsa boses ni Santi.

"Si Maireeh lang inang"

"Pero hindi mo siya KAURI!!!! "

"Pakiusap inang!  pakiusapan mo silang dumito nalang si Maireeh sa ating baryo"
pakiusap ng anak

"Baka  siya  pa  ang  magiging  sanhi  nang  pagkawala ng ating mga lahi SANTI"

"anong  ibig  niyong  sabihin?"

ikinuwento  ng  ina  ang  nangyari  sa  kanilang  baryo,  matagal  na  panahon  na  ang  nakakalipas.

"Hindi  magagawa  ni  Maireeh  iyon  inang"

"Yaan  din  ang  sabi  ng  namayapa  kong  kapatid na  si  Ferro!"

"hindi na siya pwedeng magtagal dito.  lalo na at kapag dumating ang gutom  sa  ibang  mga  aswang."

"Sige na! paalisin mo sya dito habang Maaga pa at wala pang masyadong nakakaalam,  hanggat malayo pa ang Semana Santa"

"Hindi pwede inang!!"

tanging sagot ng anak.

"at bakit na bakit mo gustong manirahan dito at ipinipilit mo talaga? " tanong ng inang.

"gusto ko kayong kasama ina,  kayong mga pamilya ko kasama ang babaeng mahal ko at magiging anak ko ina,  Gusto kong bigyan ng normal na buhay ang aking magiging anak,  buhay na mayroong Ina,  Ama,  Lola't Lolo.  gusto kong bigyan ng normal na buhay ang aking anak na kahit minsan hindi niyo naibigay saamin"

"Walang h...... " isang malakas na sampal ang kanyang ibinigay sa anak.

"Umalis kana!!!!!! umalis na kayo!  kakalimutan kong wala na akong anak"

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon