Pabagsakin si Santi 1

1.7K 28 0
                                        

GERARD P. O. V

Ipinasa ko muna kay PO1 Chui ang pag iimbestiga habang naka On leave ako isang linggo para sa kasal ng anak ko.

*WEDDING DAY*

kakaunti lamang ang mga inimbetahang bisita ng aking anak.
closefriends at classmates niya noong nag aaral pa siya noong college kaya't hindi masyadong matao  sa  simbahan
sa bahay lang nila napiling ilagay ang reception ng kasal, sa  may  pool  side.
palabas na kami ng simbahan ng nasipat ng aking Mata ang pamilyar na mga mukha.
hindi ako nagkakamali,  ang mag asawang Diego ang aking nakikita sa labas ng simbahan,

Sinalubong nila ang bagong kasal sabay beso2 at pagkamay.
nagkwentuhan pa silang apat.

lumapit ako sa kanila.

"ay, Pa,  Ma siya po pala ang bestfriend kong si Santi Diego yung ikinukwento ko sa inyo"

ipinakilala kami ng anak ko sa kanya.

Ini-abot niya ang kamay niya saakin na parang walang nangyaring bantaan sa pagitan namin noong isang linggo.
pero hindi ko siya kinamayan...

"Hello Sir, Hoo magandang Umaga, anak niyo ho Pala si Calvin. " Pagbati saakin ni Mrs. Diego

"Magkakilala kayo ni Maireeh pa? " tanong saakin ng anak ko.

"Nag iimbestiga siya doon sa lugar namin,  yung nagtrending na patayan" sagot ni Mrs. Diego

"Ah Oo, si Papa yung may hawak ng kasong iyon eh . malapit pala kayo don?  kawawa naman yung babae no? "

"Grabe dapat ibalik talaga ang death penalty" sabi ng manugang ko.

"Honey, kakalabas lang natin ng simbahan, alam mo naman tutol ang simbahang katolika sa death penalty at labag narin sa batas ng diyos ang pagpatay" saway ng anak ko sa kanyang asawa.

"Oo nga, sino kayang demonyong gagawa non? " singgit ko sabay tingin sa kanya. na nagpaparinig.

"Mr & Mrs Hoo,  pasok na ho kayo sa kotse para makapunta tayo sa reception " sabi ng wedding organizer ng napansin kaming nagkwekwentuhan.

"May Program pa po tayo"

"Paano,  sunod nalang kayo sa bahay ha! " tugon ng anak ko sa kanila.

agad naman akong tumalikod at hinabol ako ng aking asawa

"Gerard, saan ka pupunta? dadaanan pa natin ang order nating desserts" tanong ng asawa ko.

"Kristin, magpasama ka nalang sa driver natin ha, mauna na ako sa bahay"

"at bakit?" pagtatakang tanong niya.

"Call of nature!" sagot ko.

ibinato niya saakin ang kanyang pamaypay sa inis.

dapat maunahan ko sina Santi sa bahay at nagtagumpay naman ako. nauna ako sa lahat ng mga bisita at maging sa bagong kasal.

pagdating ko sa bahay ay agad kong hinanap ang aming kasambahay.

"BEA" sigaw ko.

"Bakit po sir? "  tanong nang kasambahay namin

"Dalhin mo nga dito ang walis ting2" utos ko.

"Aanhin niyo po sir? "

"basta dalhin mo nalang saakin bilis"

kamot-ulong sumunod saakin si Bea at kinuha ang walis tingting.

inilagay ko ng pabaliktad sa pintuan namin ang walis tingting.

"Tignan nalang natin kung makakalabas ka nang bahay mamaya"

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon