Kasinungalingang Naka baon sa nakaraan

1.1K 21 12
                                    

*SONJA P.O.V*


Ito na ang pagkakataong aking kinatatakutan.

"Bakit natulala ka diyan Sonja?"

"Hindi ba at yan ang kagustuhan mong mangyari?" naka ngising Inang Lilith

"Ako ba ang may kagustuhan nito Inang?" matipid kong sagot

Habang ang karamihan sa loob ng silid na ito ay natataranta sa kaguluhan sa labas at ang Amang Azazel naman ay natataranta dahil hindi na raw himihinga ang sanggol ay nakuha parin naming mag usap ni Inang Lilith.,

"Bakit hindi mo sinabing anak si Santi ng Mortal na tao?" galit na sinabi ni Inang Lilith sa akin

"Diba sa kapipilit niyong dapat magka anak kami ng lalaki?., Oh ayan anak na lalaki" patawang sinabi ko

Nagulat si Abigor at Samantha sa sinabi ko,

"Hindi ko anak si Santi?"

"Ina!!!" Blankong sinabi ni Samantha

hindi ako kumibo.

"Bakit hindi mo sabihin sa lahat Sonja?" Sigaw ni Inang Lilith

"OO! hindi mo anak si Santi"

"Hindi natin anak si Santi"

Sigaw ko.

"Paanong nangyari yun Sonja?" Pagtatakang sinabi ni Abigor sa akin

"Diba ipinagbuntis mo si Santi?"

"Namatay yung anak natin.," matipid kong sagot

"Mas mabuting mamatay siya kaysa ma muno dito sa impyernong ito" tumayo ako at sabay sigaw ng mga salitang ito.

"Sawang sawa na ako! pagod na pagod na ako! mahigit 200 years old na ako, gusto ko nang mag pahinga, pero dahil nga hindi tayo mamamatay kung hindi tayo susunogin, HETO TAYO!" Dagdag ko pa,

"HETO TAYO, MGA DEMONYO"

"Sonja, Sumosobra ka na! diba malinaw na sa iyo ang lahat lahat. bakit ngayon heto ka na naman sa mga kabaliwan mo? diba tanggap mo na ang iyong kapalaran?" Gulat na gulat si Inang Lilith sa aking mga sinabi.

Matagal na panahon ko nang kinikimkim ang gusto kong sabihin. Nagbubulag-bulagan lang ako sa mga nangyayari dahil ayokong pag usapan, nagbibingi-bingihan sa mga naririnig ko, nawalan na ako ng pag asa kaya tinaggap ko na ang kapalaran ko, AKALA ko lang palang tanggap ko pero hindi.


Buntis ako Noon sa batang lalaki 70 dekada na ang nakakaraan. Tumakas ako kahit ka buwanan ko na. gusto kong ilayo ang anak ko kay Amang Azazel dahil gagawin niya rin itong hari ng mga Aswang.
Nasa bayan na ako noon ng humilab ang aking tyan, may tumulong sa akin para dalhin ako sa hospital at doon ko isinilang ang batang lalaki.
sa kasamaang palad ay namatay siya ilang oras lang ang nakakaraan matapos ko siyang isinilang,

ang kasama ko naman noon sa Silid ng hospital na babae na kakapanganak rin ay walang pambayad ng kanyang Bill sa hospital at hindi niya raw kayang buhayin ang anak niya dahil estudyante pa lamang ito,. Nalaman niyang namatay ang anak ko kaya inalok niya ako kung gusto ko nang batang lalaki.

Hindi ko inaasahang dumating si Inang Lilith sa Hospital sa mga oras na iyon kaya't napilitan akong kunin ang batang lalaki at bayaran ang bill nang kanyang Ina., Binayaran ko na rin siya kapalit ang batang Santi.

Umuwi kami sa Sitio Diego kasama na ang Batang Santi at doon ko na siya unti-unting hinawaan ng pagka aswang o Yanggaw.

Tinggap ko ulit ang kapalaran na aking kinasusuklaman, ang maging ASWANG nalang at manahimik sa sitio Diego. Binuo ko ulit ang Pamilya na gusto ni Amang at Inang.


"Hindi ako makapaniwala Sonja na nagawa mo akong lokohin" galit na sinabi ni Abigor

"Bakit naman hindi, hindi ba at?" Sagot ko

"Ina, Ama!" Gulat na gulat si Samantha sa mga naririnig niya sa amin

"Hindi ba kayo nag iibigan ni Ama, Ina?" pagtatakang tanong ni Samantha

"Bakit ko naman siya iibigin?" Tanging sagot ko.

"Hi-hindi ako ma-makapaniwala Ina" Mautal utal na sagot ni Samantha

Gulat na gulat ang kanyang mukha sa narinig niya

"Wala akong gusto kay Abigor! Pero heto ! wala akong magagawa kasi ito ang pinag kasunduan na naman ng angkan" Sagot ko

"Pero tinanggap ko!"

"Tinanggap?" Patawang tanong ni Inang Lilith

"At sana naman matanggap mo kung papatayin ko tong Anak-anakan mo" Singgit ni Amang Azazel.

"Wag po Amang!!!!" Sigaw ko

"Punong Azazel, Natatalo na tayo" Biglang pumasok ang namumuno sa mga mandirigmang aswang, duguan na siya 

"Papaanong"!

"Sa palagay ko po ay pinag planuhan na nila tayo habang tayo ay nagtitipon dito sa loob" sagot niya

"Karamihan sa ating mga kasamahan ay nasawi na at ang aking mga ka groupong mandirigmang aswang ay ubos na rin. Hindi ko alam yung iba"


"basta wala nang lalabas muna" Sigaw nito

Bakas sa mukha nang karamihan na nasa loob ng silid na ito ang takot. iilan na lamang kaming nandito.

Kaming mga maharlika at mga may matataas na posisyon sa aming Sitio.

"Sino ba ang mga iyan!" Galit na galit na sinabi ni Amang Azazel

"Sinoooooooooooo" Nilapitan niya ang Pinuno ng mandirigmang Aswang

"Hindi ko Alam Pinuno" tanging sagot niya

"Papaanong hindi mo alam"

"Hindi po sila nagpapakita Pinuno. basta may mga lumilipad sa itaas ng kalangitan at naghahagis ng mga bomba" Kwento niya

"Bakit hindi niyo liparin mga HUNGHANG!" Sigaw ni Amang Azazel

"Yun po ang ginawa namin Pinuno pero ang kanilang gamit na bagay na lumilipad ay may mga patibong na lamang loob nang tao"

"Natutukso ang mga kasamahan natin at kinakain ito. may mga bomba pala sa loob nito at sumasabog nalang ito kapag kinain na Pinuno" 

Napa atras na ang karamihan sa amin at parang nabuhusan ng malamig na tubig

"Ina, Mamamatay na tayo Ina" niyakap ako ni Samantha na takot na takot

"Ginagalit ako ng mga mortal na yan!!!!!!" Sigaw ni Amang Azazel

"Mga kasamahan siguro ni Jolo ang mga iyan"

"Sa mga natitirang mandirigma na nandito sa loob ng silid, manatili kayo dito at kaming mga maharlika at matataas na position ay papasok sa lagusan patungo sa pinaka ilalim ng silid na ito" 

sabay turo ni Amang azazel sa ilalim ng kanyang altar

"Ano pang hinihintay niyo, Pasok na"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon