Nadatnan niyang umiiyak ang asawa.
"Anong nangyari sayo?" pagtatakang tanong ni Santi
"Naaawa kasi ako dito sa balita eh" sagot niya.
"Akala ko naman kung ano yun"
Nagpalit muna ang asawa ng damit at humiga sa kama para matulog. kakarating niya lang galing sa trabaho.
"Patingin nga ako ng binabasa mo dyan sa Social Media mo"
Ibinigay ni Maireeh ang Cellphone sa asawa.
"Compilation yan ng mga krimen dito sa maynila" kwento ni Maireeh
"Krimen?" pagtatakang tanong ni Santi
"Oo, Compilation ng mga natatagpuang patay"
"Bakit ganitong klaseng balita ang binabasa mo?" bulyaw sa asawa habang tinititigan ang mga pictures.
"Dumadagdag lang yan sa stress mo ehhhh" dugtong niya sabay off sa cellphone at lapag sa higaan . kinuha naman ni Maireeh ang cellphone niya para balikan ang social media niya.
"Hindi ko naman kasi gusto yan ehh... nabasa ko lang yung pinaka huli, yung babaeng homeless, na rape siya tapos nabuntis. tapos nung araw na nanganak siya, tinulungan daw siya ng lalaki na maka anak pero sabi nung babae kinain daw nung lalaki yung baby nung lumabas" Kwento ni Maireeh
"Ehh nasaan na yung babae?"
"Nasa Mental" sagot ni Maireeh
"Nako nabaliw siya"
"Sympre sa Mental, kasi sira yung utak non sabi ng doctor, sabi nung mga tao siya naman daw pumatay sa sarili niyang anak, natagpuan siyang duguan pati narin yung mga bibig niya at wala siyang malay. pero yung sabi niya, kinain daw yun ng lalaki" kwento ni Maireeh
"Postpartum depression yun" Sagot ni Santi
"PostPartum talaga? kapapanganak pa lang Mahal"
"Huwag mong sasabihing naniniwala kang kinain yun ng lalaking tinulungan sya?" tanong ni Santi
"Syempre aswang yung lalaki!!!"
" Mahal naman eh, tinatakot mo na naman sarili mo sa mga urban legend na yan" galit na sinabi ni santi
"Binasa ko nalang yung compilation na yun kasi maraming marami na talagang natatagpuang patay, puro wakwak ang tyan . tapos may karatulang Adik ako huwag tularan. tsaka nawawalang bata. kinukuha daw nung aswang" Kwento ni Maireeh
"Sympre mga adik nga sila. alam mo naman ang presidente natin. nagbibigay reward sa mga kapulisan mabawasan lang ang adik sa bansa. ano ka ba" tawa ni Santi
"Pero Mahal karamihan pa mga homeless, pulubi, badjao, karamihan mga street childrens, adik ba yun?"
"Hindi ko alam! huwag mo na ngang basahin yan" galit na si Santi
"pagkaka abangan ko ang next na upload nila kasi may na caught in cam daw sila. isang lalaki daw talaga, baka raw siya ang gumagawa ng krimen"
"Sabi ko na sayo mahal, tigilan mo na yan. not healthy para sa baby natin eh!" sigaw niya
"Pero mahal, nakakatakot na talaga!" sagot ni Maireeh
"Yun na nga ehh... natatakot ka na dyan sa FAKE NEWS"
"Hindi siya FAKE mahal. totoo"
nagkakasagutan na sila sa mysteryosong balita tungkol sa patayan.
"Totoo nga ang patayan, pero hindi gawa ng aswang yan. gawa ng adik yan. huwag kang manilawadon"
"Gawa ba yun ng adik?"
"OO! adik nga sila diba?"
"HUwag ka nang matakot.... " niyakap ni Santi ang asawa.
"Kung may aswang man at totoo man, sundin mo lang ang sinabi ni inang sa itim na tela o magsuot ng itim na damit pati panty, at yung kay mang Jolo na carmen"
"Diba sabi mo huwag akong maniwala? ang gulo mong kausap. matulog ka nalang!"
KUmunot ang noo ni Maireeh sa asawa sabay kalas sa pagkakayakap nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/177096654-288-k158323.jpg)
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...