Surpresa sa Hapunan

2.5K 35 1
                                    


MAIREEH'S P.O.V

nakakapagtataka, 

parang magkasing edad lang si Samantha

at ang kanilang ina at ama.

napaka bata pa nila kung titigan.

"Kailan mo ba balak sabihin sa amin Santi?"

"Susurpresahin ko sana kayo Ina "

"Hindi ako na surpresa"

nagagalit ang kanyang ina sa paglilihim ni Santi sa relasyon namin.

Kasalukayan kaming naka upo sa mahabang lamesa kasama ang kanyang pamilya at naglalagay ng pagkain ang kanilang kasambahay sa lamesa.

Nakakapangilabot, Bakit mayroong bungo ng tao dito sa kanilang hapag kainan?

Nakakapangilabot, Bakit mayroong bungo ng tao dito sa kanilang hapag kainan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Ina, Alam kong marami pa po kayong mga pangarap para kay Santi, Hindi po namin kayo pababayaan"

sabi ko, pero hindi niya manlang ako inimik, tiningnan niya lamang ako ng masama.

"Tara na at Kumain na muna tayo"  Yaya ng kanyang Ama.

"Mag uusap tayo Santi na tayong dalawa lang mamaya"

kanina pa ako hindi mapakali sa aking upuan sa kadahilanang kanina pa

ako tinititigan ng masama ni Samantha na nasa aking harapan.

Nakakatakot siya kung tutuusin, mukhang kakainin niya ako sa galit niya.

"Yaan na nga ang sinasabi ko sayo Abigor! "

nagsalitang muli ang kanyang ina.

"Yaan ang sinasabi ko sayo na huwag nang paaralin si Santi sa maynila"

"At saan mo pag aaralin ang ating anak? o wala ka talagang balak sa kinabukasan niya?"

"Dito, Dito ang kinabukasan niya sa ating sitio"

"Tama na Sonja! Nangyari na ang nangyari"

"ano ang sasabihin ko kay Amang at Inang tungkol dito?"

tanong ng kanyang asawa

"Isa lamang ang solusyon dito, pabalikin sila sa Maynila at doon sila mamuhay malayo sa atin"

"Hindi ko po maintindihan" nagtatakang tanong ko.

hindi ko naman talaga maintindihan kung bakit.

"Tsaka, wala na po kaming babalikan ni Santi Maynila. nagpag desisyonan na naming dito manirahan sa Sitio Diego kasama kayo" sagot ko

Nagulat silang lahat sa aking sagot, Hindi ko Alam kung bakit ganoon ang mga reaksyon nilang lahat.

"SANTI! mag uusap tayo mamaya!"

Tumayo ang kanyang ina.

"Nawalan na ako ng gana"



ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon