Walang nagawa sina Gerard, Marj at Maireeh kundi manatili sa bahay ni Mang Jolo.kahit Mainit at masikip ay nagawa parin nilang makatulog nang maayos dala na rin ng pagod sa byahe at malamig na panahon.
Naalimpungatan si Gerard hating gabi, tumila na ang ulan.
Mukhang nagkakagulo sa labas nang bahay nina Mang Jolo.
Kaya't Lumabas siya para tignan ito."Muntikan na yun Jolo. buti dumating ka"
"Tawagin niyo lang ako kaagad sa mga ganyang pagkakataon. Sinabi na kasing lagyan ng pangkontra ang buong bahay" sabi ni Mang Jolo
"Alam mo namang hindi ako naniniwala sa mga ganyan Jolo" patawang sinabi nito
"Ngayon Maniwala ka na"
"Kapag nakompleto niya yung ikot niya sa bahay ninyo, malamang napalitan niya na yung anak mo"
"lilipat na din kami sa Maynila sa mga susunod na araw Jolo"
"Kahit Saan kayo lumipat, Susundan at susundan kayo niyan.
At Mas marami pa nga sila doon"
Ngiti niya sabay talikod."ano yun?" tanong ni Gerard"Kahit dito dumadayo sila?" dugtong na tanong niya
"Kahit saan, basta may buntis, sanggol o may sakit o kahit sinong pinagnanasaan nila. "
sagot ni Mang Jolo sabay pasok sa kubo nila."Sir, hali na kayo at bumalik na sa pagtulog. mamaya-maya ay sisikat na ang araw. wala na atang bagyo, makakauwi na kayo"
pahabol ni Mang Jolo.Sumunod naman si Gerard, pagpasok niya ay tumungo muna siya sa silid kung saan mahimbing parin na natutulog si Marj at Maireeh.
6am Mang Jolo's House
Nagising si Marj na wala na si Maireeh sa tabi niya.
bigla siyang bumangon at lumabas sa bahay.nadatnan niyang nakaupo sa lamesa si Gerard at Mang Jolo na nagkakape.
"Mabuti at gising na kayo. Aalis na tayo. Hinihintay ko lang ang tawag ni Chui."
"Nasaan si Maireeh?" blankong tanong ni Marj
"kayo ang magkatabing matulog. wala ba ?" pagtatakang tanong ni Mang Jolo
"Wala na siya sa tabi ko" sagot ni Marj.
"Na lintikan na!" galit at gulat na sinabi ni mang Jolo at dali-daling tumayo
"Baka nasa tabi2 lang yun" sabi ni Gerard.
"Tara, Hanapin natin" Yaya ni Mang Jolo
Hindi masyadong kalayuan ang mga bahay sa barangay nila .
mabuti na lang at tumila na ang ulan at pasikat na rin ang araw.una muna silang tumungo sa malaking tindahan na pag aari nang matandang babae, may kapehan din kasi ito at kainan sa labas, ito ang unang naisip ni mang Jolo.
pagdating sa tindahan ay agad na nagtanong si Mang Jolo sa mga taong nandoon na nag aalmusal."May nakita ba kayong buntis?"
Pero walang may nakakita sa kanya..
huli niyang tinanong ang may ari nang tindahan.
"Manang, Wala bang nagawing buntis dito sa tindahan niyo?" tanong ni Jolo
"Nandito kanina." sagot niya
"Nag order pa nga nang isang mainit na tsokolate at Tapsilog ko eh. nagugutom daw siya., sabi ko nga sa kanya,
iba na ang hitsura niya.
manganganak na siya isa o dalawang araw dapat huwag na siyang gumala gala " dugtong na sagot ng matandakitang kita sa mga mukha nilang tatlo ang kasiyahan at parang nawalan ng tinik sa dibdib.
"Nasaan na ho siya Lola?" tanong ni Marj
"Abah eh. Umalis na" mabilis na sagot niya
Biglang umiba ang mukha nilang tatlo.
"Tara na, importante ang bawat segundo." yaya ni Mang Jolo
"Matigas pa naman ulo nang babaeng iyon. gusto talagang hanapin ang asawa niya" dugtong ni Gerard.
Paalis na sila nang tindahan nang....
"Yung buntis ba?" singgit ng binatang lalaki, apo siya ng may ari ng tindahan
"Oo buntis "
"Pauwi na ako kani-kanina lang, galing sa bayan. nakita ko siya sa tapat ng waiting shed ng barangay Gorgo. May kasamang babaeng Maganda." sagot niya.
nagkatinginan na silang tatlo sa sinabi ng binatang lalaki.
"Aswang yung babaeng yun" sabay takip sa bibig ng lola niya.
"Huwag ka nang makialam" sabay kurot nito sa tagiliran
"Mag iingat kayo"
sabi nung Matandang may ari nang tindahan sabay talikod sa kanila."Baka Ibang buntis yun, Baka taga doon talaga yun" hindi makapaniwala si Marj
"Jolo, Ngayon talaga ang tamang Panahon para pumunta tayo doon" seryosong sinabi ni Gerard.
"Hindi pwede Sir, Hindi natin sila Kaya" tangi ni Mang Jolo
"Hindi ko pwedeng Pabayaan si Maireeh doon Jolo"
"May naisip na akong paraan, papasukin natin ang lunga nang mga halimaw na yan"
BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...