SANTI'S. P O V
"tiktilaoooookkkkkk"
naalimpungatan akong nakasandal sa toilet bowl.
umaga na yata, naririnig ko ang pagtilaok ng manok.
May mga mantsa ng dugo sa aking mga kamay.
dahan dahan akong napatayo at dahan dahang humarap sa salamin.
nakita ko ang aking sarili na halos naliligo na ng tuyong dugo, mula sa aking mukha, bibig, leeg at sa aking kulay puting Sando.
mabilis akong kumilos para buksan ang shower para maligo at labhan ang sandong puti,
naglalaro sa aking isipan kung saan ko ba nakuha itong dugo , basta pakiramdam ko ang lakas lakas ko ngayong araw, parang na recharge ang katawan ko at basta masayang masaya ako ngayon.
naisampay ko na sa loob ng banyo ang aking sando ng biglang...."Teka! "
naalala ko ang aking asawa, hindi kaya ang dugong ito ayy...."May tao ba dyan sa loob? tanod kami ng barangay"
nagulat akong may kumatok sa pintuan at nagtanong.
boses iyon ng lalaki.
kumatok ulit siya ng kumatok.
sa palagay ko ay marami sila dahil hindi lang iisang boses ang naririnig kong nagsasalita, bakit sila nandito? bakit nila pinipilit na buksan ang pintuan ng aming cr.
nanlalaki na ang aking mga mata at marami na akong iniisip sa panahong ito, hindi kaya si Maireeh ay...."Wasakin nalang kaya natin tong pintuan?"
"mukhang wala namang tao ehh... "
bigla kong binuksan ang pintuan na ikinagulat nilang lahat.
"ayy salamat., anong nangyari sayo?"
bumungad si Maireeh sa harap ng pintuan kasama ang mga lalaking naka uniporme ng tanod.
"gigiba-in na sana ang pinto eh.."
sabi ni Maireeh."Nakatulog ako sa Cr eh" sagot ko.
"mukhang wala naman palang problema misis at mauna na ho kami" singgit ng isang tanod.
"Sige po, maraming salamat po talaga. akala ko nga eh kung anong nangyari sa asawa ko sa loob"
kanina pa pala kumakatok si Maireeh sa banyo pero hindi raw ako sumasagot, akala niya kung ano ang nangyari sa akin sa loob, baka daw napano na.
"nalasing ka ba talaga kagabi?" pagtatakang tanong ni Maireeh sa akin
"Oo Mahal eh"
"Hmmmm"
tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa,
lumakas ang pintig ng aking dibdib sa ginagawa niya."Halata nga, may mantsa ka pa ng redwine sa leeg"
pagpapatawa niya. pero hindi redwine yun, dugo yun.
kung hindi sila napahamak, sino kaya ang nabiktima ko kagabi?
nakahinga ako ng maluwag at nawala ang takot ko ng makitang masigla si Maireeh at hindi ko pala sila naipahamak."oSiya at maliligo na ako at aalis tayo"
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Samahan mo ko magpapa ultrasound na ko, for gender" masayang sinabi niya, halata sa kanyang mga mata ang pagka sabik.
"ikaw nalang mahal, matutulog muna ako"
"Pambihira ka naman ehhhhh!!!! buong gabi ka nang tulog, tapos ngayon matutulog ka na naman"
nagagalit na si Maireeh sa kanyang pananalita.pero tinalikuran ko lamang siya at napahiga sa kama.
"Tuwing Prenantal ko, isinasabay ko talaga sa Day off mo, pero Santi ni Minsan, hindi mo ko sinamahan"
dugtong niya pa."ni ayaw mong hawakan ang tyan ko, para maramdaman ka niya, para maramdaman mo naman tuwing sumisipa siya, nag kwekwento ako sayo tungkol sa kanya,ayaw mo namang makinig, sabi ko pa minsan kausapin mo naman ang baby natin dahil naririnig ka niya tapos kahit kamustahin mo manlang ako at ang magiging baby natin, hindi mo pa magawa!"
nahahata na pala ni Maireeh ang pag iwas ko tungkol sa bata...
"Minsan nga naiisip ko, gusto mo ba talaga itong bata sa loob ng tyan ko?"
"Tapatin mo nga ako"
"ANO BA ANG NANGYAYARI SAYO?"
![](https://img.wattpad.com/cover/177096654-288-k158323.jpg)
BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...