Gerard P. O. V
galing ako sa taas para sagutin ang telepono nung bumaba ako, nandoon na si Santi naka upo sa Sofa at sinalubong ako ni Po1 Chui.
"Sir, sabi niyo di makakapasok si Santi dito? " bulong niya sa akin
"Bea, nasaan na ang walis ting2?" tanong ko.
"Ay , pinakuha sa akin ni Madam Kristin bakit daw may walis ting2 dyan" sagot sa akin ng kasambahay.
"ibalik mo doon" utos ko
"magagalit si Madam, Ang pangit daw"
"Ako magagalit sayo eh!! " sabad ni PO1 Chui.
"Ibalik mo na, ng hindi nahahalata ng mga tao ha. pabaliktad parin" utos ko at sinunod niya naman ito.
"Lapitan natin siya Chui. " aya ko.
lumapit kami sa anak ko at bestfriend niya
"bakit kayo nandito? " tanong ko
"ay kinuha ko lang yung pasalubong ko sa kanya"
"mag inuman nalang tayo muna, bahala na doon si Marj sa mga bisita" sabi ko.
"Paalis na si Santi Pa "
"Bakit naman? mag iinuman pa tayo diba? " tanong ko.
"Masama daw pakiramdam ni Maireeh pa" sagot ni Calvin
"Ka buwanan na ba niya? " tanong ko.
"hindi pa" matipid niyang sagot sa akin.
"Ayy ikaw pala yung masama ang pakiramdam par diba?" tanong ni Calvin sa kanya
tumago lamang siya .
"kung ganon, sige sa susunod, magpahinga nalang muna kayo, mukhang puyat ka pa at nangangayat" sabi ko.
"sa call center kasi siya nagtratrabaho"
"Sige na , pauwiin mo na anak, baka pagod tong si Santi" sabi ko.
"tsaka, Bea? " tawag ko sa kasambahay
"kunin mo na ang wine sa ref at beer para kay Chui at Calvin" utos ko.
"Hatid mo nalang siya nak sa labas" utos ko.
"Mauna na ho ako. salamat" paalam niya sa akin.
ngiting aso ako sa kanya, nakakasigurado naman akong hindi sya makakalabas.
tumalikod na sila at naglakad papuntang pintuan.
malapit na sila sa pintuan ng natigilan si Santi at nag kwentuhan na naman sila ni Calvin.
"Sabi ko sayo eh, di makakalabas yan" salita ko kay Chui.
"talaga sir? alamin kaya natin, lapitan natin sir" na excite tong si Chui.
kaya't lumapit kami ni Chui sa kanila.
"May problema ba? " tanong ko.
"Nagbago na ulo niya pa, iinum nalang daw muna siya kasama tayo, baka sakaling mawala daw ang nararamdaman niya" salubong sa ni Calvin.
😏😏😏
"talaga? eh di padagdagan niyo nalang ang beer doon kay Bea" sabi ko.
"Tara! " aya niya kaya't bumalik ulit sila sa sofa at naiwan kami ni Chui.
"Hinding hindi sya makakalabas dito talaga, " patawang sinabi ko ky chui.
"Patayin na kaya natin Sir? " atat na sinabi ni Chui.
"easy ka lang" sabi ko
"Total, badtrip ako sa kanya noong nakaraang linggo sa ka angasan niya eh"
"Makipag inuman muna tayo at pag iisipan ko kung paano natin tatapusin to na hindi nahahalata" sagot ko.
"Sir, anong koneksyon sa walis ting2 sa kanya? "
"kapag naglagay ka ng Walis ting2 sa pintuan di sila makakapasok, iniiwasan kong makapasok sya, gago buntis ang isa ko pang anak. darating mamaya maya"
pag aalala ko."pero bago paman makarating ang isa ko pang anak, tigok na tong santi na to"
nalate ang isa ko pang anak na babae sa flight niya galing taiwan, kamuntikan na syang hindi mapayagang mag travel dahil 5months pregnant na siya.
"Sir, ano nga koneksyon dun?" pangungulit ni Chui.
"ASWANG SI SANTI"
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...