MAIREEH'S P.O.V
magulo ang isipan ko at hindi ako makatulog, normal naman daw ito sa mga buntis ang hindi makatulog.
Maraming bagay ang ipinagtapat saakin ni Sir Hoo at Chui kagabi tungkol kay Santi.
Ayokong maniwala, pero may mga video clips siyang ipinakita.
Totoo ba ito? O magaling lang yung nag edit? Pero bakit naman gagawin iyon ni Sir Hoo? bakit niya naman sisiraan si Santi?
Hindi pa nga siya umuuwi dalawang gabi na ang nakakalipas, Nasaan na kaya siya?Lalabas nalang muna ako ng apartment at magpapahangin sa terrace. Baka antukin naman ako.
Eto na naman ang malaking asong itim sa labas ng pintuan ng unit namin.
Dalawang gabi na siyang nandito.
Kanino kaya ito? Bakit tuwing hating gabi lamang siya napunta dito sa amin?Naalala ko tuloy nung nakaraang araw, habang nandito yung asong ito, aktong hahawakan ko na siya nung may sumigaw na layuan ko raw ang asong ito.
Parang bula na nawala yung asong ito. Parang ihip ng hangin, ang bilis niyang tumalon mula dito sa second floor ng unit..Si Santi daw ito sabi ni Sir. HOO. Na nag anyong aso.
Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi nilang dalawa na aswang raw si Santi.may dalawang taon na rin kaming mag ON,
mahigit isang taon na kaming nagsasama sa isang bobong ni minsan hindi ko nakitang naging aswang si Santi. Nakakatawa nga eh, diba aswang siya, buntis ako sana kinain niya na ako..Natulala na pala ako dito sa may pintuan sa kakaisip ng mga sinabi saakin nung dalawang pulis.
Nakahiga parin ang asong itim at nakapatong ang panga niya sa mga paa ko.
Ramdam ko ang init ng panga niya,"Nilalamigan ka ba?" tanong ko sa aso.
Mukhang tanga naman akong sasagutin ng aso.
"pasok ka nalang kaya rito. Hindi naman ako naniniwalang si santi ka,"
"nakikita ko lang ay asong homeless, nag hahanap ng fur parent na mag aalaga"
Umupo na ako at aktong hihimasin ang ulo ng aso ng biglang nakarinig na naman ako ng sigaw at napalingon na naman ako.
"Maireeh huwaaaaag mo siyang hahawakan!!!!!"
Nawala na naman ang asong nasa harap ko, tumalon na naman sa ibaba. Hinabol ko siya at dumungaw sa ilalim na palapag ng building.
Nawala na talaga siya.
"Santi?!"
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya pero nagpumiglas siya..
"gusto ko lang maliwanagan Santi, ano ba tong naririnig ko tungkol sayo?" tanong ko sa kanya.
"sa loob na muna tayo mag usap" hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya
Pero ayaw niyang sumunod sa akin.
"pasok na tayo mahal, hindi ako naniniwala sa kanila, pumasok kana, na mimiss na kita", sabi ko.
pero wala parin akong naririnig na sagot mula sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin."kalimutan mo na ang mga katanungan ko sayo Mahal, sorry na, basta pumasok kana sa loob at umuwi kana please"
Hinatak ko ulit siya at sumunod naman siya ng hakbang.
Laking gulat ko nalang nung napaharap ako sa direksyon ng pintuan namin,Yung malaking aso, naging higante na siya....
😴 😴 😴
Bigla Akong nagising.
Umaga na pala.....
Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo nang umuwi rito si Santi.
Parang totoo talaga ang lahat...
Napatingin ako sa wall clock. Alas nueve na pala, hindi na naman ako nakapag walking. Wala na rin kasi akong kasama.
Tinatamad na rin ako kahit ka buwanan ko na. Sabi nung Ob ko two weeks or anytime within two weeks lalabas na itong baby namin, pero wala parin si Santi.Toook--took-tooookkk!!!
Na excite ako nung may kumatok, kahit bigat na bigat ako sa tyan ko ay mabilis akong bumangon, baka umuwi na si Santi.
"Marj"???
Si marj na namumugtong mata at mukhang puyat na puyat..
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...