Nakarating silang dalawa sa kanilang apartment na walang kibuan.
nang makapasok ng pinto ay padabog na inihagis ni Santi ang kanyang bag.
"Anong problema mo?" tanong ni Maireeh sa asawa
"Anong ginagawa mo doon? "
"Natural, nakita ko yung krimen, witness tawag don!!! " sigaw ni Maireeh
"Bakit ka sumisigaw ha? "
"Tsaka alam mo bang sobrang delikado nung ginawa mong iyon? papaano kung ikaw ang balikan non kung nagbigay ka naman ng statement? "
"Sabi nga nung pulis itatago ang pagkakakilanlan ko diba? "
"Gusto ko lang makatulong"
"Naririnig mo ba ang iyong sarili? paano nga kung ikaw ang balikan non? nagpa sketch sketch ka pa talaga eh" dinuro na ni Santi si Maireeh.
"hindi ako babalikan non! "
"Paano ka naman nakakasiguro???? "
tumalikod na si Maireeh kay santi.
"proprotektahan nga kasi ang pagkatao ko, paulit ulit ka!!! " naiinis na siya sa kanyang asawa.
"hoy, kinakausap pa kita"
"Bakit ka ba nasa labas ha? " dugtong ni Santi
pero hindi na siya sinagot ni Maireeh na pumasok sa banyo para maligo.
galit na galit si Santi sa asawa kaya't buong araw ay hindi sila nag usap ni Maireeh.Umalis si Santi sa trabaho na galit parin sa asawa.
hindi parin maka paniwala si Maireeh sa kanyang nakitang krimen.
Naalala niya pa kung ano ang kalagayan ng biktimang dalagita kanina, wakwak ang tyan at buhay pa habang pinag hahatak ng isang hindi maipaliwanag na nilalang ang kanyang lamang loob sabay lagay sa bibig at kinakain pwIsang napaka pangit na anyong tao, Mahahaba ang tenga, makapal ang kilay, mahahaba ang pangil at nanlilisik na mapupula ang mga mata.
mahahabang kulay itim at matalas ang mga kuku nito.
magulong magulo din ang kanyang buhok at mukhang naglalangis ang mukha at mga kamay.
naglalaway din ito na parang asong ulol.
may paa din ito at anyong tao ang katawan.nung nalakasan ng babae na magsalita ay lumingon sa kanya ang nilalang na iyon.
nang napasigaw siya ay mabilis na naka alis na parang isag ihip lang ng hangin, parang isang bula na nawala lang ang nilalang iyon sa kanyang harapan.
napasigaw pa siya ng malakas at doon na nagsilabasan ang mga tao at nakita na nga nila ang nangyari.
agad naman natawagan ang mga pulis at mabilis na nagresponde,
kusa siyang sumama para makapagbigay ng statement pero dumating ang kanyang asawa at niyaya siyang umuwi.ngayon ay galit na galit si Santi sa kanya.
nakita narin ni Maireeh ang nangyari kanina sa social media na finafollow niya tungkol sa mga krimeng hindi maipaliwanag.
Maraming nagsasabing aswang nga talaga ang may gawa non sa dalagita.
hindi siya makapaniwala kung aswang ba talaga yung nakita niya kanina,
"Kung aswang yun, sana kinain niya narin ako, buntis ako eh" bulong niya sa sarili habang binabasa ang kwento kanina sa social media.
may iba pa palang nakakita sa nangyari pero natakot na lumabas o magpakita ayun sa kwento ng admin.
Hindi niya pa natatapos basahin ay bigla nalang nag blackscreen ang cp niya at may tumatawag na unknown number.
"Hello ? " sagot sa kabilang linya.
"Ito po ba si Mayka Irie Diego? "
"Oho" sagot ni Maireeh
"sa police station po ito. may katanungan lang po sana kami"
"Ano yun" sagot ni Maireeh
"Hindi ba talaga pwede na magbigay kayo ng statement? "
"Pasensya na ho, ayaw talaga ng asawa ko eh" sagot ni Maireeh
"Baka asawa niyo naman kasi ang may gawa ng krimen" sagot sa kabilang linya.
"ho! imposible po yun, inilarawan ko naman yung nakita ko sa sketch, hindi ho ganon ang hitsura ng asawa ko Sir" matawa tawang sagot ni Mairee
"Yun na nga Maam yung sketch niyo, pareho ang longsleeves ng mister niyo sa inyong inilarawan, pati ang kulay"
biglang bumalik sa kanyang alaala ang suot ng kanyang asawa.
nanlaki ang mga mata niya at itinapon ang cellphone.
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...