GERARD'S P. O. V
Maaga akong nagising at umalis kahit araw ng libing ni Calvin.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil alam kong pipigilan nila ako.Alas nueve na nang umaga ng bumaba ako nung bus sa bayan ng probinsya ni Santi at Bella,
Yun ang nakasulat sa address na ibinigay ni Maireeh.
Sunod kong hinanap ang sakayan papunta sa barangay Gorgo. Pero wala akong may makitang sakayan papunta roon kaya't nagtanong tanong na ako."magtatanong lang ho kung saan ang sakayan papuntang brgy Gorgo?" tanong ko sa lalaking naka sakay sa kanyang mototsiklo.
"doon ba punta mo? Sumakay ka nalang dito at dadaan naman ang tricycle ko doon, daanan lang naman yun" sagot niya sa akin.
"may kamahalan nga lang yung pamasahe Doon" dugtong niya.
"magbabayad ako kahit magkano pa yan. Dodoblehen
Sumakay naman ako sa loob. At umalis na rin ang motorsiklo kahit dalawa lang kaming pasahero..
Tahimik lang kami sa byahe mahigit 30 minutos.
nagsalita ang matandang babaeng katabi ko."taga roon ka ba?"
"hindi ho, may pupuntahan lang" sagot ko.
"halata namang hindi ka taga doon"
Ngiti niya sa akin.
"kung sino man yang pupuntahan mo roon, sigurado akong malaki ang tiwala mo sa kanya.
At kung ako sa iyo, bumalik kana sa pinangalingan mo iho" seryoso ang pagkasabi nito"nako nanay, hndi ko nga din alam ang pupuntahan ko, magtatanong tanong nalang ako doon pagdating ko" sagot ko
"sa Barangay Gorgo, sa may Sitio Diego nanay ako pupunta, malayo ba yun?" tanong ko.
"umuwi kana iho, baka nagkakamali ka lang"
Ngisi nitoNapaisip tuloy ako kung tama ba itong address na ibinigay ni Maireeh.
Walang Brgy Gorgo o Sitio Diego na sakayan sa kanilang terminal. Pero sabi ng tricycle driver na nasasakyan ko ngayon ay dadaan naman siya roon.Huminto na ang tricycle sa tapat ng waiting shed na may naka lagay na Brgy Gorgo.
"Sir andito na kayo. 500 lang po." sabi saakin
"mas mahal pa yung pamasahe ko sa tricycle kaysa sa bus ah. Pero sabi ko dodoblehen ko eh. Ito." nagulat nga ako sa singil ng tricycle saakin.
"buhay ko kasi naka salalay dito"
"ano?" tama ba yung narinig ko?
"wala ho" sagot saakin at umalis na rin..
Nagtanong kaagad ako sa lalaking nasa tapat ng waiting shed na aktong sasakay sa kanyang bisekleta.
"Magandang Araw, dito ba yung daan papuntang Sitio Diego?" bati ko sabay tanong ko
"umuwi kana" sagot niya sa akin.
"wala ba talagang sitio diego dito?" tanong ko
"Walang sitio Diego dito" sagot niya.
"eto kasi yung ibinigay na address saakin" sagot ko
"sino ba yang nagpapunta sa iyo dito?" tanong niya.
"hindi ako pinapunta dito, may hinahanap akong Tao. Taga dito ka ba? baka kilala niyo yun" sagot ko.
"Kung ako sa iyo umuwi ka na at kalimutan mo na yang hinahanap mo" sagot niya saakin sabay talikod.
"hindi naman siguro ako niloloko nung nagbigay ng address sa akin.
Papasok daw ito sa barangay gorgo" sabi ko.
Naglakad na ako papasok sa waiting Shed pero laking gulat ko ng hinawakan niya ang balikat ko."sino ba yang hinahanap mo?"
"Si Santi Diego at Bella" sagot ko.
Napa atras siya ng konti at natigilan.
"gusto kong balaan ang mga ka barangay nila tungkol kay Bella. Sobrang mapanganib ang babaeng yun" sabi ko
"kaya't kung kilala niyo sila o ka barangay lumayo na kayo sa kanila" sabi ko
Pero ngumisi lang siya sa sinabi ko.
"may nakakatawa ba sa sinabi ko?" pagtatakang tanong ko.
"nababaliw ka ata," sagot niya sa akin sabay akbay.
"alam mo kung ako sa iyo umuwi kana at huwag mo nang subukan yang plano mo ha" payo niya saakin.
"Pinatay ni Bella ang aking Anak, papaanong hindi ko balaan ang mga tao dyan at pulis ako. Siguro naman obligasyon ko ang seguridad ng mga tao" sagot ko sa kanya
"kung hindi ka naniniwalang pinatay ng isang babae ang anak kong lalaki, ikaw ang bahala, hindi ko rin alam kung naniniwala ka sa mga aswang, pero ang mga pangalang binangit ko ay mga aswang..." paliwanag ko
"kaya't papasok ako dito at hahanapin ang barangay nila para balaan ang mga tao kahit walang gustong tumuro saakin o nakakaalam kung saan itong sitio Diego"
Humakbang na ako para ipagpatuloy ang paglalakad ng nag salita ulit siya bigla.
"Walang may pumapasok dyan"
"Barangay ng mga aswang yang pupuntahan mo"
A/N SORRY FOR THE LATE LATE UPDATE. 😥😥😥

BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...