BALAAN SI MAIREEH

1.4K 30 5
                                        

MARJ'S P. O V

Masamang masama ang loob nang pamilya  ni Calvin sa nangyari sa kanya lalo na ang kapatid niyang buntis, narinig kong susugurin niya si Maireeh dito kaya uunahan ko na siya at sana mapigilan siya ni papa, walang kasalanan si Maireeh o si Santi dito, si Bella yun...

Kumatok ako at hindi nagtagal ay binuksan ito ni Maireeh na halatang halatang bagong gising lang siya. Halata rin ang pagkagulat niya.

"Marj, anong nangyari sayo? Bakit andito ka? Diba dapat nasa Maldives ka? Honeymoon niyo ni Calvin?" tanong niya.

"Maireeh, nasaan si Santi?" tanong ko.

"tatlong araw na siyang hindi umuuwi dito, magmula nung pumunta kayo rito kasama si Calvin," sagot niya

"mabuti naman, sana huwag na siyang bumalik" sagot ko

"uhmm. Marj?" nagulat siya sa sinabi ko.

"wala akong issue kay Santi, pero kay bella meron." sabi ko.

"ki-kilala mo si Bella?" mautal utal niyang tanong

"Mahabang kwento na Maireeh, ayoko nang ikwento pa, nasasaktan ako tuwing naaalala ko kung paano niya pinatay si Calvin" sagot ko. Parang sasabog na ang dibdib ko.

Natulala siya ng kaunti at nagsalita ulit.

"anong pinagsasabi mo? Yung tanong ko lang ay kung kilala mo si Bella?"

"anong pinatay niya si calvin? Ka babaeng tao mamamatay tao? Paano niya mapapatay ang mga tipo ni Calvin?" maraming katanungan niya.

Ayokong mag kwento, ayoko na kasing pahabain ang lahat, ayoko nang may madamay, nabawasan na kami ng isa, ayokong may mawala na naman, naalala ko yung mga  narinig ko noong gabing iyon, pero gusto kong tulungan si Maireeh at ang magiging baby niya.

"Umuwi ka na nang probinsya Maireeh, hiwalayan mo na si Santi." sabi ko sabay hawak sa mga balikat niya.

"kung mahal mo nga talaga ang magiging baby mo, magpakalayo layo na kayo, nanganganib ang buhay niyo"

"bakit kayo ganyan? Maging ang ina ni Santi. Gusto niyang iwanan ako ni Santi. May problema ba kayo sakin?" pagtatakang tanong ni Maireeh sa akin.

"makinig ka nalang kay Marj, Maireeh"

Nagulat ako ng pumasok si Papa.

"Diba sinabi ko na sayo nung nakaraang gabi kung ano talaga si Santi, may mga ipinakita pa akong ebedensya sayo" paliwanag ni Papa

"ni minsan, hindi ko nakitang naging aswang si Santi, ni Minsan hindi ko siya nakitang kumakain ng tao, IMPOSIBLE YANG PINAGSASABI NIYOOO" alsa boses niya.

"mahal niya ako, hindi niya ako sasaktan."

"hindi ka nga niya sasaktan, pero si Bella kayang manakit ng tao"  sagot ko

"sino ba yang Bella?" pangugulit niyang tanong

"Nobya ni Santi dati na aswang rin. Mapanganib siya, nagkaharap na kami kagabi" sagot ni Papa.

"muntik na ako kagabi" dugtong ni Papa

"kaya sabi ko nga ayokong may madamay pa, Papa,. Tama na. Lumayo na tayo sa kanila" maiyak iyak ko nang sinabi

" uulitin ko, ni minsan, hindi ko nakitang naging aswang si Santi, ni Minsan hindi ko siya nakitang kumakain ng tao, mahal niya ako hindi niya ako sasaktan..."  napa upo si Maireeh.

"kung gayon, ibigay mo saakin ang address niya at hahanapin ko siya para sayo" sabi ni Papa.

Sumunod naman siya at inilista niya sa papel at ibinigay niya kay papa.

"Mag ingat ka Maireeh, huwag mong ilalayo yang carmen mo sayo, balutin mo nang itim na tela ang tyan mo lalo na sa gabi, maglagay ka nang asin at bawang sa bintana..
Huwag mong aalisin itong walis tingting na inilagay ko dito sa may pintuan, huwag mo ring kukunin dito ang buntot ng pagi at bolo ha"

Tumango lamang siya habang si papa ay busy sa paglalagay ng mga sinabi niya.

"huwag na huwag mong lalapitan o bubuksan ang asong itim sa hating gabi, hindi yun aso. Aswang yun..."

"Mag ingat ka palagi Maireeh"

Nagpaalam na si Papa at unang lumabas ng pintuan.

"patawad Maireeh, binalaan na kita. Mag ingat ka sana"

Sabay labas ko sa pintuan at iniwan siyang blanko.

Ano naman kaya ang binabalak ni Papa at kinuha ang address ni Santi.


A/N sorry late late up


ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon