pagbabati ng mag asawa

1.9K 31 0
                                    

SANTI'S P O V

Mula nang  nag aral ako dito sa manila ay tiniis ko ang pagka gutom  at pagnanasa sa mga tao.
yun nga lang palagi akong nagkakasakit dahil sa palagi akong gutom. para kasi siyang bitamina sa aming katawan kapag nakakakain kami ng sariwang tao lalo na ang buntis at sanggol ay lumakas kami.

, ilang taon din ang natiis kong magpigil na kumain ng tao dahil ayoko na talaga sa ginagawa namin, isa din sa rason kung bakit nag aral ako sa maynila bilang BS CHEMICAL ENGINEERING para pag aralan kung may gamot pa ba sa kondisyon namin.

pero nakita ko si Maireeh at naging girlfriend, Nainlove at aksidenteng nabuntis. wala na akong magagawa dahil nandito na siya at mahal ko naman talaga siya, pansamantalang tumigil ako sa pag aaral na dapat graduating na ako at magpapatuloy pa sana sa pagiging doctor.

Umuwi kami ng Sitio Diego para na rin sabihin kay Ina at Ama at sa buong baryo na ang kondisyon namin ay kaya namang makakapagtiis katulad ng ginagawa ko at tuturuan ko sila ng disiplina sa sarili,  at sa pagkukulit na rin ni Maireeh na umuwi kami sa pamilya ko dahil gusto niya rin ng buo ang pamilya at yun din naman ang gusto ko. pero nag away lamang kami ni Ina. kaya daw naming makapagtiis pero ang aming mga kabaryo ay hindi, umasa akong magbabago naman silang lahat dahil mababait at nagkakaisa.

 dahil nga ilang taon na akong nag titiis, akala ko ay kaya ko nang makisama sa kanya na walang pagnanasa,noong kami palang ni Maireeh ay wala akong problema, sanay na sanay akong maka halobilo sa mga tao
subalit noong nabuntis siya at lumalaki na ang bata sa sinapupunan niya ay tuluyan na akong nagnasa sa sarili kong asawa at magiging anak. kamuntikan ko na lamang silang mapatay noong isang araw.

wala sanang problema kung ipinupulupot niya ang itim na tela at carmen sa bulsa niya dahil hindi ko nakikita at naamoy ang baby namin sa loob ng tyan niya. ipinatapon ko rin ang pulang panty at mga damit niya dahil kung suot niya yun mas lalong masarap titigan ang kanyang tyan at malinaw na malinaw ang bata sa loob.
tsaka hindi lang naman ako ang nag iisa dito sa Maynila, marami kaming kauri ko na malayang malaya na nakakahalobilo sa normal na tao.


mahigit tatlong oras na ng umalis siya para magpa ultrasound, para malaman ang kasarian ng magiging anak namin, nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko siya masamahan.
gagawa na lang ako ng paraan at rason para hindi siya mag hinala  sa akin.

ipinagluto ko na lamang siya ng maraming maraming pagkain para sa pagdating niya, peace offering na rin.

"ANdito na ako" Sigaw niya.

"Oppps! huwag mong sasabihin sa akin ang gender ng bata"  sabi ko.

"Bakit naman? ayaw mo talaga sa kanya ehhhh" pagtatampo niya

"Mahal naman, gusto ko lang talaga nong surprise! " sagot ko.

"Ganon yun?" 

"Oo naman mahal" Sagot ko.

nilapitan ko siya at hinalikan ang noo niya.
hinawakan ang kanyang mga pisngi,

"Pagpasensyahan mo na ako Mahal, Pagod lang talaga at puyat"

"Gusto ko rin namang surprise din ang kasarian niya. huwag ka nang mag isip ng kung ano ano pa, Mahal kita at Mahal ko ang Baby natin" dugtong ko pa.

"basta alagaan mo ang sarili mo at ang baby natin"


"ang pinaka importante sa lahat ang itim na tela at ang carmen mo huwag mong ihiwalay ha?"

"Okay mahal. sabi nga ng OBgyne huwag na akong magpa stress dahil nakaka epekto sa baby" sagot niya.

"Kita mo na? tama na ang pag aalala at pag proproblema sa bagay na hindi naman dapat"

ngiti ko sa kanya at ngumiti din siya pabalik.

"Peace na tayo ha" sabi ko

"Okay peace na tayo, I love you!"

" nagluto na pala ako ng  tanghalian natin"


"mga paborito ito ni Baby ah"

Masayang masaya na naman ang aking asawa. naniwala sa sinabi kong gusto ko ng surprise na lang ang kasarian ng baby namin, lalaki ang anak namin, nakita ko na noong isang araw.

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon