GERARD P O V
"Hello ? " sagot sa kabilang linya.
"Ito po ba si Mayka Irie Diego? " Tanong ko
"Oho" sagot niya
"sa police station po ito. may katanungan lang po sana kami"
"Ano yun" sagot niya
"Hindi ba talaga pwede na magbigay kayo ng statement? " ulit kong tanong kay Mrs. Diego
"Pasensya na ho, ayaw talaga ng asawa ko eh"
"Baka asawa niyo naman kasi ang may gawa ng krimen"
"ho! imposible po yun, inilarawan ko naman yung nakita ko sa sketch, hindi ho ganon ang hitsura ng asawa ko Sir" matawa niyang sagot
"Yun na nga Maam yung sketch niyo, pareho ang longsleeves ng mister niyo sa inyong inilarawan, pati ang kulay" paliwanag ko.
pero biglang naputol ang linya.
Kinaumagahan ay pumunta kami sa lugar kung saan nangyari ang krimen at nagtanong tanong na rin kung nasaan ang bahay ni Mrs.Diego.
Walang lumalabas na witness sa nagyari pero sa social media ay putok na putok na ang balitang ito, may nagsasabing nakita nila ang nangyari ngunit puro fake accounts naman.
natuntun na namin ang apartment na tinitirahan nilang mag asawa na sa mga oras na ito ay nagdidilig ng halaman sa labas ng kanilang apartment.
"Mrs.Diego"
"Pasensya na ho" salubong niya sa amin
"pinag awayan na namin itong mag asawa eh" sagot niya
"Nandito ho ba siya?" tanong ng kasama kong si PO1 Chui
"Wala ho Sir, pero papauwi na yun" sagot niya
"Pwede mo bang ulitin yung sketch, lutang ka pa ata misis noong panahong iyon eh" sabi ni PO1 Chui.
"Tama po yung pina-sketch ko Sir" Sagot niya
"Ito ba? " ipinakita ni PO1 chui sa kanya ang sketch
"Kahit bata, hindi maniniwala Misis eh" Pagpapatawa ni PO1 Chui.
"Hindi ko na uulitin yan" sagot niya
"Inilalayo mo kasi yung imbestigasyon Misis"
Nakikinig lamang ako sa kanilang usapang dalawa. ng biglang uminit ang habak ko sa beywang.
mula sa second floor ng apartment ay natatanaw ko ang kanyang asawa.
"Magandang Umaga Mr. Diego" Sigaw ko
"Sir Gerard, bakit ka sigaw ng sigaw? hindi mo nalang hintaying maka akyat dito" bulong ni PO1 Chui.
Uminit ang Habak ko sa beywang kasi malapit pala yung asawa niya, inunahan ko na siya bago pa siya maka akyat dito.
"Maliwanag na ang sinabi ko sa police station diba?" bungad niya sa amin.
"Hindi Ho Maliwanag Mr. " Sagot sa kanya ni PO1 Chui
"Tignan niyo nga yung pina sketch nang asawa niyo ohh"
Ipinakita niya ang sketch kay Mr.Diego
tinitigan niya lamang ito tsaka nilukot ang Papel.
"Ayy Gago to Sir" galit na sinabi ni PO1 Chui.
"Maireeh Pumasok ka muna sa loob"
Tumango naman ang asawa niya at tinitigan pa kami bago pumasok sa loob ng apartment
"Ipapa ulit lang namin sa kanya"
"diba sinabi ko nang hindi maaaring magbigay ng statement ang aking asawa?"
"Naparito lamang kasi sa imbestigasyon Mr. dahil malapit kayo sa pinangyarihan ng krimen , napadaan lang" Sagot ko
"Hindi yun Sir, Sinadya talaga nating pumunta dito sabi mo diba?" binuking ako ni PO1 Chui.
"huwag na huwag mo akong susubukan!" seryosong sinabi niya habang inilapit niya ang mukha niya sa akin
"ayyy sir! Gago talaga to ah." akmang bubunutin ang baril
"Chui, Kalma Hayaan mo siya" sabi ko
"Bakit po Sir? Senior Inspector ho kayo, natatakot kayo sa kanya?" pagtatakang tanong ni PO1 Chui sa akin
"Tara na" pag aaya ko.
kinamot ni PO1 Chui ang ulo niya habang sumusunod sa pag alis ko, sinundan naman kami ng tingin ni Mr.Diego
sa susunod na pagpunta ko sisiguraduhin kong makokompirma ko talaga na ikaw ang may gawa ng krimen.
isa pang ebedensya at mawawalan ka na ng asawa.
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...
