Pag alis ni Santi

1.9K 30 0
                                    

SONJA'S P.O.V


Napakasakit na marinig mula sa isang anak mo lang ang mga salitang gusto nilang mamuhay ng normal at hindi ko kayang maibigay iyon. sinubukan ko na noong itakas ang aking mga anak sa empyernong ito subalit nanaig pa din ang aking pagka anak,

ayokong maiwan ang aking Inang at Amang dito sa Sitio Diego.

Dapat nga sana ayoko nang mag asawa para hindi na madagdagan ang mga kauri namin subalit yun na ang pinagkasunduan ng aming mga angkan.

kasalukuyan akong naka upo sa terasa ng aming bahay at tanaw na tanaw ko ang aking anak na si Santi at ang kanyang asawa. Pinasundo ko sila kay Mang Jolo,

Si Mang Jolo ay hindi namin kauri, isa siyang normal na tao lamang, alam niya ang pagkatao naming lahat sa baryo. pumupunta lamang siya dito kapag umaga na kung saan mahinang mahina ang pwersa namin at kung may ipinag uutos ako, malaki ang utang na loob niya sa akin.

punong puno ang kanyang katawan ng mga anting anting at pangkontra sa amin. Maraming beses nang may tumangka sa buhay niya pero lahat ay nabigo at namatay nalang,

ngayon ay ang karamihan sa amin ay takot din kay mang Jolo kaya't malaya siyang nakakapunta dito kapag umaga na, hindi naman niya kami inilalaglag sa ibang tao kahit alam na nang lahat sa probinsya na kami ay baryo ng mga aswang. 

"Mang Jolo! Bilisan na ninyo at Gagabihin sila sa daan" Sigaw ko.

"Opo Maam Sonja"

Nagkatinginan pa kami ng asawa niya pero yumuko at ibinaling ko ang aking tingin sa ibang direksyon.
at baka sumakit pa ang tyan ng babaeng yon. 

Wala akong magawa kundi palayain na ang aking anak, mayroon na siyang sariling pag iisip at desisyon, ngunit di parin ma iaalis sa aking damdamin ng isang inang nangangambang baka may mangyaring masama kay Santi lalo na at wala kami sa kanyang tabi.






ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon